ONLINE 17

47 5 4
                                    


Sanha's POV


"A-aray...tangshet .Ano ba!" reklamo ko habang ginagamot niya ang sugat ko dahil sa suntok ng lintek na 'to.

"Shut up! Pasalamat ka pa nga at ginagamot pa kita. Walanghiya ka Sanha. Minsan talaga nagdududa ako kung kaibigan ba talaga kita." sabi niya sabay diin pa lalo ng bulak na may betadine sa sugat ko kaya nasampal ko siya ng di sinasadya.

"Gago ka bespren!" sigaw ko

"Langya ah.Ako na nga 'tong sinampal mo, ako pa yung gago! Baka gusto mong dagdagan ko yang sugat mo!"

"Eh sa masakit! Ayusin mo naman kasi!"

"Aba nagrereklamo ka pa? Kulang pa nga yang suntok ko sayo eh! Walangyaka! Nilaglag mo ang sarili mong best friend dahil lang sa laruan! Hoy matagal ka ng graduate sa Kinder!"

Napapout ako dahil sa sinabniya. Eh sa mahalaga sa akin yung mga stuff toys ko eh.

"Tama na yang kakapout mo. Baka di ako makapagpigil at nguso mo naman ang masuntok ko!"

"Sige subukan mo at kapag nasira 'tong napakagwapo kong mukha, magkakalimutan talaga tayo!" sabi ko tapos bigla na lang niya akong binatukan nang malakas. Aba'y may balak ba tong tanggalin ang ulo ko?!

"Ano ba bespren! Kanina ka pa nananadista ah! Isa na lang talaga!!!" banta ko sa kanya.

"Baka nakakalimutan mong kasalanan mo din naman 'to?!!" sigaw niya sa akin kaya napatakip ako sa aking tenga.

"Oo na nga kasalanan ko na! Di mo na kailangang ipamukha." sabi ko saba pout ulit.

"Ngayon sabihin mo sa akin kung paano ko 'to ipapaliwanag kay Astrid?!"

"Edi kausapin mo siya sa personal at saka ka magpaliwanag."  oh diba ang bright ko? Nahiya kayo noh?😏

"Hindi yun ganun kadali Sanha! Aish.. Bakit kase sinabi mo sa kaniya agad eh!"

"Eh bespren, hindi naman habangbuhay magtatago ka sa pangalan ni Minion-slash-Kenzo! Darating din naman yung araw na malalaman ni insan ang tungkol dito.Pinaaga ko lang!" tama naman ako diba? DIBA?   Um-OO kayo!

"Saka oy.. Baka nakakalimutan mong ako yung tumulong sayo para mapalapit sa kanya?Tapos gaganyanin mo pa ko? Aba'y walang utang na loob!" dugtong  ko pa na kunwari eh paiyak na

"Ikaw nga yung tumulong saken, ikaw rin tong nanlaglag. Loko ka talaga Sanha. Oo alam kong malalaman at malalaman niya rin ang tungkol sa ginawa ko. Pero hindi pa ako handa para dun. I mean..hindi ko pa napaghandaan kung pano ko yun aaminin sa kaniya.. Pero ikaw-----NAGAWA MO KONG IBUKING DAHIL LANG SA LARUAN???! Asan ang hustisya dun ha?! Kaibigan ba talaga kita?! "

"Eh ganun daw talaga pag magkakaibigan, NAGBUBUKINGAN...hehe­"

"Mukha mo!"

"Pero seryoso bespren. Di lang naman yun basta-bastang mga laruan lang eh. May sentimental value saken yun! Karamihan sa mga stuff toys dun galing pa sa mga ex ko simula grade 3 "

"Ewan ko sayo. Nakakabadtrip ka" naka-simangot na sabi niya.

"Wag ka ngang sumimangot bespren. Lalo kang pumapanget eh. Pero kunsabagay, kahit naman hindi ka sumimangot ang pangit mo pa rin. Ba't di mo ko gayahin bespren? NATURAL NA GWAPO *smirks*"

"Gwapo ka lang naman pag nagiging kulay blue yang mata mo eh"

"Anong kulay blue? Anong tingin mo saken ... BAMPIRA? Nagpapalit ng kulay ng mata?"

Nakatira ata ng zonrox tong isang toh eh.

"Hindi ba nagpapalit ng kulay yang mata mo?"

"HINDI MALAMANG!"

"Then that's my point. HINDI KA GWAPO" naka-smirk na sagot niya. Pigilan niyo ko! Masasapak ko na tong taong toh.




#SAVAGE😩









******

ZERONE'S NOTE: SORRY DI ITO ANG DAKILANG SI KEIPOPSHI. HIATUS MUNA SIYA PANSAMANTALA. SORRY SA LATE UPDATE NAGKAROON LANG NG CONFLICT😂😂

Read,comment and vote!

Inlove With a Poser (Poser ng Panget)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon