Hi guys! It's been a long time! 😂
--------
AUTUMN"Ah napansin ko lang, di man masyado naging maayos ang pagpapakilala natin? Since tayo ay isang pamilya na, kailangan natin kilalanin ang isa't isa" sabi ni Hyemi unnie habang binabaligtad niya ang mga pork belly niluluto niya.
"Oo nga no? Osige simulan mo dahil ikaw naman mnakaisip at ikaw ang pinakamatanda samin" sagot ni Yoonah unnie sakanya kaya nakatanggap siya ng masamang tingin kay Hyemi unnie.
"Pasalamat ka nasa gitna nating dalawa si Autumn kung hindi mababatukan kita" nakagitna kasi ako sakanilang dalawa habang nasa harap naman namin sina Hana unnie at ni Yeri. You see, ako ang maknae nila.
"Unahin na natin si maknae" sabi naman ni Yeri. Months lang tinanda ni Yeri sakin kaya di ko na diya tinatawagan na unnie hehe
"Hala bakit ako?" Sabi ko sabay kuha ng scrambled egg at kinain.
"Syempre ikaw ang maknae! Ako na unang magtatanong!" Sabi naman ni Yoonah unnie at tinaas pa ang kanang kamay niya.
"Diba trainee ka? Tas nanager ka pa ng bts ngayon? Hindi ka ba nahihirapan?" Umiling naman ako.
"Saglit lang naman e. Once na nakalabas na si Papa sa hospital, siya na ulit ang magttrabaho tsaka di naman masyado mabigat yung trabaho ko as manager nila since meron pa silang ibang manager so kapag may ibang ginagawa ang ibang manager, ako yung titingin sakanila" sabay sabay naman silang tumango.
"Ikaw naman Hyemi unnie! Magkaibigan lang ba talaga kayo ni Jin?" Tanong ni Hana unnie. Tinignan naman namin si Hyemi unnie ng nakakalokong tingin. Inilapit pa namin ang mga ulo namin sakanya na parang hinihintay talaga namin yung sagot niya.
"Magkaibigan lang kami oy!" Sabi niya at biglang namula ang mukha niya kaya tinawanan namin siya. Inaasar lang namin siya ng inaasar ng biglang magring yung phone ko kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag. Si Taehyung. Sinagot ko naman.
"Hello?"
"Autumnie! Nasan ka?"
"Nasa labas, bakit?"
"Nandito ako sa dorm mo kaso nakalock"
"Bakit? Ano bang kailangan mo?"
"Wala kasi akong magawa sa dorm e. Tulog silang lahat" tumingin ako sa relo ko at tinignan kung anong oras na. 10:14 pm.
"Oras na kaya, matulog ka na, pupunta pa kayong inkigayo bukas"
"Di pa ako inaantok e. Asan ka ba? Punta ako"
"Huwag ka na, matulog ka na"
"Found you!" Sabi niya at inend call na niya. Tigas ng ulo nung lalaking yun, di pa nakikinig sa akin tsk tsk.
"Sino yun, maknae?" Tanong ni Yoonah Unnie.
"Si Taehyung" sabi ko at nagkibit balikat sabay kuha ng luto ng pork belly at lettuce saka ko isinubo sa bunganga ko. Pagkatingin ko sakanila, nakatingin na sila ng nakakaloko sakin.
YOU ARE READING
Manager || kim taehyung
Fanfiction"BTS, meet your new manager, Park Autumn" "Hi BTS! I'm Autumn" "Autumn Noonaaaaa! Si Taehyung hyung ginugulo ako!" "Kim Taehyung! tigilan mo si maknae! matulog ka nalang din!" "Oppa! Oppa mo ako! TAEHYUNG OPPA" "Manager niyo ako, Kim Taehyung!" "N...