Scene 20. [The Truth]

537 31 1
                                    

Hello again! May readers pa ba sila Alexx at Sapphire?


Scene 20. [The Truth]


"Wait wait preno!" Tinaas ko ang palad ko at iniharap sa kanila, "Hindi na na aabsorb sa utak ko na ikaw ang tunay kong tatay tapos gusto mo nang ihayag yung katotohanan tungkol kay Alexx?! Baliw ka ba?" Hindi na ko nakapag pigil.



Matapos nyang sabihin na sya ang tatay ko, Sinabi ni Mommy na sa loob na kame mag usap usap. Matapos kong ubusin ang isang basong tubig, kinuwento nya ang lahat.



Apparently, hindi ko totoong tatay si Daddy. At itong good looking na mukhang ka-age lang ni kuya Travis ang totoong tatay ko. Nagkaroon daw sila ng affair ni Mommy that time, and ako ang bunga pero ang alam ni Daddy ay sya ang totoong tatay ko. After ni Mommy ipanganak ako ay pinutol na nya ang relasyon nya kay Sandro--my real dad--ang kaso, after a year ay bumalik ito at nagpakita kay Mommy at dun nalaman ni Daddy ang affair nila dati, at nalaman din ni Daddy na hindi nya ako totoong anak.



Ngunit Hindi naman pala bumalik si Sandro para mang gulo, kundi para humingi ng tulong dahil isa na pala syang bampira.



What do you expect? Mom and Dad are both nice people kaya tinulungan nila ito. At dahil doon ay naging maayos ang buhay ni Sandro, Nakikilala nya ang Lonely Queen ng East Castle, Hindi din naman nag tagal at umalis sya at nagtungo sa vampire world para maging king ng East Castle.



Okay. Isa akong prinsesa. Literally!




Halos mabiyak ang utak ko sa mga nalalaman ko, Half-brother ko si kuya Travis?



"Pero.. bakit at pano naging Vampire si kuya Travis?" Nag aalangan kong tanong sabay tingin kay Mommy and Daddy.



Napasulyap sila sa isa't isa at sabay nag sigh.



"Your brother almost died in a car accident, Lasing yung nag mamaneho at hindi nya napansin na patawid ang kuya mo, 50/50 sya nung dinala sa hospital, sabe ng doctor ay malabo na daw syang mailigtas," Dad pause, "Kaya kahit labag sa loob ko ay kinontak ko si Sandro para tulungan si Travis." Sinamaan ng tingin ni Daddy si Sandro, "Ang kaso, imbis na pagalingin lang ay ginawa nya itong bampira kagaya nya."



Napa face palm ako at nilingon si Sandro, nag kibit balikat lang sya sabay sabing, "No other choice, dude."



Nope. Hindi ako makakapayag na tatay ko to. Tatay ni Alexx pwede pa, I mean, magkaugali sila. Parang arrogant jerk.



Speaking of Alexx..


Being Kidnapped by a Delinquent VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon