O N E

84 4 6
                                    

O N E - Meeting him

Ando Ayre

Napabugtong hininga akong pumasok sa loob ng kotse ni Papa habang nakasimangot.

Kahit labag sa aking kalooban, napilit akong sumama kay Papa upang makipagkita ng isang lalakeng maging bodyguard ko 'raw'.

Pagkatapos ng araw na kinidnap ako, hindi mapakali si Papa at umandar nanaman yung pagiging overprotective na ama. Oo, sobrang protective! Pati mga kaibigan ko hindi na niya ako papalapitin. May kasama na ako na mga bodyguards sa aking likuran. At ang sagabal.

At ngayong gabing ito, imemeet ko daw yung isang lalakeng maging bodyguard ko kuno. Kahit papaano, nakakainis talaga 'tong ama ko. Ayoko ng bodguard! Eh, parang wala ng privacy yung buhay ko kung ganun.

Pumasok na si Papa sa kotse at pinaandar na yung sasakyan. Napatingin siya akin sa rear mirror at inarapan ko naman siya.

I let out a sigh, "Anak. Please intindihin mo naman si Papa, okay? Para naman ito sa kaligtasan mo eh"

I rolled my eyes at muling tumingin sa kanya. "Bakit kailangan ko pa ng bodyguard Papa? Kayang-kaya ko naman ang sarili ko."

"Alam ko naman yun pero mawawala ako sa bansa for six months at nag-alala ako sayo. Kailangan ko na may magbabantay sayo. Konting tiis lang naman 'to anak eh", pananalita niya at tumahimik na lamang ako.

Ayoko talaga na may bodyguard ako. Kayang-kaya ko yung sarili ko. Wala naman atang gustong pumatay sa akin, diba? Simple lang naman akong tao. Hindi ako anak ng isang mafia boss na kaparehas sa mga binabasa kong mga libro. Ang cliche naman kung ganun.

Anak lang naman ako ng isang taong merong 500 restaurant worldwide. Yun lang naman yun eh. Hindi naman bilyonaryo yung ama ko. Bakit kailangan pang may magbantay sa akin?

Nakasimangot, biglang tumigil yung sasakyan sa isang restaurant ni Papa dito sa Cebu. Agad naman akong lumabas sa kotse habang hindi ko pinansin yung pinakamamahal kong ama. Agad namang sumunod si Papa sa akin at sabay kaming pumasok sa restaurant.

"Master Akihito and Little Mistress Ayre, andito na pala kayo", pagbabati ng isang waiter sa restaurant. "Will you be using the VIP room, master?"

Agad namang tumango si Papa. Sumunod lang naman ako kay Papa patungo sa VIP room. Umupo naman ako sa may upuan habang inilabas ko yung phone ko.

"Papunta na daw siya. Hintayin muna natin siya", sabi ni Papa. Hindi naman ako umimik at nagfocus na lang lamang sa paglalaro ng subway surfer sa aking phone, pangpawala ng badtrip.

Habang lunod na lunod na ako sa paglalaro, biglang may kumatok sa pintuan. Agad namang nabangga yung avatar na ginagamit ko sa isang train. Tse! Panira!

Badtrip kong inalagay yung cellphone ko sa lamesa at lumingon sa kumatok. Agad namang tumayo si Papa habang binabati yung lalakeng pumasok sa room.

Literal akong napanganga. Don't tell me, itong taong ito ang magiging boydguard ko? Shemay! Nakakatakot yung aura niya.

"Good evening, Hiiro. Please take a seat", bati ni Papa sa lalakeng iyun. Hindi man lang ngumiti ang lalake at tumango na lamang at umupo sa tabi ko.

Nung nakatitig ako sa kanyang mukha, agad akong napaiwas ng tingin nung tumingin siya sa akin. Graaah, nakakatakot yung mga tingin niya. Mayghad!

"Ayre, this is Hiiro Subarashi. He is going to be your personal bodyguard.", tumingin ang lalake sa akin tsaka nagbow. Napatitig ako sa kanyang mukha at halos nanlamig na yung katawan ko sa aura niya.

Bodyguard In Disguise (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon