TFI♥4

27 1 0
                                    

- Venus -

" Hey Princess ? " umalingawngaw ang boses ng isang lalake sa loob ng cafeteria.

Nang nilingon ko si Iris ay nakita ko ang mukha niyang gulat na gulat na animo'y nakakita ng multo. Hinay-hinay niyang nilingon ang taong tumawag sa kanya ng "princess". Boyfriend niya ata. Nakakainis naman 'to si Iris. Masyado akong blind sa buhay niya, samantalang siya ginagawa akong open book. Psh.

" What the hell are you doing here kuya ? " mahina niyang sinabi

" Binibisita ang school ko at pinuntahan na rin ang kapatid ko. " pasimple niyang sinabi.

Biglang napaupo ng di oras si Iris. Kaya naman nilingon ko na ang kapatid niya na itinago niya sa akin. Naaninag ng mata ko ang isang napaka-poging nilalang ! Expressive eyes. Dimples. Ilong. Labi. Mukha. LAHAT ! PERFECT ! Halata ngang magkapatid sila ni Iris. Pero biglang nag flashback sakin ang nangyari kagabi. Dininig ba ni Lord ang prayers ko ?

" Hey ! It's you ! Yung mataray na babae sa mall ! " sigaw nung kuya niya na halos magbunyi na sa tuwa.

" M - magkakilala kayo ? " taas tonong tinanong ni Iris sa'kin.

" Uh. Oo Iris. S - sorry. Di ko naman alam eh. " pag-eexplain ko kay Iris na umuusok na ang ilong,

Natahimik ulit ang cafeteria. Nagbulong-bulungan ang mga estudyante. Parang kaming nasa taping ng isang koreanovela. Nanlalamig na ako dahil alam kong mapapatay ako ni Iris nito.

" Bro ! Andito ka lang pala ! Tss. Pina-ikot mo pa ako sa campus eh ! " rinig kong sigaw ng isa nanamang boses na mula sa likuran ko.

Nakita kong nag bago ang expression sa mukha ni Iris. Nilingon ko iyon at nakakita ng another laglag-panty na nilalang. Seriously ? Sino naman to ? Bunsong kapatid nila ? Imposible ! 

" Tss. Kainis ka bro ! Ayan na oh ! Enrolled na tayo. " sabi nito at inabot sa kapatid ni Iris yung forms.

" Sis oh, dala ko pala si Drew. " nakangiting sabi nung kuya ni Iris.

" Whatever kuya. " irap ni Iris dito at hinawakan ako. " Now if you'll excuse me, may gagawin pa kami ng bestfriend ko. Let's go Venus. " dire-diretso niyang sinabi at hinila ako palabas.

Naglakad lang kami ng naglakad. Malalaki at mabibilis ang hakbang ni Iris na animo'y hinahabol ng aso. Wala na akong nagawa't tumahimik nalang. Napadpad kami sa gazebo sa gitna ng greenhouse. Nilantakan namin yung isang pint nga chocolate ice cream na binili namin bago kami nakarating dito. Venus-Iris 101 : Pag may ice cream, may problema.

" Spill ! bruha ka ! " sigaw niya't inirapan ako.

" Mas bruha ka ! Haba ng hair mo ! Ang gwapo nung Drew tapos may pa walk-out ka pang nalalaman ! Hiyang-hiya naman ako sa ganda mo te ! " bulalas ko sa kanya.

" Eh ! Andaya ! Don't change the freakin' topic. Pano ba talaga kayo nagkakilala nung kuya ko ? " she asked habang isinusubo ang kutsara.

" Well. " panimula ko. " Naalala mo nung nagpa-alam akong may date ako ? "

" Oo at pinagsisihan ko yun. " pange-epal nito.

I threw an icy glare on her. Awtomatiko niyang tinaas ang kamay niya. " Ok ! Ok ! Di na eepal ! Sorry. " sabi niya pa.

" Si Andy yung ka date ko. Diba siya yung boyfriend ni Sam ? " tanong ko at tumango naman siya. " Nagkita si Sam at Andy sa mall. Nakita ni Sam na magka-date kami at nakita rin ni Andy na magka-date si Sam at ang kuya mo. " dire-diretso kong sagot.

" Ahh ! Kaya pala matagal siyang naka-uwi ng bahay. Mas nauna pa yung mga luggage niya. " pagmomonotone ni Iris.

Hinarap ko ang gaga at ngumiti sa kanya. Biglang nag bago ang facial expression niyang maliwanag na mukha to kunot noo, taas kilay at naka-nguso.

" What ?! Stop looking at me like that. Creepy tingnan. " irap niya.

" Uyy ! Bumalik na yung Drew niya ! Wee ~ " sigaw ko't kiniliti siya.

" Shut up ! Baka may makarinig sayo ! " sabi niya at sinapok ako.

" Bagay na bagay kayo ng crush mo Iris ! Yiie ! " tukso ko.

Tawa lang ako ng tawa kasi namumula na si Iris. Halatang kinikilig ang gaga. Masaya ako para sa kanya. Hindi na siya mag-iisa. Ang parents niya kasi ay sobrang busy. Hindi rin sila nakatira dito sa Pilipinas. Mayaman din ang pamilya nila Iris. Sikat sila sa ibang bansa tulad lang ng pamilya namin. 

" S - sino naman yung crush mong yun Iris ? " umalingawngaw sa greenhouse ang boses ng isang lalake.

*  *  *  *  *  *  *  *  *

" Iris ? Sino ba kasi yung crush mo ? " iniluwa ng double doors ng gym ang pawis na pawis na pagmumukha ni Drew.

" Later nalang Drew. May gagawin pa kami. " pagdadahilan ko tsaka hinila si Iris.

" Thanks for saving me -- AGAIN. Kahit na ikaw at ng madaldal mong bunganga ang may kasalanan. " sabi niya sakin ng makalayo kami.

" Duh ! Iris ! Wala ka bang nahahalata ? He's interested sa'yo. " sabi ko

" I knew him since the day I was born Venus ! Wala silang pinagkaiba ni kuya ! " sigaw niya. "  Thanks sa paghila sakin. Gotta go, may klase pa ako. Babooo. " dagdag niya at  umalis.

Hay. Sorry nalang talaga kay Drew dahil mas manhid pa sa bato si Iris at mas tanga pa ito sa lahat ng tao sa mundo.

Naglakad na ako papuntang next class ko pero bigla akong hinarang ng kumag na gwapo.

" Ano ang kailangan mo ? " taas kilay kong tanong.

" Venus Thalia San Miguel Gomez. A goddess. A playgirl. A dean's lister. A part of the student council. A partygirl. A brat.  " nagsitindigan ang balahibo ko sa sinabi niya. " Pinagsama-sama ang positive and negative attitudes . Kaya intreresadong-interesado akong MAKIPAGLARO sayo. Sino ka ba talaga ? The Sweetheart or The Heartbreaker ?" dagdag niya.

" Whatever. " I simply said at nagsimulang maglakad.

" Since the day we've met nakatutok na ang lahat ng camera ko sayo. " sigaw niya at tumawa pa ng mahina. " Wala ka nang kawala. "

Mabilis ang lakad ko. Kumakabog ang puso ko. Nanlalamig ako.

Sino ba talaga si Nyx Anthony Valdez ? Ba't nung dumating siya sa buhay ko, I FEEL THREATENED ?

- - - - - - - - - -

Ayan na guyss :D

Salamat po talaga sa mga nagbabasa jaaaan !

Sorry sa errors, grammar and mistakes. 

BTW. Drew&Nyx ---- >

Vote,Share&Comment

Loveeelots Guys 

~ Dee

They Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon