Lihim na motibo

1.3K 16 0
                                    

Parati silang lumalabas at kumakain, tuwing may problema si Diana lagi siyang pinapasaya ni Ken.

Isang araw, sa bahay nila Diana, nagbibihis sa itaas si Diana at nasa ibaba si Ken. Habang iniintay ni Ken si Diana ay nagkwento ang magulang ni Diana kay Ken.

"Alam mo ba Ken, ang lungkot lungkot niyang anak ko, pero pagdating mo nagiba ang awra niya. Mas sumaya siya, pero sana wag mong layuan ang anak ko pagnalaman mo itong sasabihin ko."

Nagulat si Ken,

"Ano po iyon tita?"

"Si Diana kaya wala masyadong nanliligaw diyan, at hindi na tinutuloy ang ligaw pag sinasabi ko ito. Nagsesleep walk si Diana. Kaya yung pintuan naming bakal puro padlak para hindi siya makalabas, hindi niya pa alam na nag sleep walk siya. Sa katunayan nga dinadala niya yung mga gamit tuwing lalabas siya at maiiwan niya ito sa labas, kaya sinasabi nalang naming na ninakaw yung mga gamit." Pag papaliwanag ng nanay ni Diana.

Dahil sa narinig ni Ken, nagulat ito at hindi maipaliwanag ang damdamin. Naalala niya ang kwintas ni Diana.

"Sana walang magbago sa pagtingin mo sa anak ko. At isa pa nga pala nung two years ago, kamuntikan na marape si Diana dahil sa kanyang pagsesleep walk. Nagulat na lamang kami noon na umuwi siya sa amin nang umiiyak." Sabi ng magulang

"Ha! Two years ago? Walang naikekwento sa akin si Diana na ganung bagay ah? Wala pa siya sa aking nababanggit na muntik na siyang marape."

"Hindi pa ba niya sa iyo nakukwento?"

"Opo, nakilala niyo po ba yung nangrape sa kanya?"

"Hindi eh. Hindi na niya maalala dahil nga nagsleep lang daw siya nun at nagising daw siyang may humahalik sa kanyang lalaki."

"Sige po siya nalang po ang tatanungin ko."

"Basta walang magbabago sa pagtingin mo sa aking anak ha!"

Biglang tinawag ni Diana ang magulang niya.

"Ma! Nasan yung pulbos ko?" ani ni Diana

"Hanapin mo baka nandiyan lang." tugon ni Nanay Sena

"Opo, wala pong magbabago sa pagtingin ko kay Diana." Tugon ni Ken kay Aling Sena.

Bumaba si Diana sa hagdanan at sinabihan si Ken na aalis na.

"Sige po Tita alis na po kami!" paalam ng binata

"Ma, alis na kami." Paalam ni Diana.

"Sige magiingat kayo ha!" pagpapa alala ni Aling Sena.

Pumunta sa star city ang dalawa. Alingawngaw ng mga kotse ang maririnig. Matrapik. At tirik ang araw. Habang nasa bus ang dalawa ay nabanggit ni Ken kay Diana ang nabanggit ni Aling Sena sa kaniya.

"Diana! May tanong lang ako."
"Ano yun ken?"

"Nabanggit sa akin ni Tita na muntikan ka nang marape? Wala ka pang naikukwento sa aking ganun."

"Hindi ko pa ba nakukwento iyon sa'yo?"

"Oo hindi pa eh."

Nabagabag ang damdamin ni Diana dahil naalala niya ang karanasan noong gabing iyon.

"Sige ikukwento ko."

"Diba nagsesleep walk ako? Lumabas daw ako nung bahay noong dis oras ng gabi. Tapos namalayan ko nalang nasa kalsada na ako tapos parang may humahawak sa puwet ko tapos may yumayakap sa akin sa likod pagkatapos ay idinidikit iyong ari sa aking likod."

Isang Malaking BiroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon