Mafia 16 - Limits

336 3 13
                                    

"Hyorin tara na umuwi na tayo"

"pero naglalaro pa ko-"

"tara na" sumama cia sakin pauwi pero tahimik lang cia. "Im sorry, i shouldn't interrupted you kanina"

"Ok lang, mejo nahihilo na din naman ako kaya kailangan ko ng pahinga-"

"Kaya mo na ba?"

"Ang alin??"

"Akong mahalin??"

Tumahimik lang cia kaya naramdaman kong sumikip din ang dibdib ko. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. "Hindi kita pababayaan, pati ang kumpanya ninyo ni yves pati na rin ang magiging anak nio, mahal kita, sobrang mahal kita"

Di na cia sumagot at hanggang pag uwi tahimik lang kaming dalawa.

Third person's pov

"Napakasmooth ng nangyayari, hawak na naten ang buhay ng mga franco"

"Ang katawan? nahanap na ba" humawak cia ng baril at kinasahan ito "hindi pa, sigurado akong lasog na lasog na yun kaya wala ng maidentify na bangkay"

End of pov

-----

Hyorin's pov

Ang saya ko kanina, pakiramdam ko parang ang magiging anak namin ni Yves ang makapagbabalik ng saya ko noon. Napatingin ako kay Rigid na kasalukuyang nagluluto. Napakagwapo nia kahit nakasuot ng apron. Ideal man cia at capable cia gawin ang kahit anuman ang gustuhin nia. Kaya nga, naging crush ko yan eh. Sa mga panahong laging wala si Yves cia yung nanjan para punuin yung emptiness na nararamdaman ko. "Kain ka na" he smiled at me and that makes my heart skipped. Di dahil sa maibibigay ko na ang puso ko kundi dahil napakabuti nia at natutuwa ako sa kanya. "Samahan mo ko kumain ah" paglalambing ko.

"Rigid, ni minsan ba may babae kang gustong pakasalan?"

"Ikaw"

"I mean iba"

"Ikaw nga"

"Bukod pa sakin"

"Hmmm si Hyorin?"

"Kapangalan ko?"

"Hindi, . . . ikaw"

"Rigid naman-"

"Ikaw, yung babaeng gusto kong pakasalan Ikaw Hyorin"

"hindi ko kaya na nakikita kang ganyan, kaibigan kita, bestfriend kita, namin ni yves. gusto ko sumaya ka, at alam ko na hindi ka sasaya kapag ako ang pipiliin mo"

"Sa buhay ko, ang pagiging masaya, ay yung makita kang masaya, yun ang mababaw kong kaligayahan, ang makitang masaya ang asawa ng bestfriend ko"

Hinaplos nia ng magaan ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. "Magpahinga ka na pagkatapos mo kumain ako na ng bahala sa pinagkainan mo" Umalis cia at pumunta sa kwarto nia. Hay nako Rigid pls tama na, hindi ko talaga kayang ipagpalit ang asawa ko.

---

Rigid's pov

Kailangan ko siya makumbinsi na mahalin niya ko. Alam kong sakim na kung sakim pero masama bang humiling na sana mahal ka ng taomg mahal mo? Husto ba yung inaasam ko? Tulad noon. Pinaghiwalay ko sila, dahil alam kong kaya kong bigyan si Hyorin ng buhay na malayo sa kapahamakan. At hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko noon. "Patawad Yves, pero hindi ko na hahayaang masaktan pa ulit si Hyorin" lalo na ngayon, na nagdadalang tao siya. Aalagaan ko ang bata at ituturing kong tunay na anak.

Yung saya niya kanina, kaya ko yun ibigay sa kanya. Pero, paano na, kung magbabalik na ulit si Yves? Paano na?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Mafia's Wedded WifeWhere stories live. Discover now