THE NEXT DAY..............
Tumawag si Acosta at sinabi na susunduin daw niya ako sa bahay ng 8pm sharp. 8 pm sharp?? Matalim na alas otso? Chos! Hahahaha!
“Anong gusto mong ayos sa hair mo? Ikulot nalang natin no?” Tanong ni Jei. Dumating siya ng mga past 6: 20pm sa bahay.
“Hay naku Jei. Ikaw na bahala. Basta dapat magmukhang dyosa yan. Dapat matalbugan lahat ng nasa party mamaya.” Sabi naman ni Lorraine habang nagtetext
Pinakatingnan ako ni Jei “Natulog ka ba sister? Ba’t ganyan ang fes? Excited ka for tonight?”
“I know mukha akong zombie. Jusko. Di ako nakatulog...”
“Why?”
“There are so many scenarios that are playing in my head...God I’m losing sleep.”
Naiisip ko lang naman kasi na baka mapahiya ako sa mga tao dun. Alam mo yung tipong matapilok or madapa.
Ayokong mapagtawanan. Pag naman nangyari yon lulunurin ko talaga sarili ko sa limang litrong orange juice!
“Don’t worry. Foundation will do the trick.”
“Basta gusto ko mala FHM ang dating ng makeup hahahaha! Simple lang pero HOT. Nyahahaha!”
Past 7 na ata ng matapos si Jei sa hair and makeup. Sobrang daming foundation yata ang nilagay sa mukha ko to do the “trick” na sinabi niya dahil ang tagal lang bago natapos.
Sinuot ko na rin yung gown and shoes. Lumabas ako at humarap sa kanila.
“So...how do I look?”
“OHMYGEE! It’s as if you’ve fallen from heaven! Di nga lang white ang kulay ng gown pero gondo!” Sabi ni Lorraine at pinichuran ako
“Really?”
“Of course! Creation ko yan!” Sigaw naman ni Jei
*Dingdong*
“Hala. Si Acosta na yata yan.”
“Siguro nga.”
Si Jei yung nagbukas ng pinto at biglang sumigaw...
“Lo and behold a handsome lad just step inside your house!”
Nanlaki lang naman ang mga mata ko ng makita ko siya. Speechless ako pero ito talaga gusto kong sabihin
ANG HOT MO ACOSTA! LANGYA KA NAG EYEGASM AKO SAYO PUCHA! AHEHEHEHEHE!
Ssshhhhh the raging hormones!
He looked at me and said “Whoah...”
“Uy...nagandahan siya saken. Aminin....”
“What? Di ah.”
“Kung hindi ka nagandahan baket sabi mo “Whoah”?”
“Whoah...ang panget mo’. That’s what I want to say.”
“PAKYU KA!”
Natawa siya dahil nagalit lang naman ako ng todo. Sino ba naman ang hindi magagalit pag tinawag kang panget? Inayusan na nga ako ng 45 minutes eh!
Sumakay na ako sa sasakyan niya at iniwan na sina Jei at Lorraine sa bahay. Sa bahay ko daw matutulog si Lorraine kase umalis sina tito at tita. Kaya ayun sabi ko kitakits nalang pag uwi ko hahahaha!
BINABASA MO ANG
The Perfect Lie
HumorHave you ever told a LIE? For sure nag sinungaling ka na. Kasi ABNORMAL ka kung hindi.