Yasmin's POV
"Girl! Nakapag enroll kana ba?" Tanong ni Riley habang kumakain ng chocolate na dala ni Krisha galing Singapore.
"Gaga ka. Akala ko ba sabay sabay tayong mag e-enroll kaya nga umuwi si Krisha oh! Shunga be hahahahaha" natatawang sambit ko dahil ang dungis na ng mukha ni Riley dahil sa kakalamon ng chocolate.
"Bilisan niyo na. 11:30 tayo pupunta ng RCI" sambit ni Valerie habang nakatutok sa cellphone niya.
"Seryoso ka Val?! 11:30? 11:24 na oh!" Mangiyak ngiyak na sambit ni Helga dahil hindi pa siya nakakapag ayos ng kanyang sarili.
"Mukha ba akong nag bibiro?" Ang lamig talaga ng babaeng to! Mas malamig pa yata ito sa yelo e.
"Maiba nga ako. Si Zach ba naka enroll na?" Tanong ni Krisha habang inaayos ang mga dadalhin niyang forms.
"Mala-late siya ng enroll dahil hindi pa sila nakakauwi simula nung nagkasakit ang lolo niya." Sambit ni Valerie habang pinapaikot ang susi ng kanyang BMW.
"Bilisan niyo Its already 11:30" sabay tayo ni Val mula sa pagkakaupo.
Napasinghap nalang ako ng sigawan ako ni Riley dahil ako nalang pala ang naiiwan dito.
Riley's POV
"Teka san ba to ila---" napatigil ako sa pagsasalita dahil nahulog ang mga forms na hawak ko. May nakabunggo kasi ako at hindi ko makita ang mukha nito dahil nagulo ang pagkakaayos ng buhok ko.
"Sorry miss" sabay lahad ng kamay nung nakabungo sakin. Agad ko naman itong tinaggap at sa kamalasmalasan nga naman natapilok ako kaya napalapit ang mukha namin sa isa't isa.
Alam mo yung feeling na bigla bigla nalang nag slow-mo yung paligid? Ang mga malalalim niyang mata. Makakapal niyang kilay. Matangos niyang ilong. At mapupulang labi --- argh! Nababaliw na yata ako.
"Miss okay kalang ba? Miss?" Napasinghap ako ng marealize ko na kanina nya pa pala ako tinatawag.
"A-ah oo okay lang ako. Salamat" sabay iwas ko ng tingin sa kanya.
"I'm Carl and you are?" Napatingin naman ako sa kamay nya na inilahad sakin para makipag shake hands.
"And you are??" Pag ulit niya.
"I-I'm Riley" sabay tanggap ko sa kamay niya.
"Ohh so mag e-enroll ka?" Tanong niya.
"A-ah oo eh hehe--" natigil nalang ang pag uusap namin ng bigla akong tinawag ni Krisha.
"Huy babae! Kanina kapa namin hinahanap-- owww" bigla namang napalitan ang nag aalala niyang mukha na ngayon ay nakangisi na.
"Ikaw ha. Dimo sinabi saking may kilala kana palang nilalang na bumaba galing sa langit" sabay kindat niya sakin. Umiling nalang ako at bumaling sa mga kaibigan kong nakapila.
Krisha's POV
"Uyyy sino yun Riley? Pakilala mo naman ako kay kuyang anghel na bumaba galing sa langit ughh" pang aasar ko kay Riley.
"Alam mo Krisha kung wala kang sasabihing matino tumigil kana bago pa kita mahagis papuntang mars! Ugh!" Inis na sambit ni Riley na ikinatawa ko naman ng malakas.
"Dimo man lang kami pinakilala hihi ang pogi pa naman nya!" Kinikilig na sambit ni Yasmin.
"Oo nga girl!" Sabay sundot ni Helga sa tagiliran ni Riley.
"Aish! Tigilan niyo nga ako!" Naiinis na sambit ni Riley.
Bigla namang tumayo si Valerie na ikinatigil naming lima.
"Punta lang ako ng Gateway may ime-meet up lang akong client" sabay tayo ni Valerie at umalis na.
"Hoy gaga tingin mo anong gagawin ni Val?" Sabay sundot ni Helga sakin.
"Hmm. Sabi niya mag ime-meet daw na client e" sabi ko at itinuloy ko nalang ang pag sipsip sa straw ng starbucks.
Helga's POV
"Hoyyy babaita kelan kaba uuwi dito?" Tanong ko kay Zach habang kausap sa telepono.
"Excited kayo masyado hahaha. Sa Friday na ako uuwi at mag e-enroll medyo bumabalik na ulit yung sigla ni lolo eh"
"Yieeee. Buti naman. Osha sigi na babyee muna andito kami sa mall eh nag hahanap kami ng mga gamit na gagamitin namin bukas"
"Sige. Bye ingat kayo"
Asan na kaya si Val? Hays. Simula ng masaktan siya sa ginawa ni Andrew sa kanya. /boybestfriend niya/ hindi ko na ulit siyang nakitang tumawa. I miss the old Valerie. Hays.
"Oh ano daw sabi?" Masiglang sambit ni Yasmin.
"Baka sa friday daw" agad namang tumango si Yasmin at sinabi kina Krisha at Riley ang balita.
"Ako nalang ang pipili ng mga gamit ni Val tutal parehas naman kami ng mga taste sa pag pili ng mga gamit" sambit ko at agad namang tumango ang mga kaibigan ko.
Pumili na ako ng mga gamit at madalas sa mga ito ay parehas kami ni Val dahil parehas talaga kami ng taste.
Valerie's POV
"Ms. Valerie nasa meeting place na po si Mr. Monterde" sambit ng aking secretary na si Sabrina.
"Okay thank you." Bumaling naman ako sa mga kaibigan kong nag tatawanan.
"Punta lang ako ng Gateway may ime-meet up lang akong client." Sambit ko at tinalikuran na sila.
Ang daddy ko ay isa sa pinaka mayamang business man sa buong mundo. At hindi ko naman ikinakaila na kilala ako ng lahat.
Nasa ibang bansa ang parents ko kaya napagisipan namin ni Helga na sa iisang condo nalang tumuloy kasama si Krisha dahil wala naman ang aming mga magulang dito sa Pilipinas at alam naming mangungulila lang kami sa kanila.
Simula ng masaktan ako. Nakalimutan ko ng ngumiti at tumawa tulad noon. Hindi lang naman ako ang nasaktan ngunit hanggang ngayon mahal ko parin yung lalaking yun. Hindi pa pwede ngayon kaya sa susunod nalang siguro. Ang kailangan ko isipin ay ang magiging resulta ng mga mangyayari mamaya.
Napasinghap ako at tumuloy na.

YOU ARE READING
Camp Sawi
Fiksi RemajaAnim na babaeng nag mahal lang naman ng totoo. Anim na babaeng may malambot na puso. Anim na babaeng walang alam kundi ipaglaban ang taong mahal nila. Nag bago ang lahat simula ng masaktan silang Anim. Parehong araw. Parehong buwan. Parehong taon...