Scene 2. [Escaping.. Failed]

7.6K 176 9
                                    

Scene 2. [Escaping.. Failed]



Vampire? Adik ba sya? Bampira daw sya? Wala ng bampira sa mundo. New Generation na 'to! Tsaka wala ako sa Twilight,

Pero kahit anong kumbinse ko sa sarili ko andun na yung proof! Ininom nya yung dugo ko, Yung strength nya, yung speed nya. 

Pero.. AAHHHH! Hindi pa din ako naniniwala. 

Tinignan ko lang yung damit na nilapag nya sa kama. Isang tshirt na light green at isang maong short. 

Hindi na ko comfortable sa suot ko kaya isusuot ko nalang 'to. At sinabi nyang bumaba daw ako? Aning ba sya? Baket ako bababa? Eh pa'no kung madami pa pala sila dun sa baba tapos gawin nila akong agahan nila? dibale ng mabulok ako dito sa loob kesa maging agahan ng mga neck biter na gaya nila! 

Pagtapos kong magbihis, Lumapit ako sa nag-iisang bintana at binuksan ko yun. 

Ang dark ng paligid. Parang hindi uso ang araw dito. Tapos puro pa puno ang natatanaw ako, At sa hindi kalayuan parang may ilog. 

At para akong nasa kwatro ni cinderella. 

Tinignan ko yung baba, Ang taas >__< 

Pagtumalon ako jan baka masaktan ako. BAHALA NA! 

kumapit ako sa may gilid, itinaas ko na yung isang paa ko, Gagawin ko ang lahat makalayas lang dito. Ayokong ma-stuck sa mga neck biter na 'to. 

Itataas ko na sana yung isa pang paa ko ng biglang..

"What the fuck do you think you're doing?" Sa sobrang gulat ko at sa sobrang takot ko, nadulas ang kamay ko dahilan para ma-outbalance ako at tuluyang malaglag..

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" sabay piikit ng mata. Katapusan ko na ata 'to, mamamatay ako ng virgin? Mamamatay ako ng walang first kiss? Mamamatay ako ng NBSB? Mamamatay ako ng hindi man lang nakakaranas mahalin at magmahal? KAWAWA NAMAN AKO! 

"Idiot. Open your eyes." Dahan dahan kong minulat ako mga mata ko. 

Ilang minuto muna ang lumipas bago nag-sink in sa utak kong nasalo ako ng neck biter na 'to. He's carrying me bridal style.

Being Kidnapped by a Delinquent VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon