MinW Chapter 11: DisAppointments

26 1 19
                                    

Peach's POV

Although cautious ako kay Blaze eh hindi ko maiwasan di kiligin parin sa kanya.

Ang sweet niya saka maalaga. Alam mo ung tipong bababa sa sasakyan di puwedeng di niya ako alalayan. Bale naglunch kami sa Tagaytay since wala akong pasok.

"Di mo ba sasagutin?" Kanina pa kasi may tumatawag sa kanya.

Di pa naman dumadating ung order namin kaya sabi ko sagutin na muna niya.

"Okay lang saiyo?" Pag aalala niyang tanong

"Okay lang naman wala pa namang food." Wrongest.Decision.Ever.

Pagkasagot niya nun eh sunod sunod na ang tawag sa kanya.

"This is what you should do..." blah blah blah. Andami niyang sinasabi. Sa malapit lang naman siya nakatayo kaya kitang kita ko siya.

Dumating na ung food.

Natapos na ung tawag pero aattempt palang siyang umupo eh may tumatawag ulit.

Sa sobrang gutom ko eh di ko napigilang kumain na.

"Sorry talaga ah" sabi niya.

"Sorry din naubos ko na food ko.  Cr lang ako" umalis na ako kasi baka mabatukan ko siya.

Pagkabalik ko eh may kausap na naman siya.

"Let's go?"

"Ah uhm" parang nagstutter siya at nag isip kasi may kausap pa siya "I'll call you later" pagkababa niya nung phone "already? Di pa tayo nagtatagal dito"

"Check your watch. We've been here for 3 hours" napacheck siya at nagulat siya. Imbyerna 2:30pm na. Nandun pa din kami.

"I'm really sorry. I'll make it up to you"
Medyo gumaan naman pakiramdam ko.

Dinala niya ako sa Sky Ranch, isang amusement park.

Pero di na ako nag expect na mag eenjoy akong kasama siya dahil hawak  na naman niya ang phone niya.

So ang ginawa ko? Ayun nag enjoy mag isa.

Mukha akong bata nagpaikot ikot sa amusement park. May hawak pang mga snacks habang siya nakikipag usap sa phone.

5 pm na at malapit na magsunset at gusto ko magferris wheel, Ang main attraction dun, para naman maganda ang view ko sa Sunset.

Pinuntahan ko si Blaze.

"Magfeferris wheel lang ako ah"

"Sama na ako." Sabay ngiti niya. Syete. Kahit tampo ako sa kanya di ko napigilan ngumiti din at kiligin.

Sumakay na kami. Wala naman masyadong tao dahil weekday naman kaya nakasakay agad kami.

Nung nasa loob kami nakatingin lang ako sa Sun. Di na masyadong masakit sa mata. Tahimik lang kami ni Blaze.

"Sana ako piliin mo" bigla niyang sinabi. "This was not the day I imagined. Sorry kung priority ko ung work ko. Un lang kasi ang paraan para makasurvive ako dito sa world niyo."

"It's okay" sabi ko. Work is important nga naman.

"De bale. Next week babawi ako"

"Okay lang kahit hindi. I know the environment of your work. As a fellow animator. Mahirap din talaga ang commitment. May tendency maging toxic dahil sa deadlines. I'm just happy that you're here" kanina naiimbyerna ako at nagtatampo pero naisip ko na I became selfish. He has a life too. Give and take nga talaga ang relationship. I should take note about that.

"Ang mature mo na agad mag isip" tapos ginulo niya buhok ko

"Mag eeighteen na ako. Di na ako bata." Ang hair ko. Huhuhu

"Di ka na nga bata. Kaya kung ano man ang maging desisyon mo eh tatanggapin namin"

Hayst. Kailangan ko ba talaga mamili. Nagsisimula palang ako kilalanin sila sumasakit  na ulo ko.

Natapos ung ride at nagdesisyon na kaming magdinner bago kami umuwi.

Sa wakas nakakain din kami ng walang istorbo. Aba after office hours na din. Baka batukan ko mga clients nila pag tumawag pa sila. OT much

Hinatid na niya ako sa bahay.

"Thank you for understanding"

"Wala yu-" nagulat ako kasi bigla niya akong niyakap.

"I'll miss you. Let's stay like this for awhile" sabi niya.

Wala na akong nagawa kundi syempre enjoyin na rin ang moment 😂.

"Goodbye Peach 😊" sabay alis niya. Naiwan ako dun nang nagiisip

"Why would I be cautious with someone so gentle like him?"

*To be Continued

Sorry for the delay guys. It took me a long break para maset ulit ang mind ko sa pagsusulat nito haha

Vote and comment if you want to show your support for this story  😊

~Leela Turanga

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Monsters in my WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon