Chapter 3

91 3 0
                                        

Helga's POV

Andito kami ngayon sa room pangatlong araw na namin dito pero as usual ang iingay parin ng mga haliparot na babae sa kabilang section dahil may mga kaklase kaming monggoloid!

"Okay class. Kakailanganin namin ng representative para sa Science club we need 4 girls and 4 boys"

Napatayo naman si Riley sa tabi ko at agad akong dinuro.

"Sir! Si Helga nalang! Top 1 namin yan!" Pinagtinginan naman ako ng mga ibang estudyante.

"Ms. Gomez, Ms. Valenzuela, Ms. Nicolas, Ms. Gonzales" sabay turo ni Sir sakin at kay Val at dun sa dalawang babae sa likuran.

"Kakailanganin niyong mag dala ng Gadget dahil iyon ang gagamitin niyo sa science club" sambit ni Sir Marco habang may tina-type sa laptop niya.

"Mr. Calix, Mr. Bryan, Mr. Grey, Mr. Martinez" napasinghap ako ng wala sa oras ng marinig ko ang mga apilyedong sinabi ni Sir. Teka Grey? Jasper Grey? Bakit parehas sila ng last name ni Riley? Magkakilala kaya sila?

Agad kong tiningnan si Val na para bang hindi naman siya nabigla sa nangyari pero nakatitig lang siya dun sa lalaking singkit.

"Kayo ang napili kong representative" tumango naman ang apat na nakatingin lang kay Sir.

Nakakapag taka. Grey? Jasper Grey at Riley Grey?


Riley's POV

Tama ba yung narinig ko? Grey ang last name ni Jasper?! Wtf?

*kringgg kringgg*

Tunog ng bell. Iba iba ang subject naming mga mag kakaibigan at sa araw na ito ako lang ang naiiba.

Agad ko namang dinial ang number ni Mommy para itanong kung sino ang Jasper na iyon.

"Mom! Can I ask you something?"

"Yes baby?"

"Mom sino si Jasper Grey? At bakit dito rin siya sa RCI nag aaral? Don't tell me anak siya ng kabit ni Daddy?"

"Sigurado kabang dyan siya nag aaral?"

"Yes mom! At take note kaklase ko pa talaga siya sa tatlong subject!"

"Anak--"

"Siya ba yon Mom?"

"O-oo but Baby pwede ko namang kausapin ang Daddy mo na ilipat nalang ang anak niya--"

"Its okay Mom. I can handle this" sambit ko at binaba na ang tawag.

Una palang ng malaman kong may anak sa ibang babae ang daddy ko malaki na ang galit ko sa babae niya at sa anak niya. Hindi ko matanggap kung bakit kailangan pa talagang mambabae ni Daddy at nag bunga pa ang ginawa niyang kasalanan.

Sigurado akong alam ni Jasper kung anong namamagitan samin. Hindi naman siya galit sakin pero ako galit ako sa kanya. Galit ako dahil kung wala sila ng nanay niya paniguradong wala akong kahati kay Daddy! Bullshit.

"Hi Step Sister" nagulat ako ng biglang may nag salita sa tabi ko. Srsly? Inirapan ko nalang siya at akmang aalis na ng bigla niyany himawakan ang braso ko. Masakit ang pag kakahawak niya dito. Agad ko namang binawi ang braso ko.

"Ang lupit ng tadhana no? Akalain mong pinag tagpo tayo ng tadhana at dito pa talaga sa school kung saan ako nag aaral!" Sambit ko at nag patuloy na sa pag lalakad.

Valerie's POV

Jasper Grey? Siya ba yung Step Brother ni Riley? Tanong ko sa sarili ko habang sumusubo ng pagkaing niluluto ni Riley.

"Tingin mo Val anong mangyayari sa dalawa?" Tanong sakin ni Yasmin habang nakatitig sa papel na hawak niya.

"Patayan?" Sambit ni Zach na kakarating lang.

"Gago kaba? Edi kung patayan yun paniguradong buto buto na si Jasper putulin ko leeg niya e!" sambit ni Riley habang nag hihiwa ng sibuyas.

Napag desisyunan namin mag kakaibigan na sa iisang condo nalang tumira at pumayag naman ang mga magulang nila.

"Easy girl. Ang gwapo pa naman ni Jasper lalo na yung mga ngitian niya ohhh" sabi na e nako ka Yasmin.

"Babaita pinapaalala ko lang na kakagaling mo lang sa break up" sambit ko.

"Alam ko pero ughh masama nabang mahumaling at mainlove muli Val?" Tanong niya.

"Masama. Masamang masa" sambit ko at tumayo para tulungan si Riley sa pagluluto.

Zachary's POV

"Masama. Masamang masa" sambit ni Val na tumayo at pumunta kay Riley.

"Ang bitter talaga ng isang ito nako nako" sambit ni Krisha at umiling iling nalang.

Hays ang bitter mo Val sana makahanap kana ng lalaking makakapag patibok ng puso mong bato.

"Hindi naman masamang mainlove. Pero masamang mainlove sa isang taong hindi ka gusto" sambit ko.

"Pero girl! Ang hot kaya ni Jasper kung nakita mo lang" sambit ni Helga habang kinukutkot ang kanyang kuko.

"Hot na kung hot pero narinig ko sa mga estudyante kanina may Girlfriend nadaw! Bigti na girl" natatawang sambit ni Krisha.

Napasinghap nalang ako ng marealize na tumatawa narin pala ako.

Yasmin's POV

Wala akong pake kung may Girlfriend na siya basta't crush ko na siya simula ngayon huhuhu.

Kakatapos lang namin kumain at andito ako sa kwarto ko dito sa condong binili ni Valerie. Binukas ko ang laptop ko at nag sign in sa facebook.

Jasper Grey sent you a friend request.

Fuck?! Totoo batong nakikita ko??

Confirm - Ignore

Dahan dahan kong clinick ang confirm.

"Yasmin Smith and Jasper Grey are now friends"

Yun ang nakalagay at may nakita akong nag message sakin kaya binuksan ko ito at nagulat ako ng makita ko kung sino iyon!

"Hi!" -Jasper

Omg!

"Hello"

Typing...

--


Camp SawiWhere stories live. Discover now