#RESPECT....
#Profile.
Hi! Bago ang lahat, salamat muna pala sa nag add sakin sa group na 'to! :)
I'm Hell. isang komplikadong nilalang na may komplikadong buhay. (Alien 😂)haha. 19 yrs of age. (malapit na mag 20,regalo ko! 😂)
Spoken word artist. (Baguhan lang)Hindi ako nagpopost ng mga gawa sa acct. ko para makaiwas sa mga plagiarists. member ng isang writer's collective pero hindi rin talaga ako tulad ng ibang writers na halos ilang tula ang nagagawa kada araw. halos 2-3 poems lang yata ang nagagawa ko per week tapos puro random thoughts na. nagsusulat lang ako kapag may nabuong idea. Ayoko kasi ng pilit. may isang makata kasing nagsabi samin na mas maganda ang kalalabasan ng gawa mo kapag hinahayaan mo lang dumaloy ang mga salita sayo. hindi rin ako magaling gumawa ng mga akda na English, hahaha.. mas naeexpress ko ang sarili ko pag ganito eh.Mabait naman ako pero lagi akong napagkakamalang masunget dahil narin siguro sa mukha. 😂 (wala daw kasi akong emotions. hindi lang talaga expressive kaya kahit nagwawala na ko sa loob ko, hindi halata sa labas. hahaha.) hindi lang talaga ko masalita. maingay ang utak ko pero hindi ako. writing is my only way of expression. kung gamit ang pagsulat o pagtipa, marami akong masasabi pero kung pagsasalitain mo ko, madalas puro one liner lang ang lumalabas sa bibig ko. weird ako at aminado ako dun. madalas magisa, tahimik, pero makulit talaga ko. makakausap mo ko sa kahit anong topic. :)
Music is my Obsession.. ako yung tipo na kayang tumagal sa isang kwarto buong araw ng walang ginagawa kundi makinig at sumabay sa musika. nauna kong nakahiligan ang pagsulat ng kanta. (kumakanta rin po ako pero marunong lang, hindi magaling.) lahat ng genre ng kanta, bago o luma pinakikinggan ko. nag ssketch din ako minsan pero bihira na ngayon. ilang taon din ang ginugol ko sa pag teteatro dati.
hindi ko na ikukuwento kung gaano kagulo ang buhay ko. tatlong salita lang, "F*CKIN' MESSED UP"yun lang po. Pm for more details. hahaha. kung may katanungan, puwedeng pwede akong kausapin. :)
Ps; mahilig din po ako magbigay ng suggestions kaya wag na magulat at sana wag mao-offend kung may mga comment ako o bigla nalang ako mag pm sa inyo. gusto ko lang makatulong kahit konti sa mga katulad kong writers din. open din po ako sa criticisms sa mga gawa ko. para din naman sa ikaka-grow nating lahat yun. basta maayos lang ang way ng pakakasabi o pagkaka-suggest. :)
P.p.s: last na po. dito ko lang aaminin to. BABAE PO AKO! hahaha. hindi lesbian, hindi by heart lang, Straight po ako. 😂 hindi ko lang sinasabi kasi maraming hokage. 😂 (hindi rin naman masyadong halata. hahaha) pero pag may nagtatanong, sumasagot naman ako ng tama.. :)
yun lang. salamat sa pagbabasa ng boring kong profile.. 😂
yours truly,
ang dude ng bayan,
Hell JC. 👼....
BINABASA MO ANG
Member's Profile
Non-FictionNaglalaman ito ng Profile ng mga Members ng AWH. These are all dated, January 09, 2017.