To the Rescue!!!

2.3K 24 4
                                    


Alas-onse na ng gabi, at nagsasara na ang mga tindahan sa paligid ng lugar. Madilim na at wala na masyadong tao sa paligid. Bumalik na sa pagpupunas ng salamin si Ken. Nagpasalamat si Diana sa comfort sa kanya, Tumayo siya at sinabing,

"Sige aalis na ako, meron pa kasi akong gagawin." Kinuha niya ang kanyang mga gamit, hinigop ang natirang tubig sa kanyang baso at naglakad palabas nang nakayuko."

Nagpaalam na rin si Ken sa dalaga. Bakas ang ngiti sa kanyang mukha.

Nagmamadali si Diana na lumabas ng restorant, pumara ng jeep at sumakay.

"Tol, parang hanggang tenga yang ngiti mo ah?" sabi ng bestfriend ni Ken.

"Syempre, may napasaya nanaman ako eh." Ang masayang baling niya sa bestfriend.

Tumawa ang katrabaho niya at sinabing, "Nangbreezy ka lang eh!"

"Walang ganun pre! Pinasaya ko lang talaga siya. Ikaw na rin nag sabi na puntahan ko siya." Mahinahong sagot niya.

"Sus, porket maganda lang eh." paasar na sagot ng bestfriend niya.

Nagsi-alisan na ang mga tao sa Mcdo, alas-dos na ng madaling araw, patay na ang mga ilaw ng mga katabing tindahan. Wala na ding mga tao sa lansangan. Tanging ilaw na lamang ng restorant at ng LRT station ang makikita sa Taft. May mga kahol ng aso ang maririnig. Galing ito sa sira-sira at lumang bahay sa tapat ng isang bakery shop. Nakalaylay ang mga linya ng kuryente. Nagkalat ang mga bote ng alak. Mga jeep na nakaparada. Nakakatakot ang lugar.

Nagligpit ng mga gamit si Ken, nagpalit ng damit, nagpaalam ang kanyang bespren na mauuna na sa kanyang umalis. Nagpaalam si Ken, inilagay ang kanyang diary, inilagay ito sa kanyang Johnsport na bag, ibinulsa ang sampung pisong buong barya na pamasahe nito, nagpahinga sandali at nagpaalam sa Manager at mga katrabaho na uuwi na. Lumabas ng Mcdo. Nagabang ng masasakyang jeep, ngunit walang mga sasakyan na dumadaan. Nagdesisyon siyang lakarin ang madilim at mabahong kalsada ng lugar. Makikita ang mga iniwang stall ng mga street vendor sa kalye. Patay-sindi ang ilaw ng poste sa Street. Maya-maya ay maririnig ang takot na sigaw ng isang babae, nakatayo malapit sa poste at hindi makadaan. Napahinto siya sa paglalakad. "**** May nangangailangan ng tulong."

"It's my chance to shine, Bwahahaha! Tsansa ko nanaman to para makatulong." Ani niya.

Ibinaba niya ang kanyang mga gamit. Inayos ang kanyang damit at kumaripas ng tumakbo si Ken, tumakbo, sa kanyang pagtakbo ay unti-unti niyang natatanaw ang nanlilisik na mga mata ng aso habang tumatahol. Unti-unting bumabagal ang takbo ni Ken, tumigil siya sa pagtakbo at nagkakatitigan sila ng aso. Sa isang iglap ay tumakbo at hinabol si Ken ng aso. Sa takot ay kumaripas pabalik ang binata sa pinanggalingan. Tumigil ang aso sa paghabol at tiningnan na at tinahulan ang binatang parang kabayo sa bilis ng takbo. Unti-unting bumalik ang aso sa pinanggalingan, at sa kanyang pagbalik ay nakita niya ang babaeng nakatayo at tila takot na takot tinahulan niya ito at tila susunggaban.

Matapos tumakbo ay hinihingal na si Ken at pinagpapawisan. "Phewww, kinabahan ako dun ah!"

Habang hinahabol ni Ken ang kanyang hininga ay natanaw niya ang babaeng nakatayo at nakayuko malapit sa poste ng ilaw. Nakaharap kay Ken ang babae. Makikitang tila walang reaksiyon ang babae sa asong tumatahol mula sa kanyang harapan.

Sumigaw mula sa kinatatayuan si Ken at sinabing,

"Ate? Okay lang po ba kayo?"

Hindi sumagot ang babae, tumalikod at naglakad na parang walang nangyari. Sa paglalakad ng babae ay kumuha ito ng panyo galing sa kanyang bulsa at pinunasan ang kanyang pisngi, sa kanyang pagkuha ay may nalaglag mula sa kanyang bulsa. Hindi ito napansin ng babae. Nakita ni Ken na nalaglag ang kwintas at agad-agad niyang pinuntahan ito. Palapit nanaman si Ken sa lumang bahay na may aso.

"Ayan nanaman yung aso, dahan-dahan lang ako maglalakad." Ani ni Ken.

Dahan-dahan na naglakad si Ken. Tumawid siya sa kabilang kalsada at nagtago sa mga nakaparadang jeep. Sumangguni sa isip ni Ken ang mga mata ng aso nang sila ay magkatitigan. Madilim parin ang paligid, sa kanyang pag-iingat ay hindi niya napansin ang bote ng alak at nasipa ito. Napatingin ang aso sa may Jeep at kumahol.

"Sh*t, yari ako neto, pag-lumapit talaga tong aso hahampasin ko talaga to gamit ng bag ko." Sabi ni Ken sa sarili.

"Hahahaha, Lolo ganyan ba talaga katakot si Ken sa aso?"

"Ha ha ha apo ganyan talaga, lahat na masasabi mo pagtakot ka, ako nga nasabi kong mahal ko ang Lola mo dahil natakot ako sa kanya eh."

"HAHAHAHA si Lolo ang tanda-tanda na humuhugot pa."

"Ha ha ha, bata pa kaya ako apo. Wala pa akong puting buhok oh."

Tiningnan ni Ricci ang ulo ng Lolo na kahit isang hibla ng buhok ay walang makikita.

"HAHAHA Lolo, Wala ka ngang puting buhok, pati rin itim wala na. HAHAHAHA." Pang-aasar pa ni Ricci sa Lolo.

"Sige na nga itutuloy kona, baka kung saang buhok pa tayo mapunta." Pagbibiro ng Lolo.

Tumigil ang aso sa pagkahol at itinuloy ang pagkain sa tira-tirang buto. Nagpatuloy sa paglalakad si Ken, nakalagpas siya sa aso at dali-daling pumunta sa nalaglag na kwintas.

"Ul*l ka, kala mo maiisahan mo ako!" pagmamayabang ni Ken sa aso.

Kinuha niya ang kwintas, parang namumukhaan niya ito.

"Parang nakita ko na 'tong kwintas na 'to?" tanong niya sa sarili.

May pagkahawig ang kwintas na ito sa babaeng kanyang nakilala.

"Ahhhh, kay Diana 'to ah?"

Tumakbo si Ken. Dinaanan ang maduming kalsada ng Taft. Sinubukang habulin si Diana ngunit hindi na niya ito nakita.

"Nasan na kaya iyon? Kakaalis lang nun ah?" pagtataka ni Ken.

"Sana pumunta ulit siya bukas, para maibigay ko ito sa kanya."

Isang Malaking BiroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon