Sa isang lumang bahay sa Rizal may isang Lolo na napakamasiyahin. Siya si Mang Crispin. Isang araw, may isang itim na van ang huminto sa tapat ng bahay niya. Sakay nito ang kanyang anak at apo na si Ricci. Pagbukas ng pintuan ay dumeretso agad si Ricci sa loob ng bahay na ang pintuan ay puro kandado. Umakyat sa kahoy na hagdanan at dali-daling pinuntahan sa terrace ang kanyang Lolong nakaupo sa rocking chair. Sa pagmamadali ay naapakan niya ang isang laruang kotse at siya'y nadulas.
"Oh? Anong nangyari sayo apo?" pag-aalala ni Mang Crispin.
Tumawa ang binata at tumayo.
"Wala po ito, kat*ng*han lang po. Hahaha."
"Ito talaga oh di nag-iingat."
Naglakad si Ricci, nagmano at niyakap ang Lolo.
"Lolo!! Kamusta na po?"
"Eto, pogi pa rin ang Lolo mo."
"Si lolo talaga, mapagbiro parin. Hahaha"
"Eh ikaw apo kamusta?"
"Okay lang din po, pogi parin gaya niyo."
"Ha ha ha nagmana ka talaga sakin apo."
Habang nagkekwentuhan ang maglolo. Nagbababa parin ng mga gamit sa sasakyan ang kanyang daddy.
"Lo, pwede niyo ba akong kwentuhan nang mga Horror Stories?"
"Wala na akong maalalang mga horror story eh. Love Story nalang tutal inlove ka naman eh."
Napangiti si Ricci at namula ang pisngi
"Hay, ito talaga si Lolo oh. Sige na nga po Love Story nalang"
Dumaan ang Dadi ni Ricci dala-dala costume ng isang super hero at ang isang lumang gitara.
"Hi Dad! Meron daw pong Love story si Lolo oh."
"Hahaha, marami talagang alam na istorya ang Lolo mo."
Nagkatinginan si Mang Crispin at ang Dadi ni Ricci
"Sige sisimulan ko na ang aking kwento."
"Once upon a time in a land of...
"Lo, naman ihhhh, ayoko po yung mga fairy tale na yan. Hindi na ako bata para diyan."
"Ha ha ha, di ka naman mabiro apo." ang pangaasar ng Lolo.
"Osya sige, Mayroon akong istorya ng isang binatang nagngangalang Ken. Isa siyang waiter sa Mcdo. Simula martes hanggang linggo ang kanyang pasok at lunes ang kanyang day-off. Matagal-tagal na rin siyang nagtatrabaho. Maraming tao ang nakakasalamuha ni Ken araw-araw, kilala siya dahil pinapasaya niya ang mga tao ng restaurant, at sa kanya nakuha ang kanilang islogan na "Bida ang saya!"
*Makikita na ipinapalabas sa TV ang commercial ng Mcdo kasama ang McLisse.
Isang araw, madilim na at bukas parin ang Mcdo dahil 24/7 sila. Ang ginagawa kasi ni Ken kapag malalim na ang gabi o hindi kaya wala na masyadong customer eh pinupunasan niya ang mga salamin ng kanilang restorant. Habang todo ang effort niya sa pagpupunas, napansin niya ang isang babae na nasa dulong parte, mag isa at nakatingin sa labas. Mukhang malalim ang kanyang iniisip.
"Oy pre, tingnan mo yung babae oh, mukhang malalim ang iniisip. Alam mo na gagawin mo ha. Yung mga moves mong pang hokage. " Sabi ng bestfriend ni Ken na katrabaho niya.
*Ngumiti si Ken na tila may masamang gagawin.
Nilapitan ni Ken ang babae.
"Hi Miss!"
Walang imik ang babae
"Hi Miss!?"
Wala paring imik ang babae
*Napakamot ng ulo si Ken
Tulad nang ginagawa ni Ken sa ibang tao, pinasaya niya ang babae. Nag make face siya, nag magic siya, tumambling tambling ala Jhong Hilario, sumayaw parang Vhong Navarro, lahat na ginawa niya. Di parin siya pinapansin nung babae. Pero ginawa parin niya ang lahat, binigyan niya ng Chickenjoy na best seller sa kanila, pero wala paring imik yung babae.
