TFI♥7

13 0 0
                                    

- Venus -

// Where the hell are you ? //

Napatunganga ako sa harap ng salamin ng sinagot ko ang pangatlong tawag ni Iris.

Nandito parin ako sa Hell Room.

" S-sa student council room, Iris. "

// Halika na dito ! Natatalo na ang red team. //

" Bakit naman ? "

// Hindi maka concentrate ang kuya ko kakahanap sayo ! Tss. //

" G-ganun ? "

// Gaga ! Halika na ! Nagmumukhang giraffe si kuya kakataas ng ulo. //

" P-pero Ir -- "

// Dapat in 5 minutes andito kana or else hindi kita papansinin //

* Toot toot toot *

Pagkababa ng tawag ni Iris ay napaharap ako kay Karl na nakatayo sa likod ko.

" Karl ayoko na. Back --

" Wag na wag na wag kang magkakamaling magback-out Venus. Paparusahan kita. Big time. " sabi niya

Agad akong napairap.

Masyadong showy ang damit namin. Tube top tapos micro miniskirt.

" Ok guys ! Natapos na ang 2nd quarter. Labas na kayoo. " bungad naman ni Jude

Tumayo na ako at sumabay sa paglalakad nina Clara. Hindi naman ako kinakabahan dahil sa mga tao titingin sakin. Kinakabahan ako kay Iris.

Kay Iris nga ba ? O sa kuya ? 

Tss. Napasimangot ako sa thoughts na nabuhbuo sa utak ko. I'm so weird ! Ugh. Nahawa na yata kay Iris at Nyx.

Nagising na lamang ang diwa ko nang makarinig ng mga estudyanteng tumitili.

" Presenting the muses of the different teams ! " sigaw ng Emcee

Ngumiti ako habang naglalakad papasok.

" ANG HOT MO VENUS ! "

" Tss. Nagpula ka pa talaga ! BITCH ! "

" WOOOH ! YAN ANG GUSTO KO ! "

" WOW CLARA ! "

" IKAW NA RIZ ! "

" Ang flat mo Jas ! HAHAHA "

" NAKAKAGANA MAGLARO ! "

" WOOOOOH ! "

" PANG FHM ! "

Sari-saring kumento ang narinig ko. Mapa negative man o positive.

Pinaupo kami sa respective team areas namin. Habang naglalakad papunta sa area ng red team ay nahagip ng mata ko ang mala-"Death Glare" na titig ni Nyx. Umiwas agad ako ng tingin at dumeretso sa upuan.

" Bwiset ka ! " irap ni Iris ng maka-upo ako.

" Sorry naman. Napilitan lang ee. " paliwanag ko.

" Yeah whatever. " sabi niya.

Nagpatuloy ang laro. Naging dikit ang laban pero sa huli ang red team ang nanalo.

They Fell InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon