Nasa may lugar parin ako kung saan ako bumaba kanina. Nag-iisip pero parang walang iniisip.
Makapag selfie nga muna! Hehe ^__^v
"ANNA!"
"ANAK NG TOKWA!" Napatalon ako sa pagkagulat ( ゚Д゚)<!!
"Solid naman ‘to." (¬_¬)
"Malamang, alangan namang liquid." (¬▂¬)
"Ba't nandito kapa? Nasa loob na yata si Lorraine eh, may hinihintay ka?"
"Sige. Una ka na don Lance."
Humarap siya sakin na may nakakalokong ngiti at sabing "Hinihintay mo boyfriend mo? Hahahaha!"
LECHE plan talaga! \(>o<)ノ
Sa lahat ng bagay na kinaiinisan ko, yung ganong ngiti ang pinaka nakakapag pakulo ng dugo ko. Yung tipong pinaplastik ka nalang. 凸(ಠ_ಠ)凸
"Una ka na nga dun eh."
"Sunod ka na ha?" Sabi niya at naglakad na papunta dun sa bar.
Hindi ko yata kayang panindigan ang chorus ng kantang Titanium. T___T
Si Lance palang kasi ang kumausap sakin pero parang apat na bala na ang tumagos sa likod ko, pano pa kaya kung si Allan na? Baka maglaslas na ako sa harap non.
"ARRGHHHH...ano ng gagawin ko?! LORD PLEASE HELP MEEEE!" ლಠ▃ಠ)ლ
Parang sinagot ni God ang aking pakiusap hehe
Napalingon ako at may nakitang nakapag pa trigger sa aking imahinasyon at isang BRILLIANT IDEA na naman ang naisip ko.
Kabado ako at nilapitan ang nakita kong lalaking nakatalikod at nakaupo sa may bench.
……. (,,Ծ‸Ծ,, )
"E-Excuse me."
Tiningnan niya ako na may halong pagtataka --> ಠ_ಠ
"Please. Ka-Kaylangan lang talaga."
Hindi ko alam kung papayag ba siya...
"Be my... boyfriend"
Naiiyak kong sabi
Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Siguro dahil takot na takot akong mapahiya at mapagtawanan. Sabagay sino ba naman ang may gusto ng ganon diba?
Desperada ng masasabi pero yun na lang talaga ang naisip kong gawin, ang pakiusapan ang isang tao na magpanggap bilang boyfriend ko.
Papayag kaya siya ?
Sana pumayag siya (>人<)
BINABASA MO ANG
The Perfect Lie
HumorHave you ever told a LIE? For sure nag sinungaling ka na. Kasi ABNORMAL ka kung hindi.