Rae,
Kumusta ang weekend? Sana hindi ka nagsayang ng luha mo kay Kurt. Wag mo sya masyadong iiyakan ha? Nasasaktan kase ako. Kung sa 'kin ka na lang ba eh... sisisguraduhin ko sa 'yong hindi kita paiiyakin.
Namimiss na kita. Tagal mag-Monday!
***********************************************************************************************************
Pero nag-Monday na rin sa wakas! Hindi maiiwasan. Hehe...
Pumasok ako ng maaga at nag-abang sa gate. Sana okay lang si Rae. Yun lang ang nasa isip ko buong weekend. At one point, natakot akong baka hindi ko na sya makita ulet. Hindi ko alam. Para bang... may gagawin syang hindi maganda sa sarili nya...
Natatakot talaga ako. Ayokong pumasok ng school at hindi sya makita. Gusto ko na syang makita.
"Tol! Good morning!" Si Kurt, kasabay si Jenny.
Ngumiti ako sa kanila. "Morning din. Saya natin ah?"
"Syempre! Ikaw ba naman ang magka-girlfriend ng ganito kaganda!" Natawa si Jenny sa tinuran ni Kurt.
"Chuu! Bolero!" Naghawak-kamay sila.
"Sige tol. Una na kami sa classroom." Paalam ni Kurt. Tumango na lang ako. Saka ko ulet hinanap si Rae.
Dugdug. At ayun nga, nakita ko sya, nakatayo sa malayo, sapupo ang dibdib nya. Na para bang.. nasaktan sya sa nakita nya. Kakaiba sya ngayon. Nakaipit. First time. Ang aliwalas nya tingnan. Haaay... kung ganyan ba sya lagi eh... baka lalo akong mahulog sa kanya.
Maganda si Rae. Ako... nagagandahan ako sa kanya. Simple lang sya. Palaging magulo ang buhok nya kase hindi sya mahilig magsuklay. Palaging nangingintab yung mukha nya kase hindi sya mahilig mag-polbo.
Pero kahit ganun, nagagandahan ako sa kanya.
Hindi sya tulad ng ibang babae na todo makeup at ayos sa sarili na halos hindi mo na makilala. Sya... walang pakialam sa ichura nya. Siguro nga kanya-kanya lang taste preference yan. Maaaring sa iba hindi sya maganda. Pero para sa 'kin maganda sya.
Nilapitan ko sya.
"Oh. Napano ka?" Tanong ko... kahit alam ko na kung anong dahilan.
"Ah. Wala." Sagot nya. Ang akala nya ata hindi ko nahahalata.
"Ganun?" Ngumiti ako. "Good morning."
"Morning." Tipid nyang sagot. Saka sya nauna papuntang classroom. Nakakainis! Minsan naiisip kong sana ako na lang si Kurt... para ako na lang ang gugustuhin nya.
Naiinsecure nga 'ko sa sarili ko kapag nandyan sya. Pangit ba 'ko? Bakit hindi nya 'ko mapansin? Todo papansin na nga ako pero wala lang sa kanya.
Pagpasok ko ng classroom, nakita ko agad si Rae. Sa pinaka-dulo at pinaka-sulok. Mabuti na lang talaga wala kaming seating arrangement. At least, kahit sa upuan man lang, close kami.
Nakatingin na naman sya sa bintana.
Gusto ko ng kumuha ng jalousy at ipukpok sa ulo nya... baka sakaling matauhan sya. O marealize man lang nya na... nandito lang ako.
Bigla syang gumalaw. At nagpalinga-linga. Parang may hinahanap. Teka... sino namang hahanapin nya? Nandito na si Kurt ah?
Ako kaya?
Asa ka. Katabi ka na nga, di ka pa mapansin eh...
Galing talaga ng utak ko. Kontrabida masyado. -_-
"May hinahanap ka ba?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya. Saka lang sya napatingin sa 'kin. At para bang saka lang nya narealize na nasa tabi lang pala nya 'ko.
Lumipas na ang ilang segundo pero nakatingin pa rin sya sa 'kin. Bigla akong nailang...
"Rae..."
"Oh?"
"Bakit ganyan ka makatingin?" Narealize nya na kaya na ako talaga ang gusto nya? Haha... sana.
"Ha? Ah... wala."
Sabi nya saka sya sumubsob sa desk para matulog. Matutulog na naman sya! Haynaku... kaya palagi syang bumabagsak sa quizzes eh. Buti na lang nandito lang ako para magpakopya.
Rae...
Sana kase ako na lang.
BINABASA MO ANG
Letters To Whomever
Teen FictionNaranasan mo na bang umasa na sana makita mo na yung taong para sa 'yo? Matagal ka na bang naghihintay na dumating na yung soulmate mo? Eh pano kung... all this time pala... andyan lang sya... and you were too late to realize na sya na pala yun kase...