"Sino ang kaaway mo sa loob?" isang baritonong boses ang gumulat sa akin paglabas. Kumunot ang noo ko.
"What are you doing here? Sabi ko hintayin mo ko doon."
"Ang tagal mo kaya naisip kong puntahan ka. Sinong kausap mo sa loob?" walang emosyong aniya at bahagyang sumilip sa loob ng cr.
Itinuro nya ang pinto at matamang tumitig sa akin. "May kaaway ka ba?" i gulped.
Shit. Hindi dapat kami maabutan ng babaeng yun. Hinila ko sya sa braso at mabilis na nilisan ang lugar.
"Stop minding about others businesses."
Nang makarating kami sa parking lot sa harap ng kotse nya ay nagdalawang isip na ako kung sasakay ba ako. Mukhang nabasa nya ang isip ko kaya inunahan nya na ako.
"Get in." aniya, malamig pa rin ang boses.
"I have my own car. Magkita nalang tayo sa--" hindi ko madugtungan ang sinabi ko dahil hindi ko naman alam kung saan kami maghahanap.
Tumaas ang kilay nya at binuksan ang driver's seat. "Mas makakatipid ng gas kung isa lang ang gagamiting sasakyan. Now, get in. We don't want to waste time."
"What about my car? Iiwan--" he cut me mid sentence.
"I'll drop you here later so you can drive it home." tila nawawalan na sya ng pasensya kaya binuksan ko na ang pinto at pumasok na.
"K, fine." sabi ko habang kinakabit ang seatbelt.
Buong byahe namin ay tahimik sya. Medyo naiilang na rin ako dahil kada sampung segundo ay nililingon nya ako. At sobrang naiirita na ako.
Remind me that i won't be ride with him anymore. Inaabala ko na lang ang sarili sa pagtingin sa labas. Maya maya pa ay nagring ang cellphone nya na nasa dashboard. Kinuha nya iyon at sinagot.
"Hello." napairap ako at bumaling ulit sa bintana. Probably one of his girls. He might have a hard time probably because of me. Siguro dahil imbes na kasama nya ngayon ang mga babae at nagpapakasaya ay narito sya at naghahanap ng nawawalang kapatid.
Napairap ulit ako. Nitong mga nakaraang araw ay napapadalas na ang pagirap ko. At nangyayari lang iyon tuwing nakikita ko ang lalaking ito.
"Okay, papunta na kami dyan. Yes, yes please. Salamat, Ken,." pinatay nya na ang tawag. I blushed. Bigla ay nahiya ako sa naisip. Umayos ako ng upo at umubo kunwari.
"Ano daw sabi?" tanong ko. Nilingon nya ako saglit at bumaling ulit sa kalsada. Nililiko nya ang sasakyan at kapag hinighigpitan nya ang hawak sa manibela ay lumalabas ang mga ugat nya sa kamay! And damn it! Every time he did that mas lalong nadedipina ang mga muscles nya sa braso and i cant believe i find it so freaking attractive! And it's so freaking sexy!
Shit. Get a hold of yourself, Lev! Namumulang inalis ko sa kanya ang paningin at nagconcentrate sa harap.
Pumikit ako ng mariin habang kagat kagat ang labi. "So, you're hitting two birds in one stone, huh?" he said out of nowhere.
"Excuse me?" naguguluhang tanong ko. I'm not sure kung ako ba ang kausap nya, dahil may headset syang suot. Ngumisi sya at umiling.
"Nevermind." my brows shot up, binasa ko ang aking labi. Maya maya pa ay nagring naman ang cellphone kong nasa bulsa ng aking pants. I grab it while we we're slowing down. Nagpark si Devo sa harap ng isang bar, maraming lumalabas doon mula sa loob, may nakita pa akong pamilyar na mga mukha. Yung iba schoolmates namin.
Nagulat ako ng si Jigo pala ang tumatawag. Ugh! Ano na naman? I'm sure nalaman nya na ang nangyari kay Chas. And i am very sure he will scold me for that.
BINABASA MO ANG
Legends Of The Drowned
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...