Nang kumuha si Ken ng panyo mula sa kanyang bulsa, ay biglang may tumawag sa babae. Di maipaliwanag ang pinta ng kanyang mukha. Naghahalong emosyon ang makikita sa kanyang mukha. Biglang nagsalita ang babae.
"Bakit kailangang ako? Hindi ka ba nakakaintindi? Sinabi ko nang ayaw ko, kaya please? Wag ka nang mangulit? Hindi kita sasagutin kahit na puntahan mo pa ako at lumuhod ka sa harapan ko. Hinding hindi na magbabago ang nasa isip ko."
Mabilis na tumulo ang tubig na nanggaling sa kanyang bibig.
*Nagulat si Ken, at medyo napangiti*
"Ayokong pumunta sa party!" pasigaw na sabi ng babae.
"Basta bahala kayo! Hinding-hindi ako sasama!"
*Pinatay ang kausap, ay este ang telepono*
Lumapit si Ken sa babaeng mamula mula ang pisngi, makinis ang mukha, maputi, chinita, may pagka makapal ang kilay at mahabang buhok, iniabot niya ang panyong pamunas ng laway.
*Pinutol ni Ricci ang kwento ng Lolo niya*
"Lolo naman! Bakit para sa laway yung pamunas? Niloloko niyo nanaman ako eh."
"Ha ha ha! Masyado kasi siyang natakam dun sa Chickenjoy at sa Slurpee ehh."
Sabay tawa nang mag-lolo
"Sige na nga Lo, ituloy mo na ang pagkukwento!"
Nagaalangan pang magsalita si Ken pero tinuloy niya parin.
"Hi miss! Bakit po parang ang lungkot-lungkot niyo? May problema po ba? Kanina pa po ako dito kung anu-ano ang ginagawa nagmumukha na nga po akong tanga eh."
Sumagot na parang may pagmahiyain at mahinhin ang babae, "Pasensiya ka na ah, nakakainis kasi eh. Pinipilit nila ako, ayoko naman."
"Bakit ano ba yung pinapagawa sayo? Ay anong pangalan mo nga pala?"
"Eh kasi gusto nila akong sumama sa party, hindi naman ako party-goer."
"By the way, ako nga pala si Diana." matapos ay iniabot ang kanyang mga malalambot na kamay kay Ken.
*Isip-isipin ni Ken sa kanyang utak: "Liit na bagay iniiyakan netong babaeng ito."
"Ohhh Hi! Ako nga pala si Ken, buti ka pa, alam mo ba konti nalang yung mga babaeng simple? Yung mas gugustuhin pang makasama ang kanyang pamilya kaysa maglakwatsa." papuring sagot ni Ken.
"Eh nahihiya nga ako eh." Mahinhin na sagot ng dalaga.
"Sus, wala iyang hiya-hiya na yan pag naipakita mo na sa kanila kung gaano ka kagaling sumayaw at kumanta!" Paghihikayat ni Ken kay Diana.
"Ha? Panong sayaw at kanta? Eh di naman ako sasayaw at kakanta. Hindi nga ako magaling dun eh. Magmomonologue ako. Magaling kasi akong umacting...... Sabi nila."
"Hahaha. Edi magaling ka umacting."
"Mema ka rin eh noh?"
Sabay tawa nang dalawa.
"At diyan nagtatapos ang kwento."
Napakamot na lamang ng ulo si Ricci habang tumatawa si Mang Crispin
"Lolo naman, bitin kaya. Hindi ano yun? Walang happy ending? Nagkita sila sa restaurant, nagkakilala tas nag ka tawanan, love story na yun?"
"Ha ha ha, happy ending naman yun apo ah? Diba nagkatawanan sila sa huli? Edi happy ending na? Ha ha ha. "
BINABASA MO ANG
Isang Malaking Biro
Kurzgeschichten"Kwento ng isang Lolo na napakaraming mga kwento ang nalalaman. Isang lolong mapagbiro. Isang kwento ang kanyang ipapamahagi sa kanyang nagiisang apo. Kwentong puno ng pagbibiro. Matatagpuan pa nga ba kung alin ang katotohanan?" Updated as of Feb 2...