Dear Mr. Whoever,
Hindi ko alam kung sino ka talaga. Sumusulat lang ako sa 'yo ngayon... nagbabaka-sakali na mabasa mo 'to pagdating ng panahon. Hindi ko alam kung hanggang kelan kita hihintayin. Sana dumating ka na...
Kase ang lungkot ng buhay ko... kase wala ka pa.
***********************************************************************************************************
Ang lungkot talaga ng buhay ng walang love life ano? O baka naman ako lang. Kase yung ibang single naman masaya eh. Bat ako hindi? Hala... unfair ang langit. Ako lang ba daw ang bitter? Tss.
Ako nga lang siguro... ang bitter.
Ang nagmove on kahit hindi naman na-stuck sa isang relationship.
Hala panu 'yun? Nag-move on pero hindi nagka-boyfriend? Haha... astig din eh.
Pero nagawa ko 'yun.
Three years ago.. I fell in love.. with a guy.. who never knew everything.
It started out as an interest. Interesting sya tingnan. Iba kase ang aura nya. Pa-mysterious pero makulit naman sya tapos palangiti na may pagka-loner din. Gulo noh?
Sya kase... magulo.
Ang pangalan nya eh Xavier Anthony Roxas. Classmate ko sya.
Actually... hindi nga sya ang crush ko nun eh. Yung isa ko pang classmate... si Kurt. Kaso gusto ni Kurt yung isa kong classmate na maganda, si Jenny. Sabi ko sa sarili ko, maghanap na lang ako ng ibang titingnan. Ma-divert man lang ang atensiyon ko. Kase halata namang wala akong pag-asa kay Kurt eh.
Unang-una, takaw pansin lagi si Jenny. Samantalang ako, nagbi-blend na lang lagi sa background. Kapag nakita mo ko sa daan, mapapalampas lang ang tingin mo sa 'kin. Kase... hindi naman ako worth ng second look.
Oo na. Masyado ko ng dina-down ang sarili ko.
Pero...
Ewan... kilala nyo si Sunako Nakahara?
Yah.. ako ang pinoy version nun. Palagi ding gulo-gulo 'yung buhok ko. Nasisilaw ako sa liwanag (totoo 'yan!). Sumasakit kase mata ko sa sobrang liwanag. Hindi din ako makatingin ng derecho sa mga tao, lalo na sa mga lalaki.
Medyo oily din ang mukha ko. Chapped lips. Mata ko lang maganda sa kin eh. Sana talaga naging mata na lang ako.
Haaay...
Pero mas maswerte pa si Sunako sa kin. Kase may Kyohei sya. Tapos maganda sya talaga. Eh ako... naiinis nga 'ko tuwing nakakabasa ako ng mga pocketbooks eh. Palagi na lang maganda yung bida. Wala na ba talaga akong pag-asa?
Kapag hindi maganda... wala ba talagang prince charming na sasaklolo sa kin mula sa miserable kong buhay?
Whaha... enxa sa drama. Emo na naman ako.
Naalala ko kase si Xavier ih. Na naman...
Three years ago na nga...
Pero teka. Naka-move on na nga kase ako. I mean, naaalala ko lang sya kase sya lang talaga yung minahal ko ng sobra. Kahit patago.
Patago naman talaga akong magmahal eh.
Ako lang ang may alam. Saka diary ko. Diary kong bungi-bungi. Kase minsanan lang akong magsulat. Ngayon ko nga lang ulet naisipang magsulat dun eh.
Bagong chapter na. Kase 3rd year college na 'ko. Bagong year, new start.
Si Xavier? Ewan... nagka-girlfriend sya bago kami maka-graduate. Teka, anlabo ko pala...
BINABASA MO ANG
Letters To Whomever
Novela JuvenilNaranasan mo na bang umasa na sana makita mo na yung taong para sa 'yo? Matagal ka na bang naghihintay na dumating na yung soulmate mo? Eh pano kung... all this time pala... andyan lang sya... and you were too late to realize na sya na pala yun kase...