Chapter 10
Michael / Zeke's POV
Natigilan ang lahat ng mga taong lobo na nandito sa DF.
Kasabay nun ay ang pagguho ng mundo ko. Nang bumagsak sa mga bisig ko si Mae. At lalong gumuho ang lahat ng makita ko ang gawa sa pilak na pana.Hindi ba't ayaw ko sa kanya dahil tao sya? Pero bakit ganito?
Para na akong nasisiraan ng bait ng itakbo ko si Mae sa parking lot at sinakay sa kotse ko palabas ng university at agad dinala sa hospital na pagmamay-ari ni dad.
'Dr. Phil kailangan ko ng tulong mo. Madali.' Mind link ko dto.
Agad ko naman syang nakita at inalalayan ako kay Mae na buhat-buhat ko kasama ang ilang mga nurse na lobo rin.
"Kami nang bahala sa kanya Prinsipe." -Dr. Phil.
Naghihintay lang ako dito sa labas ng OR .
"Son." Napalingon ako kay mommy kasama nya si Ace at Spade.
Agad akong niyakap ni Mommy.
"Anong nangyari anak? Nasaktan ka ba?" Nag aalalang tanong ni Mom.
"N-no M-mom." Naramdaman kong hinawakan ni Mom ang pisngi ko at pinunasan ito. Umiiyak na pala ako.
'Damn you Michael. Kung hindi mo sana nireject ang mate ko sana naprotektahan ko sya at hindi ito nangyari.' Sermon sa akin ng wolf ko. Na si Zekiel.
'Mate natin. Mate ko rin sya.' Angil ko sa kanya.
'Huh. You are rejecting her. Remember?' Maanghang nyang turan.
'Right, at pinagsisisihan ko na iyon. Tama nga talagang nasa huli ang pagsisisi.' Malungkot kong pag amin.
"I hope it's not too late para itama ang pagkakamali ko." Wala sa sarili kong sabi.
"What do you mean anak?" Tanong ni mom. Shit nasabi ko ba ng malakas yun?
"It's because nagsisisi sya sa mga nagawa nya Love." Hindi mababakasan ng emotion na sabi ni Dad.
"Huh? I don't get you, Love."-mom
"He rejected his human mate. But as what I have heard kanina. Mukhang hindi iyon tinanggap ng mate nya. And do you even know kung bakit hindi man lang sya natakot ng makita ka sa anyong lobo mo huh? Michael?" May bahid ng galit na saad ni dad.
"It's because she knew what we are." Dagdag ni dad na ikinagulat ko.
"I'm not mad at you son. Dahil hindi ko alam kung bakit ayaw mo na magkaroon ng human mate. I'm just disappointed to you son. Not all humans are weak like you think. Unang tingin ko palang sa batang iyan ay alam kung may kakaiba sa kanya kahit hamak na tao lamang sya. And she prove it not just twice pero sa pangatlong pagkakataon at iyon ay ang nangyari kanina. She is strong emotionally na syang nagbibigay sa kanya ng lakas pampisikal." Mahabang sabi nya.
"I'm sorry dad. Hindi ko iyon nakita kaagad. Pero babawi ako.. Hindi ko pala kaya na mawala sya." Umiiyak kong sabi sa kanya.
"Tama yang desisyon mo Michael. Hangga't hindi pa huli ang lahat. You have to make it up to her. Bago pa sya tuluyang bawian ng buhay." Nahinto ako sa sinabi ni mommy.
"What do you mean mom?"- me
"Ones you reject your mate and he/she accept it. You will die. But if she didn't accept your rejection it only means one thing. Her end is near." Malungkot na sagot ni mommy.
"You mean s-she'll die? Kung ganun..." No, no she can't.
'Yes Michael, she knew na sa oras na tanggapin nya ang rejection mo ay ikamamatay mo yun. And she chose to die instead of you.' Sabi ni zekiel.
Tumango lamang sila Mommy.
"I miss ate Mae already." Naiiyak na saad ni Ace na niyakap naman ni Spade.
Lalapitan ko sana sya nang magbukas ang pinto ng OR.
"Dr. Phil, how is she?" Agad na tanong ni Dad sa pack Dr. namin.
"Kung maaari ay sa office tayo Alpha."- Dr. Phil
"I'll come with you." Sabi ko.
Nagpresinta naman si Ace kasama si Spade na magbabantay sa kwarto kung saan nilipat si Mae."To tell you honestly Alpha, she's not fine at all. Maraming dugo ang nawala sa kanya dahil sa malalim na sugat na meron sya. At masyado ring nataas ang dosage ng drugs na nasa katawan nya.. Base sa pagsusuri namin, mukhang may itinurok sa kanya na nagcause ng panghihina nya. Actually pampatulog iyon ngunit may halong druga na hindi maganda sa katawan ng isang tao."-Dr. Phil
"What's her condition now?" Agad kong tanong.
"I can say that she is strong for a human. I think makakarecover sya sa pinsalang gawa ng droga. Kailangan pa namin syang obserbahan at kung magigising sya ng mas maaga sa inaasahan ay kakailanganin nya ng pahinga.... Before I forgot, yung tama nya sa likod, it's a silver."
"Yes, papaano mo nalaman iyon Dr. Hindi ko naman binanggit iyon dahil alam kong wala itong epekto sa tao."- me
"Yes wala nga, ngunit ng tingnan ko ang sugat nya ay may naiwang bakas doon ng pilak. It means she have a mate, a werewolf to be exact. Ang tangging makakatulong para maging mabilis ang recovery nya ay ang kanyang mate. Any idea who is her mate?" Manghang tanong ng Dr. kay dad
"I'm actually glad to have a human daughter-in-law." Nakangiting sabi ni dad. Napangiti din ako. Kung si dad nga ay tanggap ang mga tao. Ako pa kaya? Naging mali lamang ang pagtingin ko sa mga tao.
"I have to go. Lalo na't kailangan ako ng mate ko." Nakangiti kong sabi at lumabas na ng office nayun at dumeretso sa kwarto ni Mae.
"Anak, nasabihan ko na ang pamilya ni Mae. Papunta na raw sila dto."- mommy
"Kuya may bisita si ate Mae." Pagkasabi nun ni Ace ay sya namang pasok ng 3 lalaki sa loob. Nakinainis ko.
"Who are you?"- cold kong tanong
"Kaibigan nya kami at katrabaho. Ako nga pala si Blue, ito namang katabi kong badjao ay si Jess, at ito namang itlog pula na ito ay si Cross." Wika ng lalaking may kulay abo ang buhok na Blue daw ang pangalan.
"Katrabaho?" Takang tanong ng ginang na nasa pintuan. At may kasamang isa pang babae na satingin ko ay nasa 17 yrs old pa lang. Ka-age lang ni Ace at Spade.
"Lagot." Napakamot sa batok na sabi ni Blue habang sinamaan naman sya ng tingin nung Jess.