Pangatlo

36 16 3
                                    


Kinabukasan..

Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig sa professor namin ng mapabaling ako sa bintana ng room.. bigla kong naisip kung ano ba ang magiging reaksyon ni blue eyes pag naamoy na niya yung pabango? maattract ba siya agad sakin? yung mga ganun..

"class dismiss"

Napalingon ako dahil sa sinabi ng prof namin.. last subject na ito kaya agaran akong tumayo at inayos ang gamit sabay alis... nagpunta ako ng cr para mag ayos ng kaunti

"aba Basha aga ah.. naglunch kana ba?"- tanong ni Kimmy sakin ng madatnan ko siyang nagbibihis sa locker room

"oo bago ako magpunta dito"- sagot

Nagpalit na ko ng uniform at akmang itatali ko na ang buhok ko ng magsalita si Kimmy

"Basha saan js prom?"- natatawang puna niya sakin ng siyang ikinuot ng noo ko

"huh?"- sambit ko.. inilapit niya ang mukha sa mukha ko ako naman ay napapaatras

"san ang js prom at ganyan kakapal ang make up mo?"- sita niya sakin napahawak ako sa muka ko at napatingin sa salaming nakadikit sa likod ng pintuan ng locker ko.. bakit? anong mali sa make up ko?

" alam mo muka kang sinapak sa kapal ng blush on mo.. at yang labi mo para kang nag pa Kylie Jenner challenge sa sobrang pula"- nakangiwi nitong sabi.. binuksan niya ang locker niya at may nilabas na maliit na bag

Puro pampaganda pala ang laman nun, eh ngayon lang naman ako naglagay nito eh tsaka hindi ko naman alam na makapal na pala yung ganto.. kaya pala sa Campus at jeep ay pinagtatawanan ako dahil makapal ang make up ko

"Tara dito"- utos niya lumapit naman ako sakanya.. nilabas niya ang bulak may nilagay doon saka pinahid sa mukha ko malamig yun at medyo mabango sa mukha.. pagkatapos ay tinapon niya ang bulak nakita kong may dumi na iyon inalis niya yung makapal kong make up

"ayan mukha ka ng dyosa!"- sambit nito matapos ng lagyan ng mas light na make up ang mukha ko tumingin ako sa salamin natulala ako parang hindi ako yung nakikita ko parang ibang tao

"salamat Kimmy"- sabi ko at pinusod na ang buhok.. naunang lumabas si Kimmy sakin, kinuha ko ang botelyang bigay ni manang manghuhula kahapon at nagwisik sa leeg ko pati palapulsuhan at sinuot ang charm bracelet sa kanang kamay

"table 14 basha.. iserve mo na to"- sambit ni Manager Will kinuha ko sakanya ang tray na may lamang Ice Coffee Frappe ito ang lagi niyang inoorder .. huminga ako ng malalim at nagtungo sa table kung nasaan siya

Abot tenga ang ngiti ko ng malapit na ko sa table niya ... ngumit nawala ito ng malamang hindi siya ang nakaupo dun kundi ang kapatid niya..

"mam order niyo po"- mahina kong sambit

"wala pa si kuya Eron eh"- bigla nitong sabi na siyang nagpalingon sakin sakanya... nakangiti ito ng matamis

"huh?"- nagtataka ako sa sinabi niya... teka... sinabi ba niyang Kuya Eron?

"yan yung inoorder niya dito diba?"- nakangiti nitong tanong... napatango ako habang nakatingin sakanya

Eron pati pangalan ang gwapo

"Ba-sha"- sambit nito habang nakatingin sa name plate ko sa kaliwang dibdib sabay ngiti

"by the way I'm Eliza"- pakilala nito sabay abot ng kamay na agad ko namang tinanggap

"Basha"- sambit ko

"Im sorry late ako"- napatayo ako ng tuwid ng marinig ang malalim na boses niya... si Eron
Naka blue t-shirt ito nakabonnet at naka maong at sneakers ... yung tibok ng puso ko heto't bumilis na naman

Oh My Basha!Where stories live. Discover now