79: Mga uri ng pasahero sa jeep

2.8K 61 1
                                    

Mga uri ng pasahero sa jeep

Model: sila ang mga pasaherong feel na feel ang hangin sa jeep habang humahampas ang kanilang buhok sa mukha ng kanilang katabi. Sarap kalbuhin.

The snorlax: sila ang mga pasaherong mahilig matulog, kala mo pagod na pagod. Ginagawa nilang kama ang katabi nila. Kung makasandal wagas. Sige sige pa rin sa tulog. Mabilis ang karma sa kanila dahil madalas silang lumalampas sa bababaan nila.

The uchica clan: sila ang mga pasaherong may matang hindi mapigilang makibasa sa text ng katabi. Sarap tusukin ang mata.

The VIP: sila ang mga pasaherong hindi alam ang upong otso, kung maka upo sakop ang pangdalawang tao. Kakapal ng mukha kala mo ang binabayad dalawang otso.

The Kris Aquino and friends: Sila ang mga pasaherong ubod ang arte. Ang daming reklamo, kesyo mainit, kesyo masikip. P^t@ng!n@ mag taksi kayo!

The bottomline with Boy Abunda: sila ang mga pasaherong makakwento feeling nasa talk show. Sa lakas ng bunganga rinig lahat ng pasahero. Ang sarap pakainin ng siling labuyo.

Pinoy Jokes (A laugh trip)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon