Sorry for late update, busy lang po sa school.
Btw, thanks sa mga nag-abang :)
Enjoy reading.
_______________________________________________
JEAN's POV
Andito kami ni Allen sa KFC sa gilid ng University namin. Tahimik at walang nagsasalita.
Sa totoo lang, naaawa ako sakanya. Kahit di kami close, alam kong mabait sya. Maloko man sya sa klase, mainitin ang ulo pero alam kong katulad nila Vivo, may mabuting parte pa rin sa puso nya.
"Ah, Allen-" babasagin ko sana ang katahimikan ng bigla syang magsalita.
"Anong gusto mong kainin?" tanong nya.
Saglit akong napaisip sa tanong nya kaya di ako agad nakasagot.
"Kung ano na lang yung sayo, yun na din yung akin." Sabi ko sabay kuha ng pera sa pitaka ko. Pero bago ko pa maabot sakanya yun ay nakalayo na sya papunta sa counter. Pagbalik nya na lang, dun ko iaabot ang bayad ko.
Bumalik si Allen dala ang order namin, iniabot ko sakanya ang 100 pero di nya tinanggap.
"Kulang ba?" tanong ko.
Umiling lamang ito. "Libre ko na to." matipid nyang sagot.
"Salamat." sabi ko. Tumahimik na lang din ako habang kumakain dahil baka wala sa mood si Allen makipag-usap.
Lumipas pa ang ilang minuto at natapos na kaming kumain, pero hindi pa rin sya nagsasalita.
"Allen/Jean." sabay naming sabi.
"Ah, una ka na." sabay ulit namin sabi.
Pareho kaming natahimik at napayuko.
"Ikaw muna." sabi nya.
"Ano yung sinabi mo kanina kay Alex?" tanong ko.
Saglit na nag-isip at napayukong muli si Allen.
"Ahm, yun nga eh. Sorry kung ginamit pa kita at hinatak dito." mahinang sabi nyang halatang nahihiya sya.
"Okay lang. Alam mo naaawa-"
"Wag!" medyo napalakas ang boses nya at napahinto naman ako sa pagsasalita ko.
"Wag mo kong kaawaan please? Ayokong kinakaawaan ako. Kaya kita hinatak kanina at pinalabas na ikaw ang bago ko dahil ayokong maawa sakin ang mga taong nandoon." maayos na paliwanag nya.
"Sorry." yan na lang ang nasabi ko.
"Okay lang, wag ka magsorry." tapos bigla na naman syang tumahimik.
Bumalik na kami sa classroom ni Allen. Pinagtinginan agad kami ng mga kaklase namin.
Ngumiti si Benj ng parang may ibig sabihin, "So.. New couple?" asar nito.
Ngumiti lang si Allen at humarap kay Vivo, "sorry pre."
Hindi umiimik si Vivo, tumayo ito at nagtaas ng ulo. Yung tingin na nag-aangas tapos ang angas ng tingin nya kay Allen. Si Gab naman siniko bigla si Vivo.
Biglang ngumiti si Vivo, "Haha. Syempre ayos lang pare." tapos nagfist to fist sila.
Nakakatuwa naman, halos dalawang buwan pa lang silang magkasama pero ganon na kaagad sila kaclose. Ako nga, ngayon ko lang nakausap to si Allen eh.
Umupo na muna ko sa upuan ko habang naghihintay ng prof.
"Hi Jean!" syempre boses pa lang, alam ko na kung sino. Hihi ^_^