Salamat po sa mga nagbasa ng "A Kurikapoo (One shot BS)"
Di ko inasahang aabot sya sa ranking ng Non-teen fiction in less than a week :)
Please read My Innocent-Looking Girlfriend is My Wild Sex Master (one shot bs) Si Classmate 2
Follow nyo muna ko para mabasa nyo, nakaprivate kasi. Thanks :)
***
ALLEN's POV
First day na first day ko sa klase, napagtripan agad ako ng barkada ng pinsan kong si Benj.
Makin mong may kalove team agad ako? Eh walang wala naman yun sa ganda ng girlfriend kong si Alexandra. She's my girlfriend for 2 years. At kahit na 2 years na kami, inlove na inlove pa din ako sakanya. Baduy ko ba? Ganon ata talaga pag-inlove.
Galing ako sa PAK University. Nagstop ako kasi biglang nabankcrupt ang business ng daddy. Nagtrabaho ako para makaipon at makapag-aral ulit. Nakuntento na ko sa buhay na trabaho, ipon at sundo kay Alex sa school. Paminsan-minsan lumalabas din naman kami para magdate. Hanggang sa tumawag sakin si Benj at sinabing pwede akong mag-apply ng scholarship sa school nila. In short, nakapasa ako kaya nakapag-aral ulit ako. Hehehe! Swerte ko noh? Ayos din sakin yun dahil dun din nag-aaral si Alex. Oh diba?
"Oh insan, ginagabi ka ah? Hinatid mo pa si Jean?" bungad sakin ni Benj ng makauwi kami sa bahay.
Nakikitira ako kela Benj ngayon para mas malapit sa school. Tumutulong na lang ako sa mga gawaing bahay para kahit papano di naman nakakahiya.
"Sira ulo! Si Alex ang hinatid ko! Hahaha!"
"Sus! First day, may chiks ka kaagad?" asar ulit nito.
"Hahaha! Bakit nyo ba ko inaasar dun? Dapat si Kurt na lang para maging lalaki." sagot ko pa.
Grabe lang talaga hiya ko sa nangyari kanina. Pinagpakilala ako ng prof namin sa harap dahil transferee ako. Tapos sinabihan ako nila Vivo kung ano ang dapat kong isagot sa tanong kung bakit ako nagPT.
"Noon, sabi po ng parents ko.." tapos tignan ko daw si Jean. Nung una, di ko magawa. Nahihiya ako. Pero nung tinanong na ko ni sir ng "Eh ngayon?" minamadali na ko nila Vivo. Tinignan ko na si Jean at sumagot "Ngayon, sabi ng puso ko." Agad namang naghiyawan ang mga kaklase namin dahil dun.
"Eh bakit nakangiti ka?" puna ni Benj.
"Huh? Ah. Eh ano kasi. May naalala lang ako." nag-aalangang sagot ko.
"Si Jean yan noh?" Benj.
"Loko! Di noh! Tigilan nyo na nga ako. May Alex na kong mahal ko at mahal ako." sagot ko pa.
Sumeryoso ito at umiling, "Bahala ka pre!" tsaka umalis.
Ramdam kong ayaw ni Benj sa girlfriend ko dahil ang daming chismis na may ibang lalaki daw ito. Pero chismis nga diba? Tanga lang ang maniniwala. Girlfriend ko sya kaya ako ang mas nakakakilala sakanya. Kaya kahit ano pa ang sabihin nila, di ako maniniwala sakanila hanggat di nakikita ng dalawang mga mata ko.
BENJ's POV