Chapter 8 IT MIGHT NOT BE YOU

16.1K 690 42
                                    

Dear Mr. WHO,

                Ano kayang ginagawa mo ngayon? Sumusulat ka rin ba? Habang ako sumusulat sa 'yo... May iba ka kayang pinaglalaanan ng mga sulat mo?

                Sana ako na lang yan...

 ***********************************************************************************************************


Malapit na ang Prom. Ang pinaka-kinatatakutan kong event ng high school. Required lahat umattend. Required lahat na naka-prom dress. Nakaayos. Maganda.

Nakakatakot...

Bakit ba kase nirequired pa yun? Pwede namang hindi. Hindi naman lahat mag-eenjoy dun eh. Mabuti yung mga katulad nina Cana, magaganda. Sina Jenny, may mga love life. Pano yung tulad ko? Yung hindi naman maganda. Yung wala namang love life... meron pala kaso one sided.

Haaay...

Sabi ko nga hiram lang ang dress ko weh. Sabi ko na nga ba. Pati sapatos hiram din. Tita ko, nag-volunteer lang na ayusan ako. Ayoko kase pumunta sa parlor at pagpyestahan ng mga bakla. Pagpipyestahan ng lait.

Ano kayang feeling ng paglabas mo ng bahay, may naghihintay sa 'yong prom date?

Si Xavier.

Haha... asa ka naman Rae. Ikaw pa mapansin nun...

Haaay...

So ganto lang ang ayos ko, nakalugay ang buhok. Straight pa rin. Ang pinagkaiba lang, nagsuklay ako ngayong gabi.

Konting eye makeup.

Polbo.

Pabango.

Ang dress ko eh kulay burgundy na hanggang tuhod. Kakahiya nga, ang pangit ng tuhod ko. -_-

Strapless yun kaya pinatungan ko ng bolero na kulay black. Dyahe. Tapos strap sandals lang ang nakasuot sa paa ko. Mga 2 inches ang heels. Higher than that, baka mabangasan ako ng wala sa oras.

Hinatid lang ako ni tatay hanggang school. Grabe... bongga sila. Andaming nagpakulot. Ang daming mga mukhang prinsesa. Lalo na si Clarion. Hanep... sasali lang ng Miss Philippines?

Long gown kase suot nya na kulay white na parang sequins ata. Si Chad, gwapong-gwapo sa tabi nya. Naka-tuxedo. Si Cana din, ang ganda. -_- Kaso hindi talaga sya mahilig ngumiti. Naka-mini-dress naman sya. Hapit sa katawan. Red yung dress nya. Tube cut. Tapos may nakapang-ibabaw din na parang vest na fur ata? Kulay black naman yun. Saka naka-gladiator heels. Lalo syang namuti. Snow White ng batch.

Katabi nya si Ivan, na kanina pa nakatitig sa kanya.

Sa gilid ng auditorium ako dumaan para walang makakita.

Asan kaya si Xavier? Kanina pa sya hinahanap ng mata ko weh. Hindi ko sya makita...

Naupo ako sa assigned seat ko. Table table kase yun. Kasama ko sina Cana.

"Uy Juliet! Anjan ka na pala!" Sabi ni Clarion.

"Oo nga. Hindi ka man lang nagsalita."

Nag-ngiti-ngitian na lang ako. Yung parang tumaas lang yung side ng lips ko. Parang nakangiti na hindi naman.

"Naks. Blooming ka ngayon ah!" sabi ni Chad sabay akbay sa 'kin. Nyeh? Ako blooming? Whaha... joke yun?

Dugdug.

 

Nagsitindigan ang buhok ko sa batok. Napalingon ako. Si Xavier... kakapasok lang ng auditorium kasama sina Kurt.

"Ang gwapo ni Xavier! Kakabading!"

Natawa si Clarion sa sinabi ni Chad. Ang gwapo nga nya. Nakared sya na long-sleeves, naka-black na suit tapos manipis na black tie. Naka-ayos din ang buhok nya at parang naka-gel pa ata. Oh eh di sya na...

Hala teka... bakit papalapit sya dito?

"Uy pre! Nakanang... gwapo mo wah!"

Nag-high five sila ni chad. Hala... dito din ba sya uupo?!

Ngumiti sya. Dugdug. Haaay... hindi na naman ako makahinga...

"Sige tol, kabilang table ako weh." Ano yun? Hindi nya ba 'ko napansin? Haaay... pero pano nga naman nya 'ko mapapansin? Eh katabi ko sina Cana at Clarion. Sino ba naman ako para mapansin nya?

After ng program...

Inannounce na ang prom king and queen. No surprise... sina Chad at Clarion. Couple of the year. Nagsayaw sila sa gitna. Pagkatapos nilang magsayaw... simula na ng sayawan... ng lahat.

Sumubsob na lang ako sa table.

At pinilit ang sarili kong matulog.

Maya-maya...

"Juliet! Juliet gising!"

"Wag na. Tulog ata eh."

"Anubayan! Juliet! Gising kase! Isasayaw ka ni Xavier!"

O_O

Hindi ako gumalaw. Lumakas ang kaba ng dibdib ko lalo. Kaya pala kanina pa 'ko kinakabahan eh. Ah ah...

"Ayaw ata eh. Sige 'wag na lang.."

"Hindi. Gising 'to!"

"Hindi sige.."

Bigla akong napaiyak.

Ang tanga ko... Kanina ko pa gustong isayaw nya 'ko weh. Kanina ko pa talaga iniintay... Nagbabakasakali lang naman akong baka isayaw nya 'ko. Tapos...

Tapos..

Pinapalampas ko lang...

Letters To WhomeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon