Diba ako ang nanalo saming dalawa ni Allan?!
Diba?
DIBA?!
Yan ang akala ko. Huhuhuhuhu T___T
It's been a month mula ng magawa si ‘KEVIN'. At wala na akong narinig tungkol kay Allan except setting a reunion or get together naming magkakaklase ng 4th year college.
Right now nakasakay ako sa taxi (nasa talyer sasakyan ko eh) papunta sa venue. Sabi nila sa bar daw gagawin kung saan kami madalas gumimik noon.
Malapit na ako sa lugar ng makatanggap ako ng tawag na muntik ng nagpabaliw sa akin.
*KRIIINNNGGG KRIIINNNGGG*
"Hello?"
"OMG! OMG!"
"Huminahon ka nga Lorraine! What happened?"
"Wag ka na pumunta dito."
"Bakit?"
"Alam na ni Allan. Alam na niya lahat."
"Lahat ng ano?"
"Si Kevin! Alam na niya na gawa-gawa mo lang si Kevin at wala ka talagang boyfriend."
Para akong nawalan ng dugo sa sobrang kaba. (☉_☉)
"Pa-pano?! Pano niya nalaman?!" (ᗒᗣᗕ)՞
"Narinig ko siyang kausap mga iba nating classmates pinahack daw niya sa mga I.T friends niya yung account ni Kevin."
"WHAT?! How dare he!"
"Alam na ng mga classmates natin! Ay hindi actually anim lang kami pero mapapahiya ka kung pupunta ka pa dito. Umuwi ka muna, puntahan nalang kita sa bahay mo."
"Pero malapit na ako eh! Bahala na nga. Ge bye."
Napayuko ako at tinakpan ng dalawang kamay ang mukha ko. Pero san ka nakakita ng reunion na pito lang (kasama ako) ang pumunta?
Hindi ko ineexpect na mangyayari to. Huhuhuhu o(╥﹏╥)o
"Miss. Miss? Nandito na tayo. Dito ka nalang bumaba, bawal kasi doon eh." Sabi ni manong driver
Hindi ako sumagot kahit na narinig ko siya.
Hindi nagkakasundo ang aking mga braincells. Scattered silang lahat ngayon kaya gulung-gulo ang utak ko.
Alam mo yung feeling na hindi ka nag review at natawag ka sa recitation. Sa sobrang takot at kaba mo nanlalamig at namamawis ang mga kamay mo na parang humihiwalay na ang iyong kaluluwa sa katawan mo.
Ganyan na ganyan ang nafifeel ko today. LECHE plan.
"Iha? Ok ka lang?"
"Mababaliw na po manong."
"Ha?"
May dalawang options na naman ako ngayon:
#1 Sabihin kay manong na ibalik nalang ulit ako sa bahay at hintayin si Lorraine na ikwento sa akin kung paano ako naging topic at nagtrending sa usapan sa reunion, at kung paano ako pinagtawanan ng mga kaklase namin dahil gumawa ako ng imaginary boyfriend at tuluyan ng iflush ang sarili ko sa inidoro (Phew...parang rap yun ah)
#2 Pumunta parin para iconfront mga kaklase namin lalung-lalo na si Allan at umasta na parang walang nangyari dahill "♪I’m bulletproof nothing to lose fire away fire away♪”
“Wala po. Eto ho yung bayad.”
At dahil medyo bad girl talaga ako option #2 na naman ang pinili ko.
Bumaba na ako. Malayo-layo din pala kung san ako pinababa ni manong. Pero ok lang din dahil kahit na pinili ko ang option #2 naglilimang isip parin ako kung tutuloy ba talaga ako o hindi.
BINABASA MO ANG
The Perfect Lie
HumorHave you ever told a LIE? For sure nag sinungaling ka na. Kasi ABNORMAL ka kung hindi.