Papasok na ako!

1.8K 19 1
                                    

Naglakad pabalik si Ken. Minasdan ang kuwintas na napulot. Kumikisap ang mga matang nangungulila. Malungkot na pumara ng jeep at sumakay.

Madilim at patay-sindi parin ang ilaw ng iilang poste. Tahimik ang kapaligiran. Tanging tunog ng jeep na sinasakyan ang maririnig. Alas tres na ng umaga.

Bumaba si Ken sa tapat ng isang bar. Maraming mga ilaw na iba ibang kulay and nagmumula sa bar. Sa tabi ng bar ay may madilim na eskinita. Pumasok dito si Ken. Napakabaho ng eskinita. Sumisingaw ang amoy ng kanal na nasa gilid nito. Naglalakad si Ken at nakalabas na ng eskinita. Paglabas nito ay makikita ang isang daanan na ang pangalan ay Ibarra. Naglakad si Ken papunta sa isang lumang bahay na may itim na gate. Sinusian ang padlak ng gate at pumasok sa compound. Pagpasok ng bahay ay makikita ang fountain sa gitna at mga tanim na sosyal na damo. Ang bahay ay maraming mga plaque at mga certificate. Maraming mga painting ang ibaba, at medyo luma na ang mga kagamitan. Gawa sa kahoy ang kanilang lamesa at upuan. May tatlong kwarto ang bahay. Ang unang kwarto ay malapit sa hagdanan ang isa ay nasa baba at ang isa ay nasa tapat ng unang kwarto.

Pagpasok ng pintuan ni Ken ay inilapag ang ibinulsang kuwintas at umakyat sa kahoy na hagdanan. Derederetso sa kwartong puro laruang hot-wheels ang makikita. Ang kisame puno ng sticker ng hot-wheels, ang unan, hot whels ang kumot hot-wheels. Pagpasok ni Ken sa kwarto ay nahiga ito at nakatulog.

*Tumunog ang alarm clock*

Alas Dyis na ng umaga. Late na si Ken at alas dyis rin ang pasok niya. Nagising si Ken at tiningnan ang orasan.

"Hoy KEN! Kanina pa nag-aalarm yan! TUMAYO KANA ALAS DYIS NA!" galit na sabi ng Tatay ni Ken.

"Shet, late nako!!!!!" ani ni Ken.

"Ay hindi, di ka pa late, alas dyis na eh." Pang-aasar pa ng tatay sa kanya.

Dali-daling tumayo si Ken, gulo-gulo pa ang buhok at may mga muta pa. Kinuha ang tuwalya at pumasok ng banyo.

Habang naliligo sa banyo ay iniisip ang mga ala-ala ng gabing nagdaan. Sumangguni sa kanyang isipan ang kanyang bag na dala-dala. Napagtanto nito na naiwan niya ito sa daanan. Dahil dito ay naginit ang kanyang ulo.

"Tangina naman oh! Siguradong wala na dun yung bag ko. Napakahalaga pa man din ng bag ko na yun."

*After 3-mins*

Lumabas ng banyo si Ken, nagbihis ng uniporme kinuha ang medyas at derederetso sa lamesa na nakahanda na ang ulam na Hotdog, pandesal, scrambled egg at tuyo.

"Bilis maligo ah, ano yan? Walang sabon-sabon?" pangaasar pa lalo ng tatay.

"Tay naman-late na nga ako eh." Sagot ni Ken habang puno ang bunganga ng pagkain.

"Gamitin mo na yang mga hot-wheels mo para mabilis kang makapasok." Ha ha ha.

"Nako tay, hahaha nanloko pa."

Dali-daling bumaba si Ken sa kahoy na hagdan dala-dala ang kanyang bagong bag, umupo at nagmedyas. Bumalik ulit sa taas upang kunin ang kuwintas at kinuha ang kanyang Easy Hard na sapatos.

"Alis na ako tay!!" paalam ng binata.

Lumabas ng pintuan ang binata at palabas na ng gate nang tinawag siya ng kanyang tatay,

"Saglit lang! May naiwan ka!" sagot ng tatay.

Dali-daling bumalik si Ken.

"Naiwan mo yung bakas ng paa mo! Ha ha ha ha!"

"TAY NAMAN! LATE NAKO OH!" pagalit pero natatawang sagot ni Ken.

"Sige ingat ka anak!" sagot ng tatay.

Isang Malaking BiroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon