"maSAYANG Pagsasama"

1.8K 28 8
                                    

"Lolo!!! Ifastforward mo na dun sa ligaw." Pagmamadali ni Ricci

"Ha ha ha eto na nga oh." Tugon ni Mang Crispin

Dumating ang araw ng panliligaw ni Ken kay Diana, sa tinagal tagal ng kanilang pagkakakilala, ito ang araw na pinakahihintay ni Ken. Ang maipakita ang pagmamahal niya kay Diana.

Pinuntahan niya ang kaibigan niyang si Boyong at kinamusta ang mga kailangan gawin, lahat nakahanda na, pati ang mga street dancers na inarkila ni Mang Crispin nakaready na. Naka-setup na ang lahat. Kaya sinimulan na ni Ken ang kanyang plano.

Pumunta si Ken sa bahay nila Diana dahil may usapan silang pupunta sila ng SM ngayong araw.

Tinawagan ni Ken si Diana.

Nagring ang Iphone 6 ni Diana.

"Yana, san kana? Di to na ako sa labas ng compound niyo buksan mo na ako."

"Sige bes, saglit lang, pababa na ako." Sagot ni Diana

Pinatay ni Diana ang tawag.

"Ma!! Pagbuksan mo naman ng gate si Ken." Pakiuasp ni Yana sa nanay niya.

"Anak, ikaw na nagluluto pa ako." Sagot ni Aling Sena.

"Sige po ako nalang."

Bumaba ng bakal na hagdanan si Diana at lumabas sa bakal na pintuan. Naglakad siya sa compound at binuksan ang gate, nagulat siya sa kanyang narinig,

"Sa wari ko'y
Lumipas na ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo'y babawi na

Muntik na
Nasanay ako sa 'king pag-iisa
Kaya nang iwanan ang
Bakas ng kahapon ko."

Inabot ni Ken ang mga pulang rosas kay Diana. Nagabot ng teddy bear na kulay asul. Sabay sa pagkanta ni Ken ang mga sumasayaw na mga dancer. Maririnig din ang magandang tugtog ng musika mula sa gitara ang tatay niya Nakasuot ang mga dancers, ang tatay niya ng puting damit na nakalagay ang mga mukha niya at ni Diana na magkasama.

"Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin"

Iniabot ni Ken ang kanyang kamay kay Diana.

Tuloy sa pagkanta si Ken.
Sabay tugtog ng gitara

"Kung minsan ay hinahanap
Pang alaala ng iyong halik
Inaamin ko na kay tagal pa
Bago malilimutan ito"

May iniabot ang mga dancer kay Diana na mga tig-iisang puting rosas.
Itinuloy muli ang pagkanta. Sabay tugtog muli ng gitara

"Kay hirap nang maulit muli
Ang naiwan nating pag-ibig
Tanggap na at natututo pang
Harapin ang katotohanang ito."

Naglabas ng mga placard ang mga dancers na nagsasabing,

"W I L L Y O U B E M Y G I R L F R I E N D?"

Napaiyak si Diana, napalagay ng kanyang mga munting kamay sa kanyang mukha at bakas sa kanyang mga mata ang kasiyahan. Niyakap niya si Ken, at sinabi ang magic word na, "OO."

Niyakap ng mahigpit ni Ken si Diana at hinalikan sa Noo.

"I love you bes, ay hindi na pala bes, babe, na pala." Kinikilig na sabi ni Ken

Pumasok ng bahay ang dalawa at mas nagulat si Diana sa kanyang nakita. Nasa loob ng bahay ang kanyang Tatay na apat na taong hindi umuuwi sa Pilipinas. May cake at mga pagkain na nakalagay sa kanilang kahoy na lamesa at may poster sa pader sa likuran ng TV na nakalagay ang mga salitang, "CONGRATS ANAK, DALAGA KA NA."

Naiyak lalo si Diana, at niyakap ang kanyang tatay na pagkahigpit higpit.

"Pa, salamat po, miss na miss ko po kayo, ang tagal niyo pong nawala." Naluluhang sagot ni Yana.

"Wag ka sakin magpasalamat anak, kay Ken. Dahil sa kanya nakauwi ako dito."

Niyakap ni Diana ng sobrang higpit si Ken at sinabing,

"Thank you for all beb, nasurprise ako kasi ako talaga yung nagpaplanong manligaw sa'yo kasi gusto kong baguhin yung tradisyong lalaki ang laging nanliligaw. SUPER SUPER SAYA KO TALAGA. Sobra sobra na 'tong ginagawa mo sakin. Pati si Papa nagawa mong papuntahin dito. Super daming mga ginawa mo na sa akin. I love you talaga beb." Ang isang napakasayang mensahe ni Diana.

