Peach's POV
I'm so creeped out right now. Waaaaah! Gusto ko pa pong mabuhay wag niyo po ako kainin.
"Nagbibiro ka lang diba?" Imposible namang may vampires. Waaaah! Naalala ko ung inaanimate ko kanina. Ganun kaya siya? Shockers naman oh.
"Mukha ba akong nagbibiro?" kinakabahan ako kasi papalapit na siya na papalapit
Nakapikit na ako. Ayokong masuck ang dugo ko huhuhu.
*boink. naramdaman kong pinindot niya ung ilong ko.
"Hahaha. Ang cute mo miss. ahahahha. " Seriously?
"Bahala ka nga po diyan. " At ayun paalis na sana ako nang..
hinigit niya ako "Miss wait lang. Di ka naman mabiro. "
"Edi naman kasi nakakatawa eh" Sabi ko
"Sorry na. I'm Drake by the way. Drake Koola." ang weird. Super weird lalo na pag binigkas mo ng buo ung pangalan niya.
"I'm Peach. Peach Spade. Matagal na ako dito"
"Want to drink something inside?" sabi niya. Oh well. Yun naman talaga pakay ko kaya ako lumapit sa kanya eh.
"Sure"
Pagkabukas ko ng pinto dahil di nga daw siya marunong, nakita ko ang loob ng unit niya. Ang ganda. Super organized na siya. To think na kahapon lang ata siya nagstart na lumipat dito.
"Ang ganda ng unit mo Drake. Ikaw nag arrange?"
"Yep. Sorry medyo magulo pa ah. Di ko pa kasi alam kung paano ko iaayos ung ibang gamit"
"Magulo na to? Baka disaster na matawag mo sa unit ko" grabe. Daig niya pa ako. Nahiya tuloy ako.
"Hahaha grabe. Nakakatawa ka talaga Peachy" ano daw? Peachy?
"Anong Peachy ka diyan?"
"Hahaha nvm. Anong gusto mo Coffee, tea or juice?"
"Juice na lang. Not a fan of Tea and Coffee eh"
"Okay. Wait ka lang diyan ah."
Tumayo muna ako para lumibot. Ang cute nung mga designs niya. Black lahat. Ung mga frames black na kakaiba ung design.
"Oh eto na Juice mo oh"
"Ay Juicecolored! Wag ka ngang manggulat!" Kasi naman super focused ako dun sa isang picture tas bigla siyang dumating.
"Hahaha. Juicecolored? Bago yun ah."
"Bago ka diyan? Sobrang luma na ng term na yun"
"Eh bago lang sa pandinig ko eh" tas tumawa na naman siya. Napakamasiyahin naman ng isang to.
"Maiba tayo. Sino tong mga nasa picture? Lolo mo?" May nakita kasi akong picture. Kamukha ni Jose Rizal tas parang siya ung lalaki pero imposible un kaya inassume ko na lang na lolo niya un since kamukha niya. Saka ang luma na nung quality nung pic.
"Ako yan kasama si Jose Rizal."
"Anong ikaw yan? Ano yun? Di ka tumatanda?"
"Oo" again nagulat na naman ako.
"Diba nga sabi ko Vampire ako?"
"Eh joke lang yun diba?"
"Ung pagkuha ko ng life form mo, joke un. Ung pagiging vampire ko, di joke un"
"Kung Vampire ka, bakit di ka takot sa bawang?"
"Super misconception lang yun"
"Eh kung Vampire ka, bakit di ka takot sa araw?"
"Kasi di naman ganun ang vampire. You see ung mga nababasa niyo sa literature niyo ay sobrang iba sa totoong kami. Napakafriendly kaya namin."
"Eh bakit di ka marunong magbukas ng pinto?"
"Eh kasi di naman tinuro sa akin un. Lagi kong kasama ung helper ko pag nandito ako at siya laging nagbubukas ng pinto. Teka lang, wala ng kinalaman ung tanong na yun sa pagiging vampire ko ah"
"Eh kasi naman di naman kapani paniwala yung sinasabi mo. Para mo na ring sinabing nangingitlog ang baboy"
"Bahala ka. Basta isa akong vampire"
"Yeah right! Uwi na ako ah. May tatapusin pa ako. Next time ulit, Mr. Vampire" at ayun umuwi na ako. Mas makabuluhan ang magagawa ko sa time ko kung mag aanimate na ako kaysa makipag usap sa bampira kuno.
2 am na ako natapos. Kapagod pero worth it naman dahil ang ganda nung output ko.
Napagdesisyunan ko ng matulog dahil may klase pa ako bukas ng 11 am. Ayoko malate. Mabuti ng kulang tulog kesa kulang gising.
*kinabukasan
Uwaaaah! 8 am palang. More time for preparations. Ngayon na pala ung reporting ko for Mythology. Ung flashdrive ko nakapatong sa work table ko. Kukunin ko na lang un bago ako umalis.
After kong maligo at magbihis eh napagpasiyahan ko ng kumain ng breakfast. 9:30 am palang. Marami pang oras. Puwede pa akong tumambling tumbling. Charot haha.
*Macey Calling
"Yes? Papasok na ako. Kumakain pa ako eh"
"Girl. Sorry to interrupt your breakfast pero kailangan ka na ngayon. Hinahanap na lahat ng officers ng club. Bawal ka mawala. You know naman, budgeting ang topic for the meeting"
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na 9:30 pala ang meeting?"
"Haler. Text kaya ako ng text sayo kagabi. Di ka nga nagrereply eh"
"Waaaah! Ganun ba? Sige. Punta na ako now"
Ayun naglast bite ako dun sa hotdog at nagmabilisang toothbrush.
Kinuha ko ung mga gamit ko at umalis na. Tumakbo na ako sa bus stop. Sakto namang nagsasakay na. Kung sinusuwerte ka nga naman oh.
Sumakay na ako at meron pang upuan. Woooh. Chineck ko ung phone ko. Tama nga si Macey, sandamakmak ung text niya. Ugh. Kung alam ko lang.
After 15 minutes nakarating na ako sa school. Argggh super late na ako for the meeting.
"Sorry I'm late" hingal na hingal kong sabi. Shocks. Tinakbo ko lang naman mula entrance hanggang sa department namin.
"Okay lang Peach. Kakastart pa lang namin" woooh! Worth it.
So ayun, tungkol sa budget for the upcoming Animators' week. Super busy ng department namin dahil dito.
Natapos naman na ung meeting dahil may budget kaming makukuha mula sa school. Sa mahal ng tuition namin dapat lang noh? Anong gusto nila manggaling pa sa amin ung funds. Hell no!
So ayun. May 15 minutes pa before my class. Mythology un. Speaking of mythology, may report ako dun.
Nako po dahil sa pagmamadali ko, naiwan ko ung flashdrive. Ugh!!! What to do?
*To be Continued.
Di ko aakalaing aabot ng almost 1000 ung words nito. Super sabaw neto at muntik pa ako mawriter's block. Super sorry kung di niyo magugustuhan. Kung magustuhan niyo man, thank you! Votes and comments will be pretty much appreciated.
~Leela Turanga
BINABASA MO ANG
Monsters in my World
RomansWelcome to my World! As in ung Earth where normal people live. Hahahaha sarap tumawa! Grabe mababaliw na ako!!!! WOOOOOH! Imagine meeting five monsters, pero eto ang twist, gwapo sila lahat. Si Aiden the Siren galing sa Underwater World. Si Blaze th...