Nakabusangot na pumasok si Jho sa loob nang condo nya nang..
"Hoy babae!"
"Ay ang ganda ko talaga!"
Gulat na sabi nya at napahawak sa dibdib nya sa gulat
"Ayan tayo eh, buhat sarili haha"
"Heee, bakit ka ba kasi nang gugulat huh therese!"
"Para ipa alala sayu na hnd ka umuwi at nag alala kami sayu lalo na si Tita Ann.! Asan kaba kasi nag punta kagabi huh!?"
Sigaw nito sa mukha nang huli
"Tsk wala at tsaka pabayaan mo sya, hayaan mo syang mag alala sa anak nyang wala nang ginawang tama sa paningin nya"
Bakas ang pait sa bawat katagang sinabi nya na hnd naman naka takas sa pandinig ni Therese
"Jho g-"
"Hep, mamaya na tayo mag usap at masakit talaga ang ulo ko. Hnd na muna ako papasok ngayon ha"
Sabi nito sabay akyat papuntang kwarto nya pero bago pa sya maka pasok ay..
"Jhooooannnaaa Maraguinoooootttttt"
Sigaw ni Therese na animoy gulat na gulat
"Asan! Asan ang mga rebeldeng kumidnap kay Jho at naghihingi nang ransom!?"
Sabi nang isang gizelle tan na halatang bagong gising dahil sa gulo2 nyang buhok at may bakas pa nang tulo laway nya
"Hoy! Anung rebeldeng pinagsasabi mo jan!? Sampal gusto mo!?"
Naiiritang sabi ni Jho na nakatayo pa din sa harap nang pinto nang kwarto nya
"Jho!? Hinayupak kang babae ka nag alala ako sayu kagabi ! Asan ka ba galing"
Sigaw na naman ni gizelle sa mukha nya
Bwesit yong mga to ang hilig lang sigawan ako
"Wala, sa kaibigan ko lang at ikaw naman therese bakit kaba sumisigaw!?"
Naasar na sabi nya dahil lalong sumasakit ang ulo nya sa dalawang kaibigan.
"Kaninong damit yang suot mo!? Wag mong sabihin na pumunta ka nang bar kagabi at nalasing ka at dahil wala ka sa isip kagabi ay nasobrahan ka at ... At... At... Pinagsamantalahan ka!?"
Madramang sabi ni Theresw na may papunas punas pa nang luha sa mukha.
"Huwaaatttttt!? Totoo ba Jho!? Nakuha naba talaga ang bataan mo!? My god! Ok ka lang ba !? Wag kang mag alala pupunta akong gabriela mamaya at ipapahanap natin ang lumapastangan sayu! Wala-"
Pak!
Hnd na natapos ni gizelle ang sasabihin dahil Isang malutong na batok naman ang natanggap nang dalawa nang makalapit ito.
"Yan! Kakapanuod nyu nang horror nagiging baliw na kayo! Hnd ako na rape at buo pa ang bataan ko kayu wag kayung praning pwede ba!"
Sigaw nya sa dalawa na nakahawak sa mga ulo nila
"Masakiy yun huh! Malay ba namin! Isa pa kanino ba kasing damit yang suot mo!?"
"Sa bwesit na de leon na yun!"
Naiinis na naman sya pagkabanggit nya sa pangalan nito.
Nagkatinginan naman sina therese at gizelle sabay ngiting nakakaloko.
"Ikaw huh, may hindi ka sinasabi samin. Ang tinik mo kahapon mo pa nakilala naakit na agad"
Ngiting aso nung dalawa
