ONLINE 19

24 4 0
                                    

Astrid's POV:

Pagpasok ko ng classroom, siyempre expected na yung walang kamatayang sermon ng teacher ko dahil na-late na naman ang dyosa ng school.

Kesyo daw kung kelan patapos na yung klase niya saka lang ako dumating. Tapos ganito-ganyan-blah-blah-blah-cheverlu -___-

Minsan tuloy parang gusto ko siyang sagutin ng "Aba pasensiya naman Ma'am. Maganda lang, nale-late din."

Aba'y hindi porket dyosa ako eh wala na akong karapatang malate. Diba? DIBA? DIBA??! 😒

*******
LUNCH BREAK...

Pagkadismiss na pagkadismiss ng teacher,dumiretso agad ako ng cafeteria. Sensiya na.. maganda lang, nagugutom din.

Lalo na at di ako nakapag breakfast kanina dahil sa sobrang pagmamadali.

Umorder ako ng lasagna, bacon sandwich and cheese cake sa counter... at nung magbabayad na 'ko——WAIT.

*hanap*

*hanap*

Asan na yun?!!

Hinalughog ko na ang buong bag ko at lahat-lahat pero di ko pa rin makita yung wallet ko.

"TANGINA DIS." bulong ko.
Ano ba! Wag ngayon please... WAG NGAYON. Kung kailan gutom na gutom na ko saka ko pa di mahanap yung tanginang wallet na yun.

Don't tell me naiwan ko rin yun kasama ang ID ko?!

Waaaaaaahhhh!!!
PAANO NA 'TO?!😭

"Miss..." tawag nung cashier.
"Php 210 lang po lahat."

"Ah...hehe. Wait lang teh. Y-yung wallet ko kasi eh."

"May problema ba Miss?" tanong niya. OO! MALAKING PROBLEMA! >__<

"Ano kasi——"

"Eto na bayad niya miss...keep the change." napalingon ako sa kung sino mang nag-abot ng Php 500 sa cashier.

"I-ikaw?!"

"Hi Astrid!^__^"

"KENSHI?"

"Yeah. Nawawala ba wallet mo?"

"Uhmm y-yeah. Naiwan ko eh." sabay kamot sa batok ko. "Thank you nga pala...ULIT."

"No problem. Basta bayaran mo ko ah."

ASDFGHJKL!!! -_____- !!

"Joke lang...haha. Cute mo naman magulat."

"Di ako cute. MAGANDA ako!"

"Okay. Maganda ka na ^__^. By the way, why don't you join us for lunch?" aya niya. "Wala nang vacant table dito oh."

"US? May...kasama ka pa?"
Ano ba yan! Sana kaming dalawa na lang. Para masolo ko siya—— chaaarr!

"Yeah. Don't worry...konti lang naman kami dun. So ano? Let's go?"

"Mmm...ok." kinuha ko na yung foods ko at sumama sa kanya.
Nakarating kami sa pinakadulong table ng cafeteria.

"Yow guys!" tawag niya sa dalawang lalaking nakaupo sa table na 'yon.

Napalingom silang dalawa sa amin at——

"SANHA?!"

"INSAN?!" -ako

At bakit nandito 'tong tipaklong kong pinsan?! Pigilan niyo ko! Baka mapatay ko 'to ng di oras! Ang laki kaya ng kasalanan ng ugok na 'to sa akin.

"Oh...nakalimutan ko. Magpinsan nga pala kayo." aniya ni Kenshi.

"Teka—paano mo nalaman? At saka bakit mo ba kasi ako kilala? Bakit bigla ka na lang susulpot out of nowhere kapag kailangan ko ng tulong? Knight in shining in armor ba kita?" sarcastic na tanong ko. Ang gwapo sana nito eh, kaso nakakapagduda lang.

Una, never ko pa siyang nakita dati dito sa school tapos ngayon bigla siyang umeksena na parang close na close kami. Ok lang sana kung isang beses lang siya tumulong eh. Pero tatlong beses na niya akong tinulungan sa araw na 'to.

Una, nung kinausap niya yung panot na guard para makapasok ako sa school kahit walang ID. Pangalawa, hinatid niya ako sa classroom. Pangatlo, siya ang nagbayad ng lunch ko ngayon. Nakapagtataka eh. To think na hindi ko naman siya kakilala.
Baka mamaya may balak pala 'tong i-rape ako kaya ang bait sa akin. Aba kahit sobrang gwapo at hot niya eh hindi ko sita papatulan no. Pakasalan niya muna ako bago niya gawin yun! Btw, gusto ko yung beach wedding. Tapos yung honeymoon sa Macau dapat para bongga!😄

"Uh... tara na kain na tayo. ^__^" pagchange topic niya.

Walangya. —____—

After 5 minutes...

Nakaupo na kaming lahat sa table--I mean sa sa chairs na kasama ng table. And guess what? ANG INGAY NAMIN! AS IN! (note the sarcasm -__-)

Sino ba pwedeng kausapin dito? hmm...

*tingin kay Sanha*
No. Ayokong kausapin 'to. Baka hindi ako makapagpigil at bigla ko na lang siyang tusukin ng tinidor -__-

*tingin kay Kenshi*
Tss. Parang hindi naman 'to maistorbo sa pagkain.

*tingin sa isa pa na kanina pa yuko nang yuko na akala mo eh sobrang close na sila nung pagkain niya*
Hmm...paano kung eto kaya?😏

"Hoy." tawag ko kaya napatingin rin yung dalawa sa akin. Siya naman nakayuko pa rin.

"Hoy ikaw na nakayuko diyan!" sigaw ko kaya napaangat siya ng mukha.

Inlove With a Poser (Poser ng Panget)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon