6th Escape

39.1K 447 72
                                    

Buhay pa po ako. HAHAHAHAHA!


Velvet's POV

"Masyado ba akong clingy kapag tinext ko uli siya?" I really can't help it. Miss na miss ko na siya. Habang tumatagal, mas lalo ko siyang minamahal. At ngayon, I feel like nakukulitan na siya sakin. Ngayon pa? Kung kailan 3 years na kaming magkarelasyon?

"Teh, nabilang mo na ba kung ilang beses mo na yan tinanong? Ano ba kasing gumugulo dyan sa isip mo?" Tugon ni Vienne sa akin. Siya ang bestfriend ko.

"Ang daming what if's, sa totoo lang bes. Sa mga oras na di niya ako nirereplyan, kung ano ano na lang ang naiisip ko. What if may iba na pala siyang nilalandi? What if gusto na uli niya ng lalaki? If you know what I mean ha. Tska what if nagsawa na pala siya sakin? What if nagsstay nalang siya kasi naaawa nalang siya sakin?" Sunod sunod kong tanong sabay ub-ob sa lamesa.

Saka niya ako binatukan. "Ano girl? Yan na ba lahat ng iniisip mo? Ano ka ba ati, may buhay din naman si Jhe, may mga pinagkakaabalahan. Nakatatlong taon kayo pero di mo naiintindihan yun? Kung may iba man siyang nilalandi edi sana nabalitaan mo na? Remember may pakpak ang balita pati mga baklita may twitter narin."

"Alam mo girl, kausapin mo nalang siya. Di ka patatahimikin ng what if's mo. Pakitaan mo kasi ng alindog mo. Kinakalawang ka na ba? Malay mo kulang lang kayo sa ano...." Natawa ako sa sinabi niya pero may point siya, baka kulang kami sa ano... joke.

"Sira! Thank you sa walang sawang pakikinig sa kadramahan ko. The best ka talaga, Vienna sausage!"

Nagtaka ako kasi biglang naging seryoso ang mukha ni Vienne, saka tumingin sa akin. This better be good. Medyo kinakabahan ako. Pero nawalan ako ng lakas sa pinakita niya sakin.

Jheis, bakit?

"Teh.. Matagal na ata yan eh? Mukhang totoy pa si bakla. Kalma ka muna. Don't do something stupid ha!" Nagaalalang payo ni Vienne.

"Hindi yun bes e. The fact na di man lang sinabi na may ganito pala. I felt betrayed! I'm his girlfriend, dapat lahat sinasabi niya, past man or present! Tama naman ako diba?"

Or so I thought?

Jheis' POV

CLINGY.

Yan si Velvet ategurl nyo ngayon. Alam nyo yung nakakainis na? Hindi cute. Kahit yung maliliit na bagay napapansin niya tapos pinapalaki niya. Juicecolored konti na lang majujukal nako sa pinaggagawa niya. It's been 3 years and yes, kami padin. Buti nakakatagal pa ako sa kanya no? Wala eh. Tinamaan si baklush.

Paghinalaan daw ba ako? Kaloka! Eh siya lang naman ang gurlalu na nagpatibokels ng puso ko. Kaso parang ngayon, right at this very moment, inis na inis ako sa higad na yon. Oo! Higad parin siya kahit magjowaers na kami. As in wapakels sa kakulitan niya ngayon. Waley akong keber sa mga paandar niya ngayon. I still some need beauty rest kahit magandang maganda na ako.

Nagising nalang bigla nang makaramdam ng malakas na pagbato ng isang bagay sa mukha kong maganda. Napabalikwas ako agad habang hawak ang ilong ko. Si Velvet. The nerve of this girl!

"ANO NA NAMANG PROBLEMA NG KIKI MO HA?!" Pasigaw kong tanong habang nakatingin sa kanya ng masama.

Dinuro duro niya ang noo ko at mukhang nagpipigil ng iyak. "May mata ka, edi tingnan mo yang lecheng cellphone na yan!" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Ano na naman kayang pakulo ng babaitang to? Kinuha ko ang cellphone niya at pinagmasdan ang nasa screen. Humugot ako ng mala-ocean deep na  sa nakita ko.

Umangat ang tingin ko sa kanya at umiling iling.

Sinampal niya ako sabay sabing: "Ano?! SAGOT!" Daniel Padilla lang ang peg ategurl? Nakakaloka kakalagay ko lang ng moisturizer!

At dahil gigilers na talaga ako, sinampal ko siya pabalik. "Boba ka ba ha? Matagal na yan! Blondie pa ako dyan bobita ka talaga!!"

"Sa tingin mo may pakielam ako ha, Jheis Drico? Bakit di mo man lang yan nagawang sabihin sakin ha? Bakit kailangan sa iba ko pa malaman ha?! Tatlong taon na tayo pero may mga bagay ka pa palang hindi sinasabi sa akin!"

I just rolled my tantalizing eyes. Nagpunta ako sa banyo at naghilamos. Nakakabingi na siya, seriously. Wala ng alam kundi pumutak ng pumutak. Napansin ko na natahimik siya. Palabas na sana ako para i-check siya kasi nga natahimik siya eh. Usually kapag mga ganitong scenario, alam kong may gagawin siyang hindi maganda. And I was so right!

Napatakbo agad ako pabalik sa kwarto. Nakita ko nalang na nakakalat ang mga makeup ko sa sahig. Durog ang mga makeup palette na galing pa sa kapatid ni daddy! Oh my gosh! Bobbi Brown and Natasha Denona!

"Walang hiyaers ka! Not the Fenty beauty!!!" Bago pa man niya maapakan, hinila ko siya mula sa buhok niyang medyo dry at itinalsik sa sulok ng kwarto ko. Kinuha ko lahat ng nasirang makeup ko at ipinatong sa vanity table ko.

"Alam mo ba kung gano kamahal ang mga sinira mo, higad ka?! Mas mahal pa to sa paghinga mo! Duh I know may pagka-OA ako pero limited edition ang mga ito. Kahit sino mababaliw kapag sinira mo ang tanging bagay na nakakapagpaganda sa kanila! At isa pa, pinapalaki mo lang ang mga bagay bagay! Tatagal ba tayo ng tatlong taon kung ginagago kita? Ang hirap sayo past na nga pero bini-big deal mo pa! Grow the hell up, Velvet Euclase!"

Hindi siya nagsalita ngunit nagsimula siyang humikbi. Yung hikbing nakakaawa ganern. Napatingin ako sa kanya habang inirerecompose niya ang sarili niya mula sa aking pagkakatulak.

"Tandaan mo to, Jheis Drico. Ang makeup, napapalitan yan. Pero ang tiwala ko? Hinding hindi mo na makakamtan muli." Kinginang to?! San na naman niya nahugot ang word na tiwala? Wow! Big word!

"Bakit saksakan ang pagkamahadera mo ha?! Panong nasira ang tiwala mo eh nangyare na yon bago pa naging tayo, bago pa kita minahal! Wag na wag mo paiiralin yang kadramahan mo dahil di tatalab yan saken."

Bakas ang lungkot at sakit sa kanyang mga mata. Umiling-iling siya bago niya sinampal sa mukha ko ang tseke na may pirma ng tatay niya.

"Ikaw nalang bahala maglagay ng presyo ng mga nasira ko." Seryoso ba to ategurl? Anong gagawin ko dito eh mas mayaman kami sa inyo?!

Bago ko pa mapunit ang tseke ng sinampal niya sa pagmumukha ko, nakaalis na siya. Ugh sayang naman! Gandang eksena sana non kaloka!

Feeling niya hahabulin ko siya? Kapal ng mukha! Kasing kapal ng bulbolurs niya sa kepkep.

_______________________________

Jusko bahagya pa nakapagupdate! Chos feelingera ko naman eh puchu puchu padin yan!!

Sexcapade With A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon