CHAPTER 1: First Day of Classes

314 11 0
                                    

JEAN's POV

First day of classes ngayon. 4th year na kami sa wakas. Sayang lang, di pa kami graduating. 5 years kasi kami. Pero masaya ko kasi nandyan naman ang mga bestfriends kong sila Mica at Gab.

Kaso nga lang, minsan OP na ko. Dalawa na nga lang silang lagi kong kasama, sabay pang nagkalove life. Ayun, lagi tuloy nilang kasama mga boyfriend nila.

Pero para di ako maiwanan, sabay sabay pa rin naman kaming maglunch. Kasama nga lang sila Vivo (boyfriend ni Gab), Tim (boyfriend ni Mica) at sila Benj at Kurt na mga kaibigan nila.

Okay lang, di ko naman kailangan ng boyfriend para maging masaya. Magfofocus na lang din ako sa pag-aaral ko.

Mica Raymundo Calling..

"Hello Mica?" Ako.

"Jean, san ka na? Sabay tayo pumasok ah? Kita tayo sa Intersection."

"Ah osige, paalis na ko ng bahay."

"Okay, ingat!"

"Ingat din."

Sabay na nga kaming pumasok ni Mica. Si Gab naman, di nagpaparamdam, malamang sinundo ni Vivo yun. May kotse kasi. Si Tim naman, ibang way kaya di sila nagsasabay ni Mica.

"Uyy! Namiss ko kayo!" bati agad samin ni Gab nang makita namin. Agad naman kaming naggroup hug.

"Minsan lang kasi kayo magparamdam nung bakasyon eh." sabi ko.

"Ah.. Eh.. Ano eh.." di makasagot si Mica.

"Hehehe!" ngiti na lang sagot ni Gab.

"Oo na, alam ko naman. Busy kayo sa mga boyfriends nyo. Kaya kinakalimutan nyo na ko." pagtatampo ko.

"Sus! Ang bestfriend namin, nagtatampo pa. Ano ka ba, andito na kami oh. I miss you!" Mica.

"I miss you too." malungkot pa rin ako.

"I love you!" sabay nilang sabi. Doon na ko napangiti.

"I love you too."Ako.

"Awww.." silang dalawa at niyakap ako.

Umupo na kami para maghintay ng prof.

"Ang tagal naman ni Vivo. Nauuhaw na ko eh." Gab.

"Asan ba sya?" Ako.

"Binilhan ako ng tubig." Gab.

Si Classmate Part 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon