CHAPTER 3: Allen Saw The Real Alex

69 6 0
                                    

"Totoo ba yan pare?!" gulat na tanong ni Benj sa kausap nya sa telepono.

Pasimple lang akong nakikinig kay Benj habang nagsusuot ng uniform.

"Pero bakit ngayon mo lang sinabi?" pahina ng pahinang salita ni Benj.

"Kahit anong sabihin ko dyan, di maniniwala yan."

"Sige na, ako na bahala. Salamat Vivo." Binaba na ni Benj ang telepono.

"Mukang seryoso pinag-uusapan nyo ni Vivo ah? May problema ba?" tanong ko.

Seryosong tumingin sakin si Benj na tila nag-iisip kung anong isasagot sakin.

"Allen.." Benj.

"Bakit insan?" kinakabahan ako. Mukang may nangyayaring di maganda.

"Alam kong di ka maniniwala. Pero kasi si Alex-"

"Si Alex na naman ba?! Sasabihin nyo na naman bang may lalaki si Alex?! Na malandi si Alex?! Kelan nyo ba titigilan ang girlfriend ko Benj?!" galit na sabi ko kay Benj. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing may sinasabi silang masama tungkol kay Alex. Ilang beses ko na silang pinagpasensya, nagtitimpi lang ako. Pero this is too much! Pati yang Vivo na yan, nakikisali pa!

"Allen, huminahon ka naman. Patapusin mo naman ako." Benj.

"Alam mo kung kay Vivo lang din naman nanggaling yang sasabihin mo tungkol kay Alex. Mas lalong di kapani-paniwala! Nakita ko kung pano nya titigan ang girlfriend ko. Kaya alam kong gumagawa lang sya ng kwento para mapaghiwalay kami. Di ba sya marunong makuntento kay Gab?! Bakit, kasi matino si Gab at di nya magalaw?!"

Isang suntok ang dumapo sa may gilid ng labi ko dahilan para matumba ako.

"Sumusobra ka na ah! Matagal ng kilala ni Vivo si Alex dahil sa party ng pinsan ni Kurt. Nakita nyang kung sino-sinong lalaki ang kahalikan ni Alex dun! Concern sayo si Vivo kaya nya sinasabi sakin to. Di mo alam kung ano ang pinagdaanan ni Vivo para sagutin sya ni Gab kaya wala kang karapatan para husgahan sya ng ganyan!" galit na sigaw ni Benj.

Tumayo ako at hinawakan ang bahagi ng muka kong nasuntok ni Benj. Di ako gumanti ng suntok dahil kahit papano, alam kong nasa pamamahay nila ko.

"Tumigil ka na. Dahil kahit kelan di ko magugustuhan yang Jean na yan. Di ko ipagpapalit si Alex!" sabi ko sabay umalis para pumasok at makausap si Vivo.

JEAN's POV

"Talaga?" gulat na tanong namin sa kwento ni Gab.

Maaga pa at wala pa masyadong tao sa room kaya nagchichismisan muna kaming tatlo nila Mica.

Kinwento ni Gab na yung girlfriend daw ni Allen eh may mga lalaki. Kawawa naman sya. Niloloko sya ng girlfriend nya. Madalas bumabanat din ng mga pick-up lines sakin si Allen bilang pakikisama kela Vivo. Pero hanggang dun lang. Di naman siguro matatawag na panloloko yun dahil ni minsan di ko pa nakausap si Allen kahit tungkol pa sa mga subjects namin.

"Hi!" bati ni Xander ko sabay upo sa upuan sa harap namin.

Grabe, ang gwapo nya talaga. Kapag ngumingiti sya, nakikita yung braces nya na nakakapagdagdag sa appeal nya. Ayy, landi ko naman.

"Hello!" sagot naming tatlo.

"Manghihiram lang sana ko ng notes sa Ethics, di ko kasi nasulat eh." sabi nito.

"Ayy, sorry AJ, di ako nakapagsulat eh. Si Jean lang nakapagsulat samin. Diba Mica?" sabi ni Gab na halatang kinukuntsaba si Mica.

"Oo, busy kasi ko kay Tim nun. Si Jean lang talaga nakapagsulat samin." Mica.

Si Classmate Part 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon