"Makikita mo ang taong nakatadhana para sa 'yo sa tamang panahon"- sabi ng manghuhula sakin habang hawak ang palad ko sinusuri niya ang bawat guhit nito na tila binabasa."Eh manang nakikita niyo rin po ba kung ano itsura niya?"- tanong ko na medyo nilakihan ang mata.
Naniniwala ba kayo sa destiny? sa red string of fate? pwes ako oo! naniniwala ako na lahat ng tao may nakatadhanang kapareha na makakasama niya habambuhay, at yes naniniwala rin ako sa hula, sa feng shui at kung ano ano pang pangpa paswerte syempre wala namang masamang maniwala 'di ba? basta may faith ka lalo ka kay brader God.
"uhmm teka"- napa O ang bibig ko ng muling salatin ni manang ang kamay ko,
"maganda ang mata niya... asul.. kulay asul ang mga mata niya"- ani 'to.
Nanlaki ang mga mata ko at napangiti ng malaki na akala mo kinikilig ng marinig yun, biruin mong foreigner pala ang ka destiny ko?
"Kaya lang..."
nawala ang ngiti ko ng magsalita ulit ito
"ano manang?"- usisa ko kasi naman nakakakaba yung ngunot ng noo niya tsaka pagpalatak
"malapit mo na siyang makita"- sabay sabi nito at ngumisi
"talaga manang? as in? akala ko ba sa takdang panahon?"- tanong ko
"hija sinabi ko nga yun ibig sabihin eto na yun"- sabi nito.
Tumayo ko at excited na inabot ang kamay ni manang sa sobrang saya finally! yes! yes! Mr.Destiny makikita at makikilala na kita.
"isa pa pala"- habol nito tumingin ako sakanya ng may ngiti sa labi
"hindi magiging madali ang lahat... komplikado"- dagdag nito nabawasan ng konti ang ngiti ko, pero okay lang think the positive side.
"salamat manang"- paalam ko at inabot ang 100 pesos na bayad para sa ginawa niya.
Pag labas ko ng tent kung saan nakapwesto sa isang park si manang manghuhula ay nangiti ako ng malaki at pinigilan ang sariling maglumpasay sa kilig imagine? blue eyes? blue as in foreigner!.
"Basha! yung costumer sa table 14"
tawag sa 'kin ni Mr.Will manager ng café na pinagtatrabahuan ko. Part time lang, kasi nag aaral ako sa umaga sa isang University at sa gabi eto nga deretso trabaho. May tatlo akong kapatid na puro barako ako ang bunso... si Papa may talyer katuwang ang mga kuya ko... si Mama naman nawala siya nung ipinanganak ako sabi ni Papa nung sinabi ng doktor na baka walang maligtas samin ni Mama kasi 7months palang ako sa tiyan ni Mama, may sakit sa puso nun si Mama ... pero hindi nawalan ng pag asa si Papa maswerteng nabuhay ako kaso hindi si Mama at kaya ako nagpapart time dahil gusto ko makatulong kay Papa para sa mga gastusin ganun din naman ang ginagawa ng mga kapatid ko may mga side line sila para makatulong din"Basha"
Napabalik ako sa reyalidad ng may tumapik sa 'kin si Mr. Will pala ngumiti ako ng alanganin sakanya.
"table 14"- masungit nitong utos tumango ako at nag sabi ng "yes sir" sabay punta sa table na sinasabi ni Mr. Will.
Pag punta ko ng table 14 ay agad kong kinuha ang pad at ballpen sa loob ng bulsa ng fabric apron na siyang uniform ko.
"May I take your order ser?"- tanong ko sa lalaking naka-okupa dito. Nakabonet siya at medyo nakataas ang menu kaya hindi ko masyado makita ang mukha pero ... shit lang feeling ko gwapo 'to.
Unti-unti nitong ibinaba ang menu at tumingin sa 'kin... parang nag slow mo ang paligid katulad sa movie ng Kathniel na Must be Love? yung ganun ... ang gwapo fair complexion..yung ilong matangos pointed siya oh my gawd... yung lips kissable.. nanlaki ng bahagya ang mata ko ng makita ko ang mga mata niya... Asul na mata don't tell me siya? oh my... sana sana...
"Miss?"- ani niya pati boses ang gwapo ang yummy feeling ko hindi ito umaabsent sa gym kasi yung bicep niya lutang na lutang sa gray shirt na suot niya.
"Miss? are you done checking me out?"- napapitlag ako natarantang nilapit ko ang dulo ng ballpen sa pad na hawak ko
"s-sorry sir"- utal kong sambit "ano po ulit order niyo?"- dagdag ko sobrang kabado ako sa ngunot ng noo niya ... nako baka nairita ko siya.
"kung ganito ang service dito hindi na ko magtataka kung mawalan kayo ng costumer"- masungit nitong sambit,
"sorry po talaga"- paumanhin ko dito humalipkipkip ito at sa ibang dereksyon ibinaling ang tingin.
"Iced Coffee Frappe"- walang gana nitong sabi na agad ko namang sinulat sa pad na hawak ko
"yun lang po sir?"- magalang kong tanong abut-abot ang kaba ko hindi ko alam kung bakit... tumango ito at kinuha ang cellphone sa bulsa nakita ko pang nagdial ito bago ako umalis sa harap niya.
Hapong hapo akong umupo sa maliit naming couch, kakauwi ko lang galing sa trabaho feeling ko magkakasakit ako eh. Hindi pa rin kasi mawala yung bilis ng tibok ng puso ko simula nung kanina.. pero nangiti ako dahil finally i found him... tama nga si manang makikilala ko agad siya napawi ang ngiti ko ng marealize ko na hindi ko pala alam ang pangalan niya.
"ang tanga mo talaga Basha" bulong ko sa sarili ko
"oh andyan na pala ang pinaka maganda kong kapatid"- napalingon ako sa nagsalita si Kuya Sedric siya ang panganay bukod sa nakatapos siya ng pagiging Architech ay katuwang din siya ni papa sa talyer sa ngayon may trabaho siya sa isang construction firm.
"kuya naman maliit na bagay"- biro ko habang tinatanggal ang sapatos
"amina nga ako na at imamasahe ko"- nagulat ako ng hawakan ni Kuya Drew ang paa ko , siya naman ang pangalawa.
"bunso oh meryenda"- nilapag naman ni Kuya Driin ang banana que sa center table, siya ang pangatlo well kambal sila ni Kuya Drew Graduating na sila ako naman ay third year college na sa University kung saan din ako nag aaral im taking education, sila Kuya Drew at Kuya Driin ay HRM ang kinuha bukod sa pagtulong nila sa talyer ni papa ay may sideline sila... isa silang promo dizer sa isang sikat na Mall .
Nangingiti ako kasi may mga kuya akong mapagmahal, responsable at maalaga tsaka syempre may ama akong mala superman
"Basha sino iniisip mo?"- nakataas kilay na tanong ni Kuya Sedric napalingon ako at nagulat dahil lahat sila nakatingin sa 'kin.
"ha? kuya naman wala"- sagot ko
"si Papa?"- pagiiba ko ng usapan
"nasa taas na nagpapahinga"- si Kuya Driin ang sumagot "mamayang hapunan bababa iyon"- dugtong nito napatango ako
tumango ako at dumiretso sa kwarto..
Naisip ko naman yung lalaki kanina... siguro kailangan ko ulit pumunta kay manang bukas... tama pupunta ako bukas...
---
itutuloy...short story lang po ito sana magustuhan niyo :)
vote or comment :)

YOU ARE READING
Oh My Basha!
ChickLitNaniniwala kaba sa destiny? eh sa red string of fate? pwes ako oo! naniniwala ako!- Basha