Zachary's POV
"Mom, eto napo ba lahat ng dadalhin natin pabalik ng manila?" Tanong ko kay Mommy habang inaayos ang mga make ups ko na nakakalat sa higaan.
Agad namang tumangos si Mommy at nag patuloy nalang sa pagliligpit ng mga gamit niya.
Thursday na ng gabi at mamayang madaling araw na ang flight namin pabalik ng manila. Magaling naman na si lolo kaya makakauwi na kami. I miss my friends nadin.
Valerie's POV
"Helga ngayon ang balik ni Zach diba?" Tanong ko kay Helga na nakatutok lang sa cellphone niya.
Lutang yata ang isang to dahil hindi niya parin sinasagot ang tanong ko kaya medyo lumapit ako sa kanya para makita ang tinitingnan niya sa cellphone niya.
Diyes Nuarin ll accept your friend request.
Fuck. Ano bumalik nanaman ba ang isang to? Matagal na ang friend request na iyon. Tapos ngayon lang niya ia-accept? Gago ba siya? Tch.
Tumayo ako at iniwan nalang siyang nakatulala. Alam kong hindi madaling mag move on. Ako lang naman ata tong hindi pa nakakamove on saming mag kakaibigan. Alam kong nag iba ako ngayon. At dahil sa kanya ito.
"Krisha can you please call Riley and Yasmin I need them now." Malamig kong sambit sa kaibigan kong si Krisha at dali dali naman niyang pinindot ang numiro ng aking mga kaibigan at tinawagan.
"Rile! Pumunta kayo dito now na isama mo si Yas ah. Shongot kapa naman. Oo si Val nag sabi. Yeah yeah, okay byee"
Narinig ko pang sabi ni Krisha.
Binalikan ko ng tingin si Helga at kitang kita ko kahit malayo ako sa kanya. Onti onting tumulo ang luha niya. Ayoko siyang nakikitang ganito dahil lang kay Diyes.
Agad ko siyag nilapitan at tulala parin siya.
"Helga"
"Helga!"
Bigla siyang umupo ng maayos at pinunasan ang kanyang tumutulong luha.
"Uhm. Bakit?"
Tiningnan ko siya na matalim. Ngumiti naman siya sakin at agad akong niyakap. Naramdaman ko nalang na may basa na sa aking likod. Niyakap ko din siya at hinagod ang likod.
"Helga, ayokong nakikita kang umiiyak dahil lang sa kanya" malamig kong sabi at hinayaan nalang siyang humagulgol ng humagulgol.
Lumapit narin si Krisha at hinagod ng hinagod ang likod ni Helga hanggang sa tumahan ito.
*ding dong ding dong*
Agad namang binuksan ni Krisha ang pinto at sila Riley at Yasmin na pala ito.
"Krisha, Helga mag handa na kayo ng gamit niyo. Susunduin natin ngayon si Zach sa Airport at didiretsyo tayo sa mall para mag relax at sasamahan narin natin siyang mag enroll mamaya" sambit ko na halatang nagulat sila.
Minsan lang akong mag aya. Minsan lang akong mag salita. At ngayon nalang ako ngumiti.
"Wahh!!!"
YOU ARE READING
Camp Sawi
Genç KurguAnim na babaeng nag mahal lang naman ng totoo. Anim na babaeng may malambot na puso. Anim na babaeng walang alam kundi ipaglaban ang taong mahal nila. Nag bago ang lahat simula ng masaktan silang Anim. Parehong araw. Parehong buwan. Parehong taon...