"The world will never believe in a religion in which there is no power." -Samuel Chadwich
T H R E E : Mystery
Ando Ayre
Ramdam ko yung bigat at yung higpit na hawak sa aking mga kamay nung dahan-dahan kong ibinuka yung mga mata ko. Nanlaki yung mga mata ko nung narealize ko kung asan ako ngayon.
"San niyo ako dadalhin?!", pagalit na sigaw ko sa dalawang lalakeng hawak yung dalawa kong braso. Hindi sila sumagot at nakangisi lamang sa akin.
"Sabi ko san niyo ako dadalhin?!", paulit na sigaw ko sa inis. Kahit ramdam na ramdam ko yung kaba sa aking katawan, nangingibabaw pa rin yung inis ko.
Hindi pa rin nila ako sinasagot at patuloy lamang silang nakangiti na parang tanga. Pilit kong binawi yung braso ko sa pagkahawak nila ngunit napakalakas nila.
"Peste pala to oh! Sumagot nga kayo! Wag niyong sabihin na mga pipi kayo?! Bakit niyo ba 'to gagawin ha? San niyo ba ako dadalhin mga bwuset?! Pagmalaman 'to ni Papa hinding hindi na talaga kayo mabubuhay pa. Ibaba niyo ako dito sa kotse---"
"Tumahimik ka nga!", naputol yung pagsesermon ko nang iglang nagsalita yung drayber ng sinasakyan namin. Hindi ko makita yung mukha niya "Ikaw na nga 'to kinidnap, ikaw pa ang may lakas na magsermon sa amin, ha?! Hindi ka ba natatakot sa gagawin namin? Pwede ka naming patayin tanga!", dagdag niya habang inilabas niya yung baril niya at initutok iyun sa aking ulo at natigilan ako sa sinabi niya.
Anong patayin?! Anong ibig nilang sabihin? Papatayin nila ako? Oo naman natatakot ako pero hindi ko lang yun pinapakita.
"Hinding-hindi ako nanatakot sa iyun! Pagmalaman 'to ni Papa, yari talaga kayo sa kanya—"
"At sa tingin mo bang mararating 'to sa Papa mo? HA HA HA. Well, young lady you're wrong. Makarating lamang 'to sa Papa mo pagnakahiga ka na sa kabaong. So shut up or I will kill you here", nakakatakot niyang putol sa aking pagsasalita habang initutok pa rin yung baril na hawak niya.
Anong ibig niyang sabihin?! M-Mamatay ako? Huh? Wala naman akong atraso sa mga yabang na 'to!
Hindi ako makasagot sa mga sinasabi niya. May halong takot at awtoridad yung pananalita niya at hindi ko na alam kung na talaga yung gagawin ko. Idagdag mo pa yung baril na hawak niya. Ano bang ginawa ko para gawin nila 'to?
"Wag kang umuwi na mag-isa, Ayre. Delikado."
Naalala ko yung sinabi sa akin ni CJ. Tama nga siya delikado. Pero bakit?
"Wala naman akong atraso sa inyo! Bakit niyo ba 'to ginagawa sa akin?! Bakit dapat niyo akong kidnapin? Kung pera yung kailangan niyo, ibibigay ko yun sa inyo!", napasigaw ako sa kaba. Hindi na halong joke 'tong pinasukan ko!
BINABASA MO ANG
Bodyguard In Disguise (ON-GOING)
Mystery / ThrillerPaano kung malapit ka ng mapatay dahil sa hindi mo alam na dahilan? Paano kung dahil sa pinakaoverprotective mong ama may nagbabantay na sayo? At ang pinakapait, yung nagbabantay sayo ay isang Yakuza member na pinakatatakutan mo? Dahil sa isang dahi...