five

5 0 0
                                    


AUTUMN

"Goodmorning Papa" pagbati ko kay Papa na nanonood sa tv dito sa room niya sa hospital. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti.

"Goodmorning Autumnie! Buti napadalaw ka? Wala schedule ang bangtan?" Umakyat ako sa kama, dahil medyo malawak naman ang kama ay kasya kami pero doon ako sa may bandang paanan ni Papa.

"Meron naman pa, pero may training daw ako kaya di ako ang kasama ng Bangtan mamaya. Oo nga pala pa, kasama ko si--"

"Goodmorning Manager Hyung" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng pumasok bigla ang taong iyon at bumati kay Papa. Ngumiti naman si Papa ng makita niya ito.

"Oh? Napadalaw ka? Kamusta?" Lumapit naman siya sa amin at umupo sa tabing upuan ng kama.

"Sumama ako kay Autumnie. Dadalawin din kita hehe namiss mo ako no?" Tumawa naman si Papa.

"Ikaw talagang bata ka, may schedule daw kayo mamaya kaya dapat nagpapahinga ka. Ikaw naman Autumnie, bakit mo naman sinama?" nagkibit balikat naman ako.

"Ayaw niya akong tigilan" sabi ko at kumain ng grapes na nasa tabi ni papa.

"Kamusta ka Hyung?" Tanong ni Jimin. Oo, si Jimin po ang kasama ko. Ang Bias ko po. Hehe. Kanina nung aalis na ako, saktong lumabas din siya ng Dorm tas ayun nagpumilit na sumama sa akin nang sabihin ko na dadalawin ko si Papa.

"Ayos na. Konting pahinga nalang daw para kapag nakalabas na ako dito, malakas na malakas na ako, medyo may masakit pa din kasi sa likod ko" tumango tango naman si Jimin.

"Oo nga pala, kamusta ang bago niyong Manager? Maayos ba ang trato sa inyo ng anak ko? Behave ba siya?" Tumawa naman si Jimin at tumingin sa akin.

"Ayos naman siya! Maayos na maayos po! Oo nga pala Hyung, bakit di mo naman sinabi na ARMY pala si Autumnie? Tas Bias niya pala ako"

"Hindi naman kayo nagtanong, pabo. Ewan ko nga dyan kay Autumn ikaw ang naging bias niya. Pwede naman ang ibang members pero bakit ikaw? Bukod sa wala kang mata, maliit ka pa" ouch HAHAHAHAHAHAHAHA

"HAHAHAHAHAHAHAHA GRABE KA PA! ANG SAVAGE MO! HAHAHA" nagpout naman si Jimin kaya mas natawa kami ni Papa.

"Grabe ka hyung sakin huhu" sabi niya at nag-act na parang nabaril siya at napahawak pa sa puso niya.

"Pero pa, yun kasi ang charm niya para sa akin. Yung mga mata niya" o ayan pinagtanggol ko na si Jimin kay Papa haha Bias ko pa din si Jimin no! Tsaka dati na yan sinasabi ni Papa.

"Ha! Ayan hyung! Itong mga matang ito! Itong mga matang sinasabi mong wala, dahil dito sa mga ito naging bias ako ng anak niyo wahahahaha" sabi niya at itinuturo pa ang mga mata niya sabay sayaw. Nakangiting umiiling nalang si Papa.

"Nagbreakfast ka na ba Pa?" Tanong ko sakanya. Wala pa kasi akong nakikitang food tray dito sa loob ng kwarto at hindi pa dumadating si Mama. Baka naliligo pa iyon. Naglilinis muna kasi siya ng bahay bago siya pumunta dito. Umiling naman siya.

"Gutom ka na ba? Bibili muna ako ng makakain natin sa labas ha? Pati ikaw Jimin, hindi ka pa kumain diba?" Sabi ko at umiling din siya kaya tumayo na ako at kinuha ang wallet ko.

"Saglit lang ako, bibili lang ako dyan sa labas" tumango naman sila at nagusap pa kaya lumabas na ako at bumili ng makakain.



"Andito na ako!" Napatingin naman sakin ang dalawang masayang nag uusap.

"Tagalog ba yan?"

"Oh? Ang bilis mo?" Sabay ba sabi ng dalawa. Inilapag ko sa overbed table yung mga binili ko na bibimbap at binigyan sila ng kutsara at tig-isang lares na chopsticks. Kinuha ko ang isa at ibinigay kay Jimin na kinuha naman niya. Kinuha ko na din ang akin at hinalo at nagsimula na akong kumain.

"Dyan lang ako sa harap bumili Pa, at oo Jimin, tagalog yun" sabi ko at sumubo ulit. Napatango naman sila at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos kumain, nagpahinga kami saglit at nagpaalam na kay Papa dahil may schedule pa si Jimin at may training pa ako. Niyakap ko si Papa at pinagbilinan niya kami.

Sinuot na namin ang face mask namin para kahit papaano ay hindi mamukhaan si Jimin at nagmadali kaming pumunta sa kotse ko.

"Allergic ka pala sa hipon?" Pagbasag niya ng katahimikan.

"Hmm" sabi ko at napatango.

"Okay. I'll take note of that. Ibinilin ka din sa akin ng Papa mo kaya aalagaan din kita" sabi niya at ngumiti. Napatango naman ako.

"Alam mo, parang medyo magkapareho kayo ni Tae, minsan blangko ang mukha niyo tas kapag ngumingiti, maganda at cute" sabi niya ng nakatingin sa akin. Napatingin naman ako sakanya ng onti at natawa.

"Madalas din nila sinasabi sa akin yan"

"O diba, ang ganda ng ngiti mo" sabi niya at ngumiti.

"Ano ba Jimin, Baka nakakalimutan mong Fan niyo ako kaya tigil tigilan mo ako" natawa naman siya.

"Ay oo nga pala. Ako pala ang bias mo haha" napasimangot naman ako doon.

"Bakit nga ba ulit kita naging bias?" Sabi ko at saktong nasa tapat na kami ng building kung nasan ang dorm namin.

"Andito na tayo. Bumaba ka na at mag ayos" sabi ko kaya napatingin naman siya sa akin.

"Hindi ka sasama?" Tanong niya kaya umiling ako.

"Bakit?"

"May training ako. Galingan niyo ha? BTS fighting!" Sabi ko at ngumiti. Tumango naman siya at ngumiti din tsaka nagpaalam sa akin. Tumango naman ako at lumabas na siya kaya dumiretso na ako Bighit building.





"Okay so that's all for today! Good work everyone" automatic na umupo kami dahil sa sobrang pagod. Ikaw ba naman, 2 hours kaming nagpapractice. May mga kasama akong 4 na babae na agad kong nakaclose. Kailangan kasi namin ipractice ang we are bulletproof ng bangtan, yun ang project namin.

"Good afternoon" bumati din kami kay PD-nim at nagbow.

"May gusto lang ako ibalita sa inyo" di naman kami nagsalita, hinihintay lang namin siya at maingat na nakikinig.

"Magdedebut kayong lima as a group. Pero di pa ako sure kung kailan pero malapit na so girls, do your best and congrats!" Di kami agad nagsalita hanggang sa nakaalis na si PD-nim ay wala pa din kaming kibo. Maya maya, nagkatinginan kaming lima.

"OMG OMG"

"MAGDEDEBUT NA TAYO!"

"YEY MAGKAKASAMA TAYO!"

"OMG DI AKO MAKAPANIWALA" sari saring sigawan ang naganap at naggroup hug naman kami. We decided na icelebrate yun kaya kumain kami sa labas ng samgyeopsal.

-------------------------

#봄날4thWin
Congrats BTS!

Manager || kim taehyungWhere stories live. Discover now