Whoooossssshhhhh!
May something na malamig na nafeel kong nasa labi ko. Labi ba yon ni Allan?
Minulat ko ang aking mga mata and i saw this black rectangle thing na nakatakip sa labi ko.
"Screen ng phone?" Sabi ko sa isip ko
Tiningnan ko si Allan at nabigla rin siya sa nangyari. Hindi niya ako nahalikan!
YEHEY! Tayo'y magbunyi sa nangyaring himala! \(^▽^)ノ
Sino kaya ang anghel na pinadala ng langit para ako'y iligtas sa kapahamakan?
May isang lalaki na nakayuko at hawak ang isang cellphone na nakatakip sa labi ko. Diniin niya yung phone sa labi ni Allan para lumayo si Allan sa mukha ko.
Inalis na niya yung cellphone, tiningnan at nakakita ng bahid ng laway sa back portion nito. Nag kadiri expression pa nga siya at kinaskas ito sa pantalon niya bago linagay sa bulsa niya.
He's wearing a gray round necked t-shirt with black cardigan, jeans na di masyadong fit at red skater VANS.
Japorms siya men. (๑>◡<๑)
"Hoy sino ka?" Tanong ni Lance dun sa lalake
"Bakit ka nakikialam dito?" Tanong naman ni Andrew
Hindi sila pinansin nung lalaki, instead kinuha niya kamay ni Allan shinake hands at sinabing...
"Hi pare. I'm Kevin. Nice to meet you."
⊙_⊙
Tama ba ang narinig ko?
Kevin?
Kevin?
KEVIN?!
⊙▂⊙
KEV-- ok ok tama na. OA na masyado.
Natameme ako dahil sa sinabi niya. Lalo naman ang mga classmates namin. Natahimik sila. Eh diba alam nila na gawa-gawa ko lang si Kevin.
Gulung-gulo na naman ang isip ko dahil sa nangyari. Sumulpot ang lalaking ito out of nowhere and claimed na siya si Kevin. Si KEVIN!
Wala pa rin akong masabi, parang umurong ang dila ko at hindi ko maexplain ang gusto kong sabihin. Hindi man nag respond si Allan sa sinabi ng nagpakilalang Kevin. Shock parin siya hanggang ngayon.
Humarap yung lalaki sakin, he put his right hand on my cheek, kissed the right side of my head and said "Sorry honey. Natagalan ako, may binili ako dun e."
DUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG.
With the touch, the kiss and the word ‘honey', parang tumakbo ako sa marathon sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Panaginip ba ‘to? Imahinasyon? Ilusyon? O nababaliw na ba talaga ako?
Tiningnan ko siya.
Pinakatingnan ko siya.
Familiar.
As in.
San ko kasi nakita ‘to?
Inalis niya yung gray bonnet niya.
"Sandali nga lang. Linoloko mo ba ako ha? Wala naman talagang ‘Kevin' diba?" Back to life na si Allan "Gawa-gawa lang ni Anna yung Kevin." Dagdag pa niya
"Hahahaha!" Tumawa yung lalaki "Kung hindi ako totoo edi sana...nahalikan mo na siya (turo sakin)."
Kilala ko na siya!
Siya yung...
Yung lalaking kinausap ko sa labas ng bar kanina!! w(°o°)w!!
"Ginawa lang ni Anna si Kevin para masabi na may boyfriend na siya at wag ko na siyang ligawan. Magkano ba binayad niya sayo para sabihin mong ikaw si Kevin ha?"
Tiningnan ako ni Kevin (Kevin na tawag ko sakanya) at flashed that nakakaloko smile (gaya nung kay Lance) na parang sinasabing "Sasabihin kong kinausap mo ko kanina sa labas BWAHAHAHA!" And may i add, hindi ako naasar...kinilig pa nga ako eh.
(─‿─) ❤⃛
"Walang bayaran na nangyari dahil boyfriend niya talaga ako." Umupo siya at pumagitna saming dalawa ni Allan
"Pare, wag ka ng magpanggap. Dodoblehin ko kung magkano man ang binayad sayo ni Anna basta sabihin mo lang ang totoong pangalan mo."
"Patingin nalang ng I.D mo. Para magkaalaman na." Suggest ni Lance
Parang tinamaan lang ako ng kidlat sa sinaggest nitong Lance na ‘to. Tiningnan ako nung nagpakilalang Kevin with a worried expression.
PANO NA ‘TO?! NAKU NAYARI NA!! ⊙﹏⊙
BINABASA MO ANG
The Perfect Lie
Hài hướcHave you ever told a LIE? For sure nag sinungaling ka na. Kasi ABNORMAL ka kung hindi.