6 - DARE

59 1 0
                                    

Nakatingin parin sa akin yung lalaki na parang walang narinig.

"Please. Ngayon lang naman eh. Ganito...ganito sabihin mo. Ahmmm...sabihin mo pinakilala ka sakin ng friend kong si Mara. Nasa US yun ngayon kaya ok lang siguro na idamay ko siya. July 23 ang monthsary natin at...at 4 months na tayo together. Architect ka at naka based ka sa Singapore kaya di tayo masyadong nagkikita. Ok? (phew..)"

Hiningal ako dun ah. Sa bilis kong nagsalita para lang akong sinaniban ni Abra at nag fliptop. Pero infairness ha, on the spot akong nakagawa ng istorya. Galing lang ahehehe. 

"Nga pala Kevin ang sabihin mong pangalan mo." Sabi ko at hinigit ko ang braso niya

Hindi umiimik ang lalaki at ganito ang facial expression niya --->  ಠ_ಠ

Ganito naman ang akin --->   (×_×;)

"Kailangan ko na umuwi e." Sabi niya at inalis niya kamay ko sa braso niya.

Bago ko pa man nasabi ang aking famous na "HUWAAAT?!" Tumayo na siya at naglakad na palayo

At ako?

Ayun...NGA-NGA   ಠ▃ಠ

"Langyang yon.! Nasayang laway ko sa kakasalita, di man pala papayag. YOU DON"T DO THAT TO ME!"

HAAAYYYY WALA NA….LA NAKO MAGAGAWA PA…. T______T

Nakita na rin naman ako ni Lance kanina kaya face my fears at pasok na sa venue at be bulletproof sa kung ano mang ibato nila sakin.

"Hey guys! Anna's here!!!!!" Kulang na lang lumabas na ang laman loob ni Andrew sa pag sigaw

Gosh. (#+_+)

"Dumating ba boyfriend mo?" Sabi naman ni Lance and flashed that nakakalokong ngiti

Shoot.  (×_×#)

Nakisali naman ang mukhang siopao na si Sarah "Where's your boyfriend Anna? Hahahaha!"

Langya.  (º_º)

"Ba't di mo siya dinala dito. Pakilala mo naman siya samin. We want to MEET him!" Isa pa ‘tong anorexic na Monique na sa sobrang payat mukha ng toothpick

Laslas na.  (✖╭╮✖)

Hindi nalang ako nagsalita at parang walang narinig. Nilapitan ko si Lorraine na nakakunot ang noo na parang sinasabing "Ba't ka nandito? Diba sabi ko sayo na wag ka ng pumunta?"

Umupo nalang ako sa tabi niya "Sensya na friend. I decided na pumunta na dito, sayang ang outfit eh. Chos!" Sabi ko at pinilit na mag smile.  ✖‿✖

"Hi Anna. Anong oorderin mong drinks?"

"Kelan ka pa naging waiter Allan?"

"I'm just trying to be nice to you babe."

Nangilabot ako ng marinig ko ang word na ‘babe' sa sentence niya. But i reminded myself to remain calm kahit na sa isip ko sampung beses ko na siyang sinuntok.

"Don't TRY to be nice. Di mo bagay eh hahahaha!" Sabi ko with a sarcastic tone

AFTER 35 MINUTES...

"Uy Anna. Di ba sabi ko sayo dalawang bote lang? Tingnan mo nahihilo ka na." Concerned na sabi ni Lorraine

Nakakahiya mang aminin pero mababa ang alcohol tolerance ko. Dalawang bote pa lang pero the world is spinning round and round hehehehe

"Kailangan ko ng umuwi eh, may mga papers pa pala akong hindi na sign. Tara sabay ka na sakin." Sabi ni Lorraine

"Wag muna di pa man siya naging taya sa laro e!"

"Sige friend una kana. Ok lang ako, di naman ako masyadong nahihilo. Kaya ko pa naman umuwi mag isa."

"Sure ka?"

"Oo naman. Ako pa."

"Osige. Ingat ka ha. Alis na ko. Tawagan mo ko pag nakauwi kana." Kinuha na niya ang bag niya at lumabas na ng bar

"Spin na!" Sigaw na naman ni Andrew

Naglalaro kami ng spin the bottle.

"ANNA! Whooooo! It's your turn. Truth or Dare?"

Siguradong tungkol kay ‘Kevin' ang itatanong nila sakin kung Truth ang pipiliin ko.

May dalawang options na naman ako:

#1 Piliin ang Dare dahil dapat kong panindigan ang aming relasyon ni Kevin. Chos! Kailangan mapanatili ang aking walang bahid na reputasyon. Dadalhin ko ang sikretong ‘to hanggang sa mag 2012 pero 2014 na pala ngayon. Tatlong bagay lang ang gagawin ko DENY, DENY and DENY. Ok na magtrending basta wag lang mapagtawanan.

#2 Dapat Truth. Because the truth shall set you free sistah! Sasabihin ko ang totoo at humingi ng kapatawaran at ihypnotized silang lahat at burahin si Kevin sa kanilang mga isipan. BWAHAHAHA!

"DARE! Sure na." (;-_-)/

Ok. Obvious naman na pinili ko ang option #1. Medyo bad girl talaga. Hindi lang medyo. Bad talaga.

Ano naman kayang karumal dumal ang ipapagawa ng mga ‘to sakin?!  ఠ_ఠ

The Perfect LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon