Dear Mr. WHO,
First of all, I still think this is stupid. Pero la eh... ayaw kong tigilan ang pagsulat sulat sa'yo kahit alam kong imaginary ka lang. Hindi ka pa ata hinuhulma ng langit. Haha...
***********************************************************************************************************
"Rae!"
Monday na ulet. At eto na naman sya. Acting as though namiss nya 'ko nung weekend.
"Oh?" Same question.
Ngumiti sya. "Good morning!" Same answer.
Dugdug. Different effect.
"M-Morning." For the first time, I stuttered. For the first time, hindi ko sya matingnan ng derecho sa mata. For the first time, nagrerespond ang puso ko sa kanya.
"Kumusta ang weekend?" Tanong nya sa 'kin. Sabay lapit. Sinabayan nya 'ko paglalakad.
"O-Okay lang. Kaw?" Sagot ko naman sabay layo ng konti. Hindi ko matagalan na malapit sya sa 'kin. Parang kinukuryente ang braso ko...
He shrugged. "Medyo malungkot."
"Bakit?"
Tumingin sya sa 'kin. Dugdug. "Kase walang pasok." Sagot nya, sabay ngiti.
"Ah." Same sentiments. Malungkot din ako nung weekend. Kase walang pasok. Hindi ko sya nakita. Napabuntong-hininga ako. Bakit ganito? Parang feeling ko, nagkakagusto na 'ko sa kanya.
Hindi pwede!
"Okay ka lang?"
"H-Ha?" Nakakunot ang noo nya. Nagtataka siguro sa kinikilos ko.
"Umiling ka kase bigla."
"Ah. Okay lang."
Ngumiti na sya ulet. "Uy sige, una na 'ko sa room." Paalam nya. Tumango na lang ako.
Palagi yung ganun. Araw-araw. Walang palya. At hindi ko alam kung bakit pero parang may nag-iba sa 'kin. Naki-creep out na nga 'ko sa sarili ko weh. Minsan kase nahuhulli ko ang sarili kong nakangiti na lang... ng walang dahilan.
Lagi na syang hanap ng mata ko... at lagi ko syang madaling mahanap. Kapag malapit lang sya, kinikilabutan ang batok ko. At kapag lumingon ako... ayun. Nandun sya.
Naramdaman kong unti-unti akong nahuhulog...
Sa bangin.
Haha..
Saka lang ako naging conscious sa ichura ko nun. Kase alam kong pangit ako. Kaya sa tuwing tumitingin sya sa 'kin, umiiwas ako ng tingin. Hindi ko na masalubong ang mga titig nya.
Nakaka-frustrate... kase gusto ko syang kausapin. Gusto kong tawanan yung mga jokes nya at sumabay sa mga kanta nya. Gusto ko syang makasama palagi. Kaso...
Kaso naiinsecure ako.
Ayokong mahalata nya na gusto ko na sya... kase baka pagtawanan nya lang ako.
Kaya eto. Nakaw-tingin na lang... Kahit likod lang nya ang makita ko, ayos lang. Mas mabuti pa ngang likod na lang nya ang makita ko para hindi ko na kelangang salubungin ang mga mata nya.
Umiiwas ako. Halata naman.
Isang araw, na-late ako. Sa AP pa! Kung san pinapakanta sa unahan ang late! Ngali-ngali ko na ngang umabsent nun eh. Kaso... may long quiz -_-
BINABASA MO ANG
Letters To Whomever
Teen FictionNaranasan mo na bang umasa na sana makita mo na yung taong para sa 'yo? Matagal ka na bang naghihintay na dumating na yung soulmate mo? Eh pano kung... all this time pala... andyan lang sya... and you were too late to realize na sya na pala yun kase...