Chapter 20
Michael's POV
1 month ang nakalipas at ilang araw nalang ay maaari nang manganak si Mae. Kailangan ko nang tapusin ang problema ko sa Erin na ito. Ayokong manganak si Mae ng hindi ako kasama. -_-
"Hey babe, what are we doing in here?" maarteng tanong ni Erin habang naglalakad kami papunta sa floor kung nasaan ang lalaking iyon. Padabog kong binuksan ang pinto nang kanyang office.
"Whoa, I didn't expect your visit today Mr. Maxwell. How may I help you?" nakangiti nyang saad sa akin.
"Let's get straight to the point, Mr. Panner. Tantanan mo na kami ni Mae." Cold kong sabi.
"Hmm, Mahirap iyang pinapagawa mo Maxwell, o baka naman gusto mo ikaw nalang ang Lumayo sa kanya at hayaan kaming mabuhay ng masaya. Oh, don't forget to bring your bastard child sa impyerno." Nanggigigil nyang sabi sabay atake sa akin.
"Ang lakas ng loob mong pumunta ditto sa teritoryo ko nang hindi man lang nagsama ng kahit isa sa mga bodyguards mo?" Nang-aasar nyang sabi.
"I don't need them, I can protect myself from you PSYCHO" agad ko syang binigyan ng malakas na suntok sa sikmura dahilan para dumura sya ng dugo.
"How dare you hurt me?" nanggagalaiti nyang sabi at muling umatake sa akin. Hinayaan ko lang sya sa ginagawa nya hanggang sa mapagod sya tsaka ko sya binigyan ng isang suntok sa pisngi.
"Hindi mon a mababago ang lahat, Panner. Kami ang nakalaan para sa isa't isa. Maniwala ka man o hindi. Kaya hayaan mo nalang kami ni Mae at ng mga anak namin." Mahinahon kong pakiusap sa kanya.
"No, I won't stop hanggat hindi napapa sa akin si Mae, She's only for me and mine alone." Galit nyang tugon at umatake, Iniwasan ko lamang ito tsaka ko sya sinalag ang kanyang kamay at pinaikot ko ito patalikod at pinaluhod.
"Tama na, tanggapin mo na lang na hindi lahat ng nais mo ay mapapasayo. Sa tingin mo ba, kung mapapatay moa ko ngayon at mapapasayo si Mae ay magiging masaya sya sa piling mo?"
"Wala akong paki-alam, ang nais ko lang ay mapasa-akin sya." Panner.
"Kakayanin mo bang makitang nasasaktan siya dahil hindi nya kapiling ang totoong mahal nya? Kakayanin mo bang makitang nasasaktan sya dahil ikaw mismo ang nagpapahirap sa kanya? Pareho lamang kayong masasaktan. Masasaktan mo sya dahil ilalayo mo ako sa kanya at masasaktan ka dahil kahit anong gawin mo ay hindi ka nya magagawang mahalin dahil sa paghihirap na pagdadaanan nya sa piling mo." Mahaba kong paliwanag sa kanya.
-_- sa sobrang haba yata ng sinabi ko ay wala akong naintindihan.
"H-hindi, Bakit sa tuwing magmamahal ako ay hindi ako mahal ng taong mahal ko?"nanghihina nyang tanong.
"Maaaring hindi pa tama ang panahon at hindi mo pa nahahanap ang taong lubos na magmamahal sayo higit pa sa pagmamahal na ibibigay mo sa kanya. Kaya nakikiusap ako sayo, wag mo na kami gambalain dahil may mas Malaki pa kaming haharapin na laban. Ang tanging makakatulong kay Mae ay ang pagtanggap at pag-unawa po sa sitwasyon mo at namin" muli kong pakiusap sa kanya tsaka ko sya binitawan.
"My apology for the mess I made. Hayaan mo hindi ko kayo gagambalain. Maaari ngang tama ka. Hindi para sa akin si Mae." Sa wakas, sana lang ay tuparin nya ang sinabi nya.
"Umaasa akong magiging maayos Karin at makakahanap ng tamang pagmamahal." Nakangiti kong sabi tsaka ako tumalikod para umalis na.
"Sandali, maaari bang ihingi mo ako ng tawad kay Mae?" tumango lang ako bilang sagot at lumabas na ng kanyang opisina.