Z E R O : Nightmare
Nanlamig ang buong pagkatao ko. Hindi ako mapakali. Rinig na rinig ko na yung malalim kong mga paghinga dahil sa kaba na aking nararamdaman.
"Bitawan niyo ko! Bitawan niyo ako!"
Sigaw ko sa lalakeng hawak yung dalawa kong braso. Ang sakit na ng mga braso ko dahil sa higpit ng kanyang paghawak nito. Jusko lord, tulungan niyo po ako!
Hindi ako pinansin ng lalakeng iyun at patuloy lamang siya sa paghila sa akin patungo sa van. Marahas niya akong initulak sa loob ng van at bumagsak yung mukha ko sa upuan. Pinisog ako ng lalakeng iyun sa loob at tinali yung mga kamay ko.
"Bitawan niyo ko sabi! Ibaba niyo ako dito!", sigaw ko sa mukha ng lalakeng hindi ko makita ang kanyang mukha. Tumitig yung mga mata niya sa akin at parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa takot na nararamdaman ko.
Ang bigat na ng aking pakiramdam. Gusto kong tumakas. Ayoko pang mamatay!
"Tatawagin ko si Papa! Patay kayo pagmalaman 'to ng Papa ko. Hindi kayo makauwi na buhay. Ibaba niyo na ako-- hmmfph!", natahimik ako nung bigla niyang nilagyan ng panyo yung bibig ko. Hindi ako makapagsalita, sht!
"Tumahimik ka nga!", sigaw ng lalake sa akin. Agad ko siyang inarapan kahit hindi pa rin mawawala yung kaba na aking nararamdaman.
Napapikit na lamang ako sa aking mga mata dahil sa kaba na aking nararamdaman. Halos tumulo na yung mga luha ko dahil sa takot na aking nararamdaman. Kakayanin mo 'to Ayre!
Biglang tumigil yung sasakyan at initulak ako ng dalawang lalake patungo sa labas. Natatakot akong tumingin sa aking paligid. Wala akong nakita na bahay o di kaya ibang tao man lang. Mas lalong bumigat yung paghinga ko dahil sa takot na dumadaloy sa aking katawan. Puro lang kakahuyan ang nakita ko.
"Lumakad ka bilis! Patay kami ni boss paglumagpas alas syete ka namin maiihatid", sabi ng lalake sabay tulak at hila sa akin patungo sa isang maliit na daanan.
Gusto kong tumakas ngunit napakasakit na ng aking mga kamay dahil sa lakas at higpit ng pagkatali nito, pati yung mga paa ko ang sakit na. Nawala yung sapatos ko at nakapaa lamang ako.
Hindi nalang ako umimik at patuloy na lang lamang sa paglalakad. Napapikit na lamang ako sa aking mga mata. Oh lord, sana panaginip lang ang lahat.
*BANG*
Napaupo ako saglit ng biglang may pumutok na baril. "AHHHHH!", sigaw ko kahit merong panyo yung bibig ko. I shivered because of the nervousness that I felt. Para akong binuhusan ng tubig dahil sa takot na aking nararamdaman.
Tumulo na yung mga luha ko nung narinig ko ang baril. Ayokong marinig ang putok ng isang baril dahil maalala ko ang lahat na nangyaring masama noon. Ayoko.
Huhu. Tulungan niyo po ako.
Naidilat ko yung mga mata ko sa paligid at laking gulat ko ay biglang natumba yung isang lalakeng hila ng hila sa akin kanina. Nanlaki yung mga mata ko nung nakita ko yung dugo na dumadaloy galing sa katawan niya. Sht!
May lumabas na isang lalakeng nakaitim at hindi ko makita yung buong mukha niya. Natakot ako sa presensya niya. Gusto kong tumakbo ngunit hindi ko magawa parang nalunod ako sa mga titig niya.
Nagpanic yung isang kidnapper nung nakita niya na nakahiga na yung kasamahan niya. Lumapit yung lalakeng nakaitim sa kidnapper at biglang sinuntok sa sikmura. Natumba ang lalakeng kidnapper.
Ililigtas niya ako?
Nakaluha luha yung mga mata ko nung tumingin ako sa kanyang mukha. Lumapit siya sa akin at inilahad yung kamay niya sa akin. Kinuha ko naman iyun at tumayo.
