Chapter 4

81 1 0
                                    

Jasper's POV

Hindi ko alam kung bakit napakainit ng dugo sakin ni Riley. Alam kong step sister ko siya. Pero diba dapat ay matuwa pa siya dahil iisa lang yung school namin? Tsk.

"Dad sure kana ba sa gagawin mo? Pano kapag hindi pumayag si Riley na sa iisang bubong kami titira? Alam mo namang mainit ang dugo niya saakin" napag planuhan kase ni Dad na dun nadin kami titira sa bahay nila Riley para daw magkakasama kaming lahat.

"Oo anak. Nakausap ko na ang tita Maricar mo at pumayagan na ito" tumango naman ako kay Daddy.

Eto na ang huling araw na matutulog ako sa condo na ito. Pinabalik narin ni Daddy si Riley dun sa bahay nila dahil nung mga nakaraang araw ay doon siya natulog sa condo ng kaibigan niya.

"Ian tawagan mo ang tropa shot tayo now na"

Hindi pa nakakapag salita si Ian pero pinatayan ko na.

Ilang minuto palang ang nakakalipas may bumusina na sa labas at alam kong sila na iyon. Kabisado naman nila ang bahay kaya hindi sila mahihirapan.

*tok tok*

Agad akong tumayo at binuksan ang pinuan ng kwarto ko. Nakita ko silang may dalang emperador at pulutan.

Binuksan ko ito at sinimulan ko ng uminom.

"Mukhang mapapaaga kang tatamaan neto pre ah!" Natatawang sambit ni Calix

"Tigilan mo ako wag mo akong igaya sayo gago!"
Naalala ko nanaman yung babaeng kasama ni Riley kanina.

Ang ganda niya para siyang isang anghel na kayang patibukin ang puso mo. 

Kaya agad ko namang binuksan ang cellphone ko at nag log in sa facebook.

"Jasper Grey and Yasmin Smith are now friends"

"Tinamaan kana nga yata pre! Ohh sino naman yan?" Sabay dukot ni Dave sa cellphone ko.

"Chix pare!" Napailing nalang ako sa sinabi ni Paul.

"Kung talagang hindi ka natamaan Jas. Sige nga ichat mo yang chix nayan at kapag hindi mo nagawa tinamaan kana" sabay tawa ni Ian parang gago lang eh.

Kaya wala akong nagawa kundi ichat nalang siya para hindi nila ako guluhin.

"Kapag nag reply yan ibibigay ko na sayo yung susi ng BMW ko na luma" alam talaga ni Calix kung anong kahinaan ko tsk.

"Hi"

"Hello" -Yasmin

"Pano bayan? Nag reply?" Napangiti ako habang tinitingnan si Calix.

"Ano bayan! Ang daya naman" sabay kuha niya ng susi sa bulsa at hagis saakin. Finally, hindi pa naman luma ang sasakyan niya dahil last last month niya lang ito nabili sadyang may bago siya kaya wala na siyang pake sa luma niya. 

"Sabi ko sayo masyadong malakas kamandag ko" sabi ko nalang at hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako.

Rein's POV

Panigurado tinanaan na talaga to si Jas dun sa kaibigan ng kapatid niya. Kilala ko si Jas at alam kong mabilis mahulog ang loob niya sa isang taong napupusuan niya.

Wala naman itong Girlfriend kaya walang problema. Pero yung babae baka may boyfriend.

Valerie's POV

"Ngayon na yung Science club diba?" Tanong ko kay Helga na nag aayos pa ng kanyang mukha.

"Oo ata yun ang sabi ni Sir e" sambit niya.

"Bilisan mo dyan ng makaalis na tayo" sambit ko habang kumukuha ng maiinom sa ref.

"Bat ba parang lagi kang nag hahabol ng oras Val?" Takang tanong ni Riley.

"Ay oo nga pala. Uuwi ako saamin mamaya dahil sabi ng magaling kong Ama doon narin titira yung magaling niyang anak kasama ang napakagaling niyang asawa" halata kay Riley na hindi niya talaga gusto ang step brother niya. Di ko siya masisisi. Kung ako rin naman siguro ang nasa sitwasyon niya baka matagal ng patay yung babae at anak ng tatay niya.

"Nako girl easy lang sayang kagwapuhan ng kapatid mo" sambit ni Yasmin na kinikilig pa.

"Gwapo ba yung mukhang isda?!" HAHAHA

"Ang harsh mo naman kay Baby Jas!" Sambit ni Helga

"Helga! Akin lang si Jas ha?!" HAHAHAHAHA

"Edi sayo na HAHAHAHA" sambit naman ni Helga at matatawa ka nalang talaga dahil sa sobrang inis ni Yasmin ang pula pula na niya.

"Tara na nga mala-late pa tayo sa kakatawa niyo e" sambit ko at nauna ng sumakay sa sasakyan ni Helga. Ako ang mag dri-drive neto dahil kung sila e baka abutin pa kami ng siyam siyam sa daan.

Yasmin's POV

Math ang first subject ko ngayon. Habang si Helga at Val naman ay History at si Riley at Zach naman ay hindi ki matandaan. Kasama ko si Krisha ngayon.

Habang nag sasagot ako ng problem na ibinigay ni Sir Cruz saamin ay napasulyap naman ako sa lalaking kakadating lang.

"Why are you late Mr. Jasper Grey?" Sabay taas kilay ng bakla naming prof. Na si Sir Cruz.

"You don't care" nagulat ako sa sinabi ni Jasper dahil para bang wala siyang pake sa nangyari. Napatingin naman siya sa gawi ko kaya napaiwas nalamang ako.

Walang nagawa si Sir Cruz at nag patuloy nalang sa pagsusulat ng kandamakmak na tanong sa board. Sa likod ko nalang pala ang bakanteng upuan kaya naman walang choice si Jasper kundi umupo sa likod ko.

*kringg kringg*

Tunog ng bell kaya nag madali kaming umalis ni Krisha.

"Yasmin sandali" hindi pa ako nakakalayo ng biglang nag salita si Jasper.

"Panyo mo nahulog" malamig na sambit niya at tinalikuran na ako para umalis. Wtf?

Pinulot ko nalang ang panyo ko at hinila si Krisha para umalis.

Riley's POV

Kasabay ko si Zach ngayon at nag paalam siya saakin na mag c-cr lang siya at ako naman ay mag lalagay lang ng gamit sa locker. Sa hindi kalayuan nakita ko si Carl at nakita niyang nakatingin ako sa kanya. Agad naman akong umiwas ng tingin at nag madali sa pag lalagay ng gamit.

"Iniiwasan mo ba ako?" Sambit niya.

"H-hindi ah bakit naman kita iiwasan?" Sambit ki at ngumiti nalang para hindi niya mahalata.

"Buti naman akala ko iniiwasan mo ako e" sambit niya at lakig pasasalamat ko ng biglang dumating si Zach.

"Girl tara na mala-late na tayo sa next subject natin!" Sambit nito kaya agad naman akong nag paalam kay Carl.

Sa sobrang pag mamadali ko ay hindi ko napansin na may nabunggo na pala ako. Agad kong tiningnan kung sino ang nabunggo ko. Si Ian pala. Teka?! Ian? Yung new student ?

--

Camp SawiWhere stories live. Discover now