"Ako nga ang dapat magpasalamat eh, dahil sayo tinuruan mo akong tumayo sa mga sarili kong paa, dati umaasa lang ako kay Tatay. Ngayon ginagawa ko na lahat, buhayin ko lang ang sarili ko. Atsaka ginawa ko lang lahat ng ito dahil mahal na mahal kita. I love you beb." Ang mapagmahal na itinugon ni Ken

Nagsabi ang magulang ni Ken na,

"Osge, ituloy ang kasiyahan!! Magsi kain na tayo!!" ang pabiro paring sabi ng tatay ni Ken.

"Awwww, grabe naman pala yung effort na ginawa ni Ken no' Lo. Sobrang mahal niya talaga si Diana." Ang naiiyak nang sagot ni Ricci

"O wait lang wag ka muna umiyak meron pa." ang pangaasar ng Lolo.

"Hindi naman ako naiiyak eh." Depensa ni Ricci sa sarili

"Sus, kunyari pa." sabi ni Mang Crispin

"O eto na."

Fast forward,

Matapos ang apat na taon ng kanilang pagsasama, ikinasal ang dalawa, at nagkaroon sila ng isang anak na lalaki. Nakatira sila sa bahay ng Tatay ni Ken.

Isang gabi, habang natutulog ang mag-asawa, may mga kaluskos ang maririnig. Maririnig ang mga kahol ng aso. Sinumpong nanaman ng sleepwalking si Diana. Nakalimutang ilagay ni Ken ang double lock nila sa pintuan. Tumayo mula sa pagkakahiga si Diana at naapakan niya ang laruang hot wheels ni Ken. Nadulas si Diana. May lagabog na narinig si Ken at naalimpungatan siya. Bumaba ng hagdanan si Diana, walang sino mang nakamalay na bumaba siya ng hagdanan. Binuksan niya ang pintuan, inikot ang doorknob. Lumabas ng pintuan dumaan malapit sa fountain at sa mga malasosyal na damo. Binuksan ang itim na gate. Sa pagkakataong ito, hindi na kahol ng aso ang maririnig, tila busina ang isang malaking kotse. Mabilis ang takbo nito. Nagising si Ken, hinanap si Diana, binuksan ang bintanang kahoy na sarado. Nakita niya si Dianang palabas ng Gate. Sinigawan niya ito. Dali-daling bumaba si Ken Lumabas ng gate si Diana derederetso. Sa isang iglap, ang taong pinakamamahal at ni Ken ay nawala, kinaladkad ng trak ang katawan ni Diana, at nagkalasog lasog ang katawan, lumabas na ang buto mula sa katawan ni Diana. Dali-daling pumunta si Ken sa katawan, niyakap at umiyak ng umiyak. Yan ang malungkot na panaginip ni Ken. Nagising si Ken. Sa kanyang pag gising ay nakarinig siya ng kalabog at busina ng tila isang trak na nagmamadali. Hinanap niya si Diana. Sumilip siya sa bintana, maraming mga tao ang nagkakagulo. Lahat sila nakasilip sa gate ng bahay nila Ken. Tinuturo nila ang isang babaeng tila nakalutang. Hinanap niya si Diana. Paglabas niya ng pintuan ay dali-dali siyang bumaba. binuksan ang pintuang maraming padlock. Madilim, malansa, mabaho, amoy ng nabubulok na bangkay. Amoy dugo, sa hudyat at pagkakabukas ni Ken sa huling padlock, agad nitong tinulak ang pintuan. Sa kanyang paglabas ay napatigil siya sa pagtakbo, tila nawalan ng lakas si Ken sa kanyang nakita at lumupasay. Nakita niya ang isang babaeng nakabitin. Walang malay. Suot-suot nito ang damit ng kanyang pinakamamahal na asawa. Walang ibang nagawa si Ken kundi umupo sa ilalim ng nakasabit na katawan habang makikita ang mga patak ng dugo na nanggagaling sa kanyang leeg.

"LOLO! Anong nangyari dun kay Diana?" Ang naguguluhang tanong ni Ricci.

"Si Diana ay ang....." naputol ang sinabi ni Mang Crispin

Nakita ni Ricci na tumigil sa pagbubuhat ang kanyang ama. At tinawag si Ricci.

"Nak, panahon na para malaman mo."

Binuksan ng tatay ni Ricci ang pintuan, tumambad sa kanyang mga mata ang mga laruang hot-wheels, hot wheels na unan, at hot wheels na kumot. Nakita niyang may kwintas ang nakasabit sa pader.

Humagulgol sa iyak si Ricci.

"Tinanong mo sa akin noon, kung anong nangyari sa iyong Mommy." Malungkot na sabi ng tatay ni Ricci.

"Mukhang nasagot na ni Tatay Crispin ang mga tanong mo."

-bؼLL

Isang Malaking BiroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon