JEAN'S POV
Dismayado. Yan lang ang pakiramdam ko buong lunch break. Nakakainis kasi eh. Dapat ang Xander ko ang kasama ko ngayon eh. Hindi sila Allen. Napabuntong hininga na lang ako sa lungkot.
"Oh bakit ang haba ng muka mo dyan?" Gab.
"Huh? Ah.. Eh.. Wala. Di ah. Di kaya." pagtanggi ko.
"Ahh kaya." Gab.
"Bakit?" tanong ko.
"Kaya pala kutsara ang gamit mo sa spaghetti." sagot ni Mica at nagtawanan naman sila.
Di ko namalayan na wala na pala ko sa sarili sa pagkadismaya. Ito kasing si Allen eh.
"Kung sino sino pa kasing iniisip, andito naman ako." sabi bigla ni Allen. Syempre nagtawanan na naman sila.
"Che!" sigaw ko kay Allen. Natawa naman sila pero si Allen ay napaseryoso habang nakatingin sa cellphone nya.
ALLEN'S POV
Binati ko si Jean ng good morning kanina pero di man lang ako sinagot. Snob, lakas magmaganda.
Maya maya pa, nakita kong masayang nagkekwentuhan na naman sila ni AJ. Nakakakwentuhan ko si AJ minsan, okay naman sya. Sanay akong kung saan saan sya nakapwesto at kung sino sino kausap nya pero parang may iba pag si Jean ang kausap nya.
Ewan ko, baka iniisip ko lang to.
Naisip kong dumaan sa likod nila para malaman kung ano pinag-uusapan nila. Wala lang, curious lang talaga ko. Hehehe!
"Wala. Haha. Pwede bang sabay tayong maglunch mamaya?" -AJ.
Tinignan ko si Jean pero parang nagpipigil sya ng ngiti tapos ang tagal sumagot.
Well, may naisip ako. Tryin' to be epal.
"Jean, sama ka samin maglunch mamaya. Oo lang sagot, bawal hindi." singit ko sabay alis.
Lalaki ako. Kaya alam ko mga galawan ni AJ. May gusto si AJ kay Jean, obviously. Pero alam ko namang mabait si AJ eh at bagay sila ni Jean. Pero gusto ko lang muna makaclose si Jean dahil sa ginawa ko kahapon. Baka kasi pag sila na, di na kami makapag-usap.
Lunch break na at nandito na kami ng buong barkada sa canteen. Pero itong Jean, mukang wala sa mood.
"Oh bakit ang haba ng muka mo dyan?" Gab.
"Huh? Ah.. Eh.. Wala. Di ah. Di kaya." -Jean.
"Ahh kaya." Gab.
"Bakit?" Jean.
"Kaya pala kutsara ang gamit mo sa spaghetti." sagot ni Mica at nagtawanan naman kami.
"Kung sino sino pa kasing iniisip, andito naman ako." singit ko pa. Nagtawanan naman sila nang may maramdaman akong nagvibrate.
May nagtext sakin.
"Che!" sigaw ni Jean. Di ko na pinansin yung mga pinag-usapan nila. Nakuha ng text yung atensyon ko.
"Allen, can we talk? Now." -Alex.
Siguro naman kailangan talaga naming mag-usap. Para na rin sa closure namin.
JEAN'S POV
"You'll be working in this project with partner. Class, please do have a time management. Wag nyo sanang sasagasaan ang ibang subjects nyo para dito pero sana wag nyo din papabayaan ang project ko na to. Okay?" -prof.
"Yes sir." sagot naman ng buong klase. Pinapagawa kasi kami ni sir ng video project ng comparison sa kung ano mang mapuntang topic samin.
"Okay, have your partner now."
At dahil alphabetical, di ko katabi sila Mica at Gab. Titignan ko pa lang sila para lapitan pero ayun, nakadikit na sa mga boyfriends nila.
Si Xander ko kaya? Saktong pagkatingin ko sakanya, nakatingin na din sya sakin.
Ngumiti naman sya at mukang tatayo na para lapitan ako nang may naramdaman akong tumabi sakin.
"Jean, partner tayo ah?" nakangiti nyang sabi.
Tinignan ko ulit si Xander pero natakpan na. Mukang nilapitan na ng iba naming kaklase.
"Nakaka-strike 2 ka na ah!" mahina pero inis na sabi ko.
"Huh? Ano?" tanong nitong Allen na to. Dapat kasi kami na ni Xander partner eh. 2 months pa naman tong project na to. Argh.
"Wala. Bakit ka ba andito?" masungit kong tanong.
"Wala kong partner, wala kang partner. See, meant to be." sagot nya pa na parang nang-aasar.
"Yung pinsan mo?" tanong ko.
"Partner sila ni Kurtyboy eh. Haha." sagot nya.
"AJ, mamayang uwian ah!" tuwang tuwang sabi ni Carla na partner ni Xander ko :( Si AJ naman, tumango at ngumiti.
"Jealous?" malademonyong bulong ng katabi ko.
"Hindi noh! Namo!" inis na sabi ko.
"Hahahahahahaha kaya pala hahahaha namu hahaha namumula ka hahahaha!" tawa sya ng tawa habang nakahawak sa tyan nya. Nakakainis. Kung 2 months kong makakasama tong lalaking to, mababaliw ako. Err >:/
"Dun ka na nga! Bumunot ka na ng topic natin!" utos ko sakanya at agad naman syang sumunod at habang tumatawa tawa pa rin.
DON'T FORGET TO VOTE :)