"Daijōbudesuka?"
Hindi ko na iintindihan yung pananalita niya at tumango na lang. "S-Salamat", nauutal kong sagot. May takip yung bibig niya at tanging mga mata lamang aking makikita sa kanyang mukha.
Hindi na siya umimik muli at biglang may dumating na isang lalake sa aming harapan. Hindi ko rin makita yung mukha niya dahil sa dilim ngunit ramdam ko ang pagngiti niya sa amin.
Agad namang pumunta yung lalakeng nagligtas sa akin sa aking harapan habang matalim na tinititigan ang lalakeng dumating.
"Dark Reaper huh? Swerte ka ngayon kasi wala ako sa mood makipagtalo", natakot ako sa pananalita ng lalakeng nasa aming harapan. Bigla siyang tumalon galing sa isang malaking bato at bumaba sa amin. Unti-unti siyang lumapit sa amin.
"And Ayre, don't worry. Sooner or later, I will be able to lay my hands into you. Heh", halos tumayo ang lahat ng balhibo ko sa sinabi ng lalakeng iyun. Manyak, sabi ko sa sarili ko. Bigla namang sinipa ni lalakeng savior ko yung manyakis na yun. Agad namang umiwas yung manyak. Then, he suddenly vanished in thin air.
Nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko. P-Paano siya nawala? Nanlamig yung katawan ko at nanghina yung tuhod ko at napaupo ulit sa lupa. Agad namang lumingon si Mr. Hero at tumingin sa akin.
Napatitig ako sa kanya at umiwas siya ng tingin sa akin. Hindi ko alam pero parang familliar yung mga mata niya, yung parang nakita ko na siya a long time ago. Gusto ko siyang tanungin ngunit baka hindi niya maiintindihan yung pananalita ko kasi mukhang hindi 'to makakaintindi ng tagalog.
Base sa tanong niya sa akin kanina. Alien language ata yun.
"Waaah!", bigla niya akong binuhat. "Huy teka lang! Asan mo ko dadalhin?!", sigaw ko sa kanya. Hindi siya umimik at patuloy lamang sa kanyang paglalakad. Baka reypin niya ako. Jusko po lord!
Suntok-suntok ko yung likuran niya dahil gusto ko na maibaba na niya ako. "Ibaba mo na kasi ako! Ano ba!", sigaw ako ng sigaw ngunit hindi man lang siya umimik. -_-
Lakad pa rin siya ng lakad hangang nakarating na kami sa may highway. Agad naman niya akong binaba at pinaupo sa may gilid. Tumingin lamang ako sa kanyang mukha at hindi ko na alam ano ang aking sasabihin.
"Call your parents or anyone so that someone can fetch you. And be careful always.", sabi niya tsaka tumalikod. Nakatulala na lamang ako sa sinabi siya. Agad naman siyang pumara ng taxi at sumakay na. Nakatitig lamang ako sa kanya hanggang na wala na ang taxi sa aking harapan.
Nung na proseso na yung mga sinasabi niya sa aking utak, agad ko namang dinial si Papa. "Papa? Pwede po bang magpakuha? Andito ako malapit sa boulevard."
"Bakit ang tamlay mo Ayre? May nangyari ba?", tanong ni Papa sa akin.
"Galing ako kinidnap. Pasalamat nalang na merong lumigtas sa akin."
At agad ko ng inend call kasi ayokong marinig yung sermon niya. Napatitig ako sa isang headlight sa may kalsada. Nawala yung wallet ko. Nahulog ata nung dinukot ako.
Habang ramdam ko ang malamig na hangin na dumampi sa aking mukha, pinikit ko ang aking mga mata. Haist. Hindi man lang ako nakapagsalamat sa lalakeng iyun.
Ang tanong ko lang. Bakit niya ako niligtas? And one more, who is he?
---
A/n: This is my first story in Mystery/Thriller Genre. Hope ya like it people!
BINABASA MO ANG
Bodyguard In Disguise (ON-GOING)
Mystery / ThrillerPaano kung malapit ka ng mapatay dahil sa hindi mo alam na dahilan? Paano kung dahil sa pinakaoverprotective mong ama may nagbabantay na sayo? At ang pinakapait, yung nagbabantay sayo ay isang Yakuza member na pinakatatakutan mo? Dahil sa isang dahi...