Riley's POV
"Okay kalang ba miss?" Tanong sakin ni Ian at agad naman akong tumango. Napansin kong hawak niya pala ang kamay ko kaya agad ko naman itong binawi.
"A-ahm sige una na ako" sambit ko at pumasok narin sa room.
"Ang tagal mo gaga ka! san kaba napadpad pag tingin ko sa likod ko di na kita nakita liit mo kasi!" Bwiset manenermon na ngalang tong si Zach may panlalait pang kasama.
"Bwiset ka Zachary! Argh!" Pinaghahampas hampas ko siya natigilan nalang ako ng biglang dumating si Sir Marco.
Kasunod ni Sir Marco ay ang mga kaibigan kong kakadating lang din at halatang hingal na hingal pa. Hindi ko napansin na kaklase pala namin sila sa ganitong subject.
"Lahat ng representative sa Science club tumayo na at pumunta sa avr" agad namang tumayo ang si Val at Helga at ang iba pang representative.
Zachary's POV
Hindi ako mapakali. Naiilang ako. Pano tingin ng tingin sakin si Kurl. Nanliligaw siya sakin actually kapitbahay lang namin sila at matagal na siyang nanliligaw sakin. Gusto ko siya pero siguro not now.
"Lahat ng representative sa Science club tumayo na at pumunta sa avr" sambit ni Sir Marco.
Nahulog ang ballpen ko at kukunin ko na sana ito ng bigla itong inabot ni Kurl.
"S-salamat" sambit ko at nag paalam kay Sir Marco na mag cr muna.
Habang nag lalakad ako sa cr naagaw ng pansiin ko ang mga senior high at second year college na nag lalaro ng basketball. Nag sisigawan ang mga kababaihan dahil sa kagalingan ng mga nag lalaro. Meron pa ngang laging nakaka 3points. 7 ang number ng jersey niya.
Makisig ang katawan niya at pawis na pawis na. Hindi na ako nag abalang mag tagal doon dahil ang paalam ko lang naman ay ang mag c-cr ako.
Pumasok ako sa isang cubicle at may narinig akong nagsasalita.
"Kilala mo ba yung apat na old student sa room 306? Ang gwapo be!" Girl 1
"Oo be! Pero never ko pa silang naging kaklase! Ang hot ni Ian!" Girl 2
"Mas hot si Rein Calix pangalan palang masarap na!" Girl 1
"Ughh pare-parehas lang silang hot no! Tara na nga baka mahuli pa tayo ng prof natin" Girl 2
Nakiramdam muna ako kung wala nabang tao at bumalik na ako sa room.
Valerie's POV
"Okay. Ang gagawin niyo ay huhulaan niyo kung anong sagot sa ipapakita naming mga tanong a,b,c and d ang mga pagpipilian niyo. Pipindutin niyo kung saang shape ang letrang iyon. Ang pinakamaraming ang mamanalo. Kahit isang miyembro lang ang makakuha ng mataas na puntos ay panalo na" sambit ni Sir Ty.
Habang nag sasagot kami ay nakikita na kung sino ang pinaka mataas.
Mataas ang grupo ng mga lalaki saamin. Nangunguna si Dave habang Pumapangalawa naman si Rein Calix. Pumapangatlo naman si Ian at Pumapangapat naman si Paulo. Tingin ko sila ang mananalo.
Rein's POV
Pumapangalawa na ako sa mataas. Tingin ko ang grupo namin ang mananalo. Habang hinihintay namin ang tamang oras ay biglang may tinuro si Paulo sakin. Tinuro niya ang grupo ng mga kababaihan sa amin. Kaklase pala namin ito sa ibang subject.
Tinuro niya sakin ang babaeng may mahabang buhok. May makapal na kilay at may matangos na ilong.
Nag salita na si Sir Ty at nakumpirma kong kami nga ang nanalo.
"Congrats sa section ng room 306 at sa grupo ng mga lalaking ito"
Pinapunta kami sa harap at muli kong sinulyapan yung babaeng tinuro ni Paul sakin. Nakangiti lang siya habang kinakausap ang kaibigan niya ata.
Pag tapos inannounce lahat ng nanalo nauna siyang umalis.
Napasinghap nalang ako sa nangyari.
Krisha's POV
Andito ako sa cafeteria kasama si Helga at Val habang si Zachary naman ay umoorder ng pagkain. Vacant kami at uuwi na sana kami pero si Riley at Yasmin ay may last subject pa kaya napag pasyahan naming antayin nalang ang dalawa.
"Grabe ang saya naman pala sa Science club yun ngalang hindi tayo nanalo" sambit ni Helga habang pinaglalaruan ang balat ng potchi.
"Nakita mo ba yung lalaking nanalo kanina? Ang cute niya kaya. Ngiti siya ng ngiti eh" sambit ni Val. Like woah. Si Samantha Valerie nacute-an sa isang lalaki? Milagro ata to.
"Ikaw? Samantha Valerie Valenzuela may crush? Omg!!" Sambit ni Helga sabay hampas kay Val.
"Shit. Masakit ah? Hindi ko siya crush. Ang cute niya lang talaga tsaka palangiti. Para bang isa siyang tipo ng lalaki na mapapagkatiwalaan. Yung parang di fuccboi" ngumingising sambit nito.
"So naka move on kana kay An--" Sambit ni Helga
"Ofcourse. Hindi naman ako tanga para hindi mag move on sa kawalangyaan niya no" sambit nito habang pinaglalaruan ang mga daliri.
"Sabagay. Pero alam mo mas maganda kung mainlove ka ulit para naman hindi bato yang puso mo no!" Sambit ko habang tumatango tango pa.
"Gago! Hahahaha" woah kakaiba ka Val para bang 100 years kang hindi tumawa at ngumiti.
"Pero gusto kong malaman yung pangalan niya. Medyo kulot, Medyo singkit, Maputi, Matangos ang ilong, at Mapula ang labi" dagdag nito.
Omyghad. Si Samantha Valerie Valenzuela ay inlove?!
"Hoy hoy hoy!! Sino yan?" Sambit ni Zachary na kakadating lang.
"Wala hahaha" umiiling na sambit ni Valerie. Omg.
Helga's POV
Sa totoo lang gustong gusto ko ng tanungin si Krisha kung naiisip din ba niyang inlove na si Val? Kaya lang baka kotongan ako ni Valerie eh. Tsk tsk.
Pero masaya ako para kay Valerie kung maiinlove ulit siya. Kase alam kong ngingiti na ulit suya at tatawa. Hays Valerie.
Maya maya pa ay dumating na ang dalawang Grade 1.
"Bwiset na-zero pa talaga ako sa quiz na iyon! Tangina mo Ian Drake!! Argh" sambit ni Riley na namumula mula pa.
"Ano bang problema mo?" Takang tanong ni Valerie.
"Pag tripan ba naman ako nung lalaking epal,supot,bantot,bakla na iyon tapos na-zero pa ako matutuwa pa kaya ako?!" Wala kaming nagawa kundi tumawa nalang ng tumawa.
"Nako Riley parang alam ko na kung saan papunta yan" sambit ko sabay iling.
Yasmin's POV
Nakakatawa talaga kapag pinagtritripan itong si Riley parang manggang sasabog.

YOU ARE READING
Camp Sawi
Teen FictionAnim na babaeng nag mahal lang naman ng totoo. Anim na babaeng may malambot na puso. Anim na babaeng walang alam kundi ipaglaban ang taong mahal nila. Nag bago ang lahat simula ng masaktan silang Anim. Parehong araw. Parehong buwan. Parehong taon...