MinW Chapter 5: Can you feel my heartbeat?

38 3 28
                                    

Peach's POV

Asar talaga ung napakahangin na lalaking un. Isa na siya sa mga dapat kong iwasan sa school. Nako po. Mukhang siya pa naman ang papalit talaga muna kay Mr. Santos. Ibigsabihin twice a week ko siyang makikita. Eewww. Yuck!! Malansa siya. I mean mabango siya. Pero isda kasi siya kaya malansa. Ansabe ko? Mabango? Nvm. Tsk.

Nagdabog ako papunta sa loob ng condo ko. Umupo muna ako at nagpakalma nang may nagdoorbell.

"Yes? Oh Drake, bakit?" Shocks. Nacaught off guard ako ng gwapong to.

"Palabas kasi ako ng unit ko tas biglang nakita kang nagdadabog papasok ng unit mo"

"Ah yun ba? Badtrip kasi eh. May lalaking isdang nanghaharass sa akin kanina"

"Lalaking isda?"

"Oo. Si Mr. Shokoy. Pero pangalan niya talaga Aiden. Brrr. Masyado siyang mahangin. Nakakairita."

"Nandito rin pala siya" ha? Sinong nandito rin? "Sige Peachy alis muna ako ah."

"Ha? Sige sige. Bye!"

"Bye!" Tas kumaripas siya ng takbo papunta sa elevator.

Sinara ko na ung pinto. At dumiretso sa sala para humilata sa sofa. Hayst. Wala akong gana. Kakain na lang ako ng ice cream.

*calling Macey

"Yes, bes?"

"Ay, Peach may pinapasabi ung president. Since ikaw naman daw treasurer at nasa iyo ung budget ikaw na lang daw mag asikaso dun sa guest speaker"

"Sino ba guest speaker?" Tsk. Kala ko pa naman pahinga ako. Hindi rin pala.

"Si Blaze Blark daw. Sabi kasi ni Pres fan na fan ka daw niya kaya kumbaga ikaw ang may pinaka may kilala sa kanya" wait. Sige Blaze? Kyaaaaaa! Grabe! Gusto ko ng sumigaw sa kilig. Naiisip ko pa lang na makakausap ko siya. Waaah! "Hello Peach? Nandyan ka pa?" Ay oo nga pala kausap ko pa si Macey

"Sige, Macey ako ng bahala. See you on Monday!"

"Bye! Hwaiting!!" Tas binaba na niya.

Kyaaaaa! Si Blaze lang naman ang isa sa mga well-known animators ng bansa at bukod dun isa rin siyang actor and musician. Nakapunta na ako sa isa sa mga concerts niya. Grabe nga yun eh ang galing niya mag gitara tas ginuest niya ung bestfriend niyang si Jonard Calum (a/n:hahaha. May prize sa akin ang may alam kung sino siya haha).

Grabe ung concert na un. Tapos nagpakita pa sa umpisa ng intro video na siya mismo ang nag animate. So cool and to top it all, super gwapo niya.

Grabe ang fangirling ko dahil sa kanya. Nagkaroon tuloy ako ng ganang kumain.

*kinabukasan.

Tinext na sakin ni Macey ung office ni Blaze.

Nakarating na ako at super kabado na ako nakaupo dito sa lobby.

"Miss Spade. You can come inside now"

"Thank you po" at pumasok na ako.

Pagkapasok ko, wala sa upuan niya si Blaze. Pero bakit parang may naririnig akong heartbeat. Di naman akin un dahil parang medyo distant ung tunog.

Grabe ang spacious ng office niya. Ang ganda rin nung table niya kung nasan ung drawing tablet niya at kung ano ano pa.  Napaka organized. Goals talaga.

Tumingin ako sa mga shelves na nandun.

"Ehem" napatingin ako sa upuan niya, nandun na pala siya. Bakit di ko napansin na dumating na siya.

"Ay sir. Hello po!"

"Napakaformal mo naman miss. Halos same age bracket lang ata tayo. Di pa naman sobrang tagal simula nung grumaduate ako sa school natin." *kamot ulo. Yikes. Oo nga pala. Naging schoolmate ko siya nung first year ako. First year ako nun tapos siya graduating. Pero di ko rin siya masyadong nakikita dahil nasa practicum siya.

"Sige po. Blaze"

"Haha ang masunurin mo rin pala noh? Haha. So you must be Peach Spade na sinabi sa kin ng Dean na kakausap sakin sa gagawin ko sa Animators' Week?"

"Opo. Bale ganito po ung mangyayari.." Inexplain ko sa kanya. Tapos narealize ko na parang lumapit ung naririnig kong heartbeat. Kanina kasi nung nasa pinto ako di pa ganung kalakas

"Thank you Peach. Sige ireready ko na ung speech ko ngayong alam ko na ung theme."

"Uhm sir este Blaze may alarm ka ba dito na parang heartbeat" di ko na napigilang itanong. Tapos parang bumilis ung heartbeat na naririnig ko.

"May naririnig kang heartbeat?"

"Opo. Di niyo po ba naririnig? Kanina nga po parang bumilis eh"

"Uhm. Peach may client pa nga pala ako."

"Ay sige po. Alis na po ako. Iwan ko na lang po ung contact number ko."

Habang papalabas ako mabilis parin ung naririnig ko pero pahina na ng pahina habang lumalabas ako.

Ngayon naglalakad na ako papuntang bus stop. Pagkarating ko dun sakto may bus na at sumakay na ako. Pagkaupo ko dun sa dalawahan, tumingin ako sa bintana. Siguro after five minutes ng pagpupuno umandar na tapos narinig ko na naman ung heartbeat.

Liningon ko ung katabi ko.

😶 shocks si Blaze. Dalawang heart beat na ung naririnig ko. Ung akin at ung same na naririnig ko kanina.

Linapit niya pa ung mukha niya.

"Can you feel my heartbeat?"

*To be Continued

Waaaaah! Abangan haha. Medyo sabaw to. Sorry for the long wait.

~Leela Turanga


Monsters in my WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon