AUTUMNNgayon ang unang araw ko bilang isang manager ng bangtan. Pagkatapos ko maligo, tinignan ko ang oras sa relo ko. 8:16 am. 10:00 am pa naman yung fan meeting nila sa busan kaya dumiretso na ako sa dorm ng bangtan, kumatok ako ng tatlong beses pero walang sumasagot kaya pumasok nalang ako at tahimik pa kaya i assume na tulog pa sila kaya ipagluluto ko nalang sila ng almusal.
8:45 am nang matapos ako magluto. Simple lang naman yung niluto ko, may bacon, ham, eggs at hotdog. Well, yan naman kasi ang palagi kong almusal. Naisipan ko ng gisingin ang mga tao dito kaya dumiretso ako sa isang kwarto at walang ano anong pumasok at doon ko napansin na ito ang kwarto nina Hoseok at Jin. Simple, Malinis at maganda sa mata ang mga nasa paligid ng kwartong ito, tig isa sila ng kama kaya isa isa ko sila ginising. Nagising naman sila agad.
"Maghilamos na kayo at kumain doon" sabi ko at pumunta sa katabing kwarto nito. Medyo parehas lang ang kwartong ito pero hindi masyado malinis at may mga mukha nila Taehyung, Jungkook at Jimin na nakapaskil kaya alam kong kanila ang kwartong ito. Narinig ko din na ang pinakamahirap gisingin sa bangtan ay si Jungkook kaya una ko siyang pinuntahan.
"Jungkook gising na" niyugyog ko siyang mahina pero hindi siya gumalaw o sumagot.
"Jungkook!" Niyugyog ko siya ulit, this time medyo malakas na pero wala pa din. Napakamot naman ako ng ulo
"Jungkook Oppa gising!" Iminulat niya ang mga mata niya at tumingin sa akin pero pumikit ulit. Gigisingin ko na sana siya ng bigla siyang umupo.
"Hehe goodmorning noona!" Sabi niya at ngumiti.
"Sige mag ayos ka na at kumain na doon, nakahanda na ang pagkain" tumango naman siya kaya sina Taehyung at Jimin naman ang ginising ko. Hindi naman sila mahirap gisingin kaya pumunta na ako sa isang kwarto na kung saan natutulog si Namjoon at si Yoongi. Pagkapasok ko, nakita ko si Namjoon na nakaupo sa kama niya habang nakasandal sa edge ng kama niya at nagbabasa ng libro, nang mapansin niya ako, ngumiti siya sa akin at binatian ako.
"Sige, nakahanda na ang almusal, kain na doon" sabi ko at dumiretso sa kama ni Yoongi.
"Ako na gigising sa kanya, baka may masabi pa siya sayo na hindi maganda" sabi niya at ngumiti kaya tumango nalang ako at lumabas na ng kwarto nila at pumunta sa kusina kung saan nandoon na ang limang lalake na nakaupo na at mukhang hinihintay nalang kami. Pinat ni Taehyung yung sa tabi niyang upuan kaya naman doon na ako umupo. Ilang minuto ay lumabas na din sina Yoongi at Namjoon kaya nagsimula na kaming kumain.
YOU ARE READING
Manager || kim taehyung
أدب الهواة"BTS, meet your new manager, Park Autumn" "Hi BTS! I'm Autumn" "Autumn Noonaaaaa! Si Taehyung hyung ginugulo ako!" "Kim Taehyung! tigilan mo si maknae! matulog ka nalang din!" "Oppa! Oppa mo ako! TAEHYUNG OPPA" "Manager niyo ako, Kim Taehyung!" "N...