TFI♥9

11 0 0
                                    

- Venus -

Agad kumalat ang rumors na wala na kami ni Nyx. Pero ewan ko ba kung bakit naiimbyerna ako. Tss. I'm totally infected by Nyx and Iris' weirdness.

" Venus ! Lunod na lunod kana jan ah ! " sabi ni Iris at padabog na inilagay ang tray niya

" Tss. Asan si Drew ? " tanong ko

" Nasa room. May kalandian. " simple niyang sagot.

Aba bilib din ako sa gagang 'to ano. Di uso ang salitang selos. Eh sakin nga nagse- 

AY DI AH ! TSS. Nang nilingon ko si Iris ay busyng busy na siya sa pag kain ng veggie salad na binili niya. Tumunganga lang ako at biglang naisip si Nyx. Si Nyx na wala dito. Si Nyx na may kalandiang iba. Si Nyx na gwapo. Si Nyx na nasa isip ko. Si Nyx na -

" Hoy ! " sigaw ni Iris

" Ay Nyx ! " gulat kong nasabi. " Ano ba ! Nanggugulat ka ! Tss. " dagdag ko at inirapan siya.

Aba matinde. Mag te-trenta minutes ko na pala iniisip ang gagong yun. Tss. How did I even stand that ? RAWR.

" Tara na kasi ! " irap niya pabalik at tumayo.

Nag lakad na kami ni Iris pabalik ng classroom. Pagkapasok naming ay bumungad agad si Kris na may malapad na ngiti. Nahagip ng mata ko si Nyx at Drew na nagtatawanan sa gilid habang kasamang kausap si Loiza at Rika.

" Hi Venus ! " bungad ni Kris.

" Hi " bored kong sagot

Sa pagkakaalam ko ay di kami classmates ni Kris sa subject na 'to.

" May kailangan ka ? " tanong ko at inilapag ang gamit ko sa upuang katabi ni Iris na nakasubsob ang mukha sa desk.

" Uhh. A-ayain sana kitang lumabas eh. Kung ayaw mong tayo lang pwede mo naman dalhin si Iris. " nakangiti niyang sinabi.

Nahagip ko ulit si Nyx na napalingon sa gawi namin. Iba na ang ekspresyon ng mukha niya na dahilan ng pagbubunyi ko sa aking kaloob-looban.

" Ehhh - " magsasalita pa sana ako nang biglang umepal si Iris.

" SURE ! DALHIN MO YUNG KABARKADA MONG SI HANZ ! CRUSH NA CRUSH KO YUN EH ! HAHAHA ! " pasigaw niyang sabi at niyugyog pa si Kris.

Weirdong babae. Sa pagkakaalam ko si Drew crush nito eh. Tss. Tsaka si Hanz ? Sa pagkakaalam ko ang lalakeng yan ay may crush kay Iris eh. Pero noon pa yun. Last sem. Ewan ko lang kung hanggang ngayon.

" Ah sige ! Itext ko lang kayo kung anong oras at saan bukas. " sabi niya at umalis na.

Tumalikod na si Kris at naglakad palabas ng room. Inayos ko muna ang damit ko bago naupo sa tabi ng bestfriend kong nakatulala ulit.

" Problema mo ? " tanong ko.

" Wala. " sabi niya't ngumiti pa pero bigla itong nawala nang umepal si Drew.

" Crush mo pala yun ? Payatot naman yun eh. " aniya't tinitigan ang maganda kong kaibigan

They